CHAPTER 9: The Date

24 1 0
                                    

Pagdating ko sa parking lot tinulungan ako ng kapatid ko sa mga dala ko nang…

“MK wait!”

Nagulat naman ako kung sino yung humahabol sa akin, si Paolo pala.

“Tama ba yung narinig ko, nagresign ka daw?” tanong niya agad.

“Wow ah, kumalat agad ang balita? Yap, kakaresign ko lang kanina.” Nakangiti pero malungkot ang boses ko.

“Pero bakit? Teka, pwede ka bang invite for lunch ngayon? Magkwento ka nga. Umalis lang ako sandal, pagdating ko aalis ka na?” sabi ni Paolo.

Wala naman ako gagawin sa araw na ito kaya pumayag akong mag-lunch. Pinauna ko na kapatid para iuwi na mga gamit ko at para makapasok na rin siya sa work.

Pagdating namin sa isang restaurant, nag-order si Paolo, hinayaan ko na din syang mag-order dahil parang wala pa ako sa mood.

“Oh ano, kwento ka na? Bakit ka nga ba nagresign? May nakaaway ka ba?” sunud-sunod na tanong sa akin ni Paolo.

“Hinay-hinay lang, ikukuwento ko naman eh. Hindi ko rin naman gusto ang magresign, tagal ko na rin sa AMC at napamahal n rin sa akin sila Elai. Kaya lang nakapagsagutan kami ni sir Israel.”

“What? Bakit?” pag-uusisa ni Paolo.

“Nalaman ko kasi ang tungkol sa past nya at hindi ko napigilang mabanggit ko sa kanya,” tuloy kong kwento.

“Past about?” tanong ni Paolo.

“Past about Alex,” maiksi kong sagot.

“What? Paano mo naman nalaman ang tungkol kay Alex?” tanong ni Paolo.

“Kilala mo din ba yong ex ni sir?” tanong ko.

“Of course, sino ang hindi makakakilala sa kanya. Alam mo kasi matagal nang hindi nauungkat ang bagay na yan kaya siguro ganoon na lang reaction niya. Then bakit ka nagresign?

“Alam mo naiintindihan ko naman. Maari sigurong masakit pa sa kanya yong nangyari sa kanila pero ang pababain ako sa kotse at iwanan sa kalagitnaan ng EDSA, ibang usapan na yata yun,” sabi ko na nagngingitngit na naman.

“What!” gulat na sagot ni Paolo.

“Sir Israel did that? Hindi ako makapaniwala nagawa niya yun. Well, hindi nga kita masisisi kung magreresign ka,” patuloy ni Paolo.

“Yah, pero bakit nalulungkot ako ngayon. Actually, hindi naman niya ako pinagreresign ako lang talaga yong ma-pride magresign.” Sabi k okay Paolo.

“Eh, bakit ka nga kasi nagresign ayan tuloy malungkot ka,” sabi naman ni Paolo.

“Eh sabi nya kasi, I’m JUST his employee and he can fire me anytime he wants kaya inunahan ko na sya,” sabi ko naman na parang batang nagsusumbong sa tatay nya.

Napangiti lang si Paolo. Ngayon ko na lang napansin yong isa pa nyang dimple na mas gwapo pala siyang tignan sa malapitan.

“Oh, tinatawanan mo ako?” tanong ko.

“Ang cute mo kasi, para kang bata. Look, I’m sorry okay. Naintindihan naman kita eh. So anong plano mo ngayon?” tanong ni Paolo.

“Siguro hanap na lang ako ulit ng ibang work,” simple kong sagot kay Paolo.

“Well, sabihin mo lang if you need help, pwede kitang tulangan. So, may ibang plano ka ba today?” tanong ni Paolo.

“Wala naman, siguro next week na ako mag-start maghanap ng bagong work.” Sagot ko.

“So, tuloy na natin ‘tong date natin sa araw na ito,” sinabing ngiti ni Paolo.

“Date?! Hindi ‘to date ha! Teka, wala ka ba work ngayon? Baka need ka sa office?” tanong ko.

“Nope, wala masyado gagawin sa office ngayon kaya tinawagan ko na si Marcy na out na ako for today. So, ano gusto mong gawin? Para sumaya ka naman sa araw na ito?” aya ni Paolo.

“Ahhh…ikaw, bahala ka,” nakangiti kong sabi kay Paolo.

Pagkatapos nga naming kumain ay namasyal kami. Parang bata pala itong si Paolo.  Niyaya niya akong magbump-car, kumain ng cotton candy, lahat ay ginawa nya para manaliw ko. Then nag-aya na siyang umalis at may pupuntahan daw kami. Sumakay kami ng kotse, pumunta kami sa isang place na kung saan makikita ang buong lungsod. Para bang nasa tuktok ka ng bundok, kaibahan lang sementado ang inaapakan mo at may mga table na pwedeng kumain habang nagsa-sight seeing sa nature.

“Wow, ang ganda naman dito. How did you fine this place?” tanong ko sa kanya.

“Bah, may pagkaromantic din ako noh?! Ang ganitong place ang mga gusto ko,” pagmamayabang ni Paolo.

“Ah ganoon pala,” panukso kong sabi, “Eh sino sino naman ang mga naisama mo na ditong mga girlfriend mo?” panuksong tanong ko.

“Marami na,” sabi nyang natatawa.

“Sabi ko na nga ba chickboy ka din  eh,” sabay tawa ko.

“Selos ka naman?” tukso din nya.

“Alam mo hindi ka lang chickboy, presko ka pa noh?!” sabi ko naman.

Natawa na si Paolo, “Hahaha! Ito naman hindi mabiro. Hindi noh?! Siguro ang nadala ko lang dito nanay ko, yung time na nagkasakit siya but now okay naman na siya. Naging successful ang kidney operation nya. That time kasi napakalungkot ni mama, kaya dinala ko siya dito at nasiyahan siya dito.” Paliwanag ni Paolo.

Nakita ko bigla siyang sumeryoso kaya nagtawa naman ako ng kunti, “Weh, di nga! Niloloko mo ako eh, sure ka wala ka pang isinamang girlfriend dito?” sabi kong nakatawa.

Natawa na din sya at ang sabi, “Isinaman ko na, kaya lang hindi nya alam na girlfriend ko sya haha!” sabay tingin sa akin.

“Nge! Merun bang ganoon?” tanong ko.

“Ay, andami mong tanong. Alam mo ba every 9:00pm dito, mayroong fireworks?” sabi nya sa akin.

“Talaga? Ay sayang hindi ko pa makikita today,” panghihinayan ko naman.

“Pwede naman tayong bumalik dito someday kung gusto mo,” offer ni Paolo na medyo namula ako sa tingin nya at para hindi nya mahalata pamumula ko nag-aya na akong umuwi.

“Sige, balik na lang tayo dito someday. Well, tara na, pagabi na rin baka mag-alala na si mama,” aya ko sa kanya.

“Okay. Tara na,” aya na rin niya.

Umuwi na nga kami at hinatid sa bahay. Bumaba na muna sya sa kotse at pinakilala ko sya kay mama. Pinapapasok pa sana siya ni mama para mag-early dinner pero tumanggi na siya, kailangan na din daw niyang umuwi.

Hinatid ko siya sa may gate, nagthank you ako dahil kahit paano gumaan ang pakiramdam ko after kong umalis sa trabaho.

“No, thank you, I really had a good time. Sana maulit pa ito” sabay ngiti niya sa akin.

“Sure. Just text me, okay?” sabi ko naman.

“Yah, bye. Take care,” sabi niyang nakangiti pa rin. Nag-wave goodbye na rin ako at nagsabing ingat din siya pauwi.

“Hmmmm…sino yun?” tanong ni mama.

“Taga AMC din sya ma, photographer ng kompanya,” casual kong sagot kay mama.

“Eh bakit ang lagkit ng tingin sa’yo,” panunukso ni mama.

“Ma….ano ka ba?” sabi kong namumula na ata ako.

“Oh ano? Para nagtatanong lang eh. Ayan oh, namumula ka na,” sabi ni mama.

Tumawa na lang kaming dalawa at pumasok na sa bahay.

“Gwapo sya anak ha,” pahabol pa ni mama.

“Mama…” sabi ko naman.

“O sya sige hindi na,” at tumigil na nga si mama sa kakatukso sa akin.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon