CHAPTER 20: Hating you...again?!?!

13 1 0
                                    

“ Aaaaahhhhh!” sigaw ni Elai nang maikwento ko sa kanya ang ginawang confession ni Paolo.

“Psssttt! Huwag ka ngang maingay, girl, baka marinig ka diyan, andami pa naman tao,” pigil ko sa kanya, nagla-lunch kami sa may Mang Pedring’s Resto. Nagkita muna kami at sabay na kaming pupunta ng AMC after lunch para pag-usapan ang party na pinaplano ng dalawang kompanya. Sabi kasi ni Gracelyn, ako na lang ang makiki-coordinate sa kanila at dala ko na plano ng party.

“Girl, ang haba-haba na talaga ng buhok mo. Imagine mo, kamukha nya si Piolo Pascual, macho, mabait at may trabaho, package deal na girl!” panunukso sa akin ni Elai.

“Ano ka ba, mukhang alanganin nga ako sa kanya eh. Mukhang galing siya sa mayamang pamilya, baka….” Pinutol na ni Elai ang sasabihin ko.

“Eh di, hilingin mo na ipakilala ka sa parents at nang malaman mo,” sabad ni Elai.

“Hala, nagdemand agad, ayoko nga, hindi naman nya ako girlfriend para hilingin yun sa kanya,” sagot ko naman.

“Kapag girlfriend lang ba pwedeng hilingin yon?” tanong ni Elai.

“Kahit na, ayoko pa rin, if ever man, sa kanya pa rin dapat manggaling yong invitation,” sagot ko naman.

“Oh siya sige, panalo ka na Ms. Arevalo, wala na ako nasabi,” sabay bungisngis ni Elai.

Nang tumunog cellphone ko, “Paolo…calling…”

“Aay, tumatawag na si papa Paolo,” tukso ni Elai.

“Psst! Huwag ka ngang maingay diyan, sasagutin ko na itong phone, quiet,” pigil ko sa kanya.

“Hello, Paolo, napatawag ka?” sagot ko sa kanya sa phone.

“Hi. Yah, ahmm, what time ka pupunta ng AMC? Sunduin kita if it’s okay?” alok ni Paolo.

“Ah, it’s okay, I’m with Elai right now, kasama ko na lang sya, makisakay na lang muna ako sa kanya papuntang AMC, salamat sa offer,” sagot ko naman.

“Are you sure?” tanong niya ulit.

“Yah, we’re gonna be fine. Paalis na rin kami. See you there na lang,” sagot ko naman.

“Okay, sige, ingat kayo,bye na,” sabi ni Paolo.

Inaya ko na nga si Elai papuntang AMC. Pagdating namin ng AMC, sinalubong kami ni Paolo, hinatid muna kami sa office saka nagpapaalam na balik na din siya sa office nila, magkita na lang daw kami later kapag pauwi na ako. Pagpasok namin sa office, medyo tahimik ang mga tao, sinalubong kami ni Ms. Cynthia, “Guys, dito muna kayo may kausap si sir Israel,” sabi nya.

“Pero Ms. Cynthia, bakit parang may tension? Tahimik nyo, hindi pa naman ganito kanina nung umalis ako ah?” pag-uusisa ni Elai.

“Andiyan kasi si President Lopez, galit na pinuntahan si sir Israel, hindi yata nagustuhan ni sir Lopez ung pakikipag-deal ni sir Israel sa isang investor,” paliwanag ni Ms. Cynthia.

“Eh, bakit naman daw po?” usisa ulit ni Elai.

“Hindi na namin masyado narinig ung sinabi ni sir Lopez, pero parang it has something to do sa karibal ng kompanya. ‘yong investor na iyon galing kasi ng SouthEast Asian Marketing Group, yon yong karibal na kompanya ng AMC. Fear ni sir Lopez baka traydurin si sir Israel sa bandang huli,” patuloy na paliwanag ni Ms. Cynthia.

Sa lakas daw ng boses ni sir Lopez ay naririnig na nila ang ibang issues na pinag-aawayan nilang mag-ama. Bigla ako nag-alala sa kanila, ganito ba talaga ang mga malalaking tao, mag-aaway dahil sa business at hindi na importante ang relasyon sa isa’t-isa. Nang bigla na lang lumakas ang boses ni Pres. Lopez, “Cancel that deal, Israel, or else you’re out of this company,” sabi nya sabay bukas ng office ni sir Israel at deretsong naglakad ang president ng kompanya na halatang galit na galit.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon