CHAPTER 5: "Just An Employee"

31 1 0
                                    

        Matagal na akong nakahiga pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Iniisip ko pa rin kasi ang ang mga titig ni Paolo,

“Masyado naman yata akong assuming kapag iisipin kong may gusto sya sa akin,” sabi ko sa sarili ko na nalilito pa rin kung anong ibig sabihin ng mga titig na iyon. Hay, hindi rin naman kasi mahirap hangaan ang isang tulad ni Paolo. Liban sa kanyang taglay na kagwapuhan, siya ay maalalahanin at gentleman, may sense of humor din kasi habang nasa byahe kami ay wala na lang ginawa kundi ang magpatawa. Pero hindi rin dapat ako mag-fall sa kanya dahil baka sa bandang huli ako lang ang masasaktan.

“Riiiiinnnnggggg!” Ang alarm clock ko, naku 6:00 am na pala, sana hindi ako ma-late, kasi naman napuyat ako sa kakaisip kagabi.

Hindi na ako nagbreakfast sa bahay. Sabi ko kay mama sa office na ako kakain at pinapayagan naman nila ang breakfast break sa mga empleyado.

Pagdating ko sa office, niyaya ko si Elai pumunta ng canteen at tamang tama naman na hinihintay din pala niya ako para magbreakfast.

“Girl, kwento ka na,” sabi ni Elai habang hinihigop ang soup nya.

“Ano ikukwento ko? Ikaw Elai tigilan mo ako sa panunukso mo ha. Alam ko na ibig mong sabihin,” sagot ko naman.

“Don’t tell wala man lang kayong napag-usapan nung hinatid ka?” tanong niya.

“Wala. Ayon lang, mga simpleng tanong tungkol sa buhay buhay then alam mo naman si Paolo di ba laging nagpapatawa,” simple pagkukuwento ko.

“Alam mo girl, posibleng may gusto sa iyo si Paolo. Halata eh, ni hindi nga nya maialis pagtingin nya sa iyo eh,” panuksong sabi ni Elai.

“Ito talaga,” sabi kong nakangiti.

“Uuuyy, aminin mo, kinikilig ka noh!” dagdag pa ni Elai.

“Hahaha, loka loka ka talaga girl! Well, siguro may kilig pero ayoko, parang mahirap eh, baka ako lang ang masasaktan sa huli. Hey, teka napapahaba na usapan natin may work pa tayo. Sabi ni Ms. Cynthia papasok ng office si sir Israel ngayon dapat andoon na tayo,” pagmamadali kong sinabi.

“Ay oo nga. Tara na baka masamplelan din ako ng kasungitan ni sir,” dagdag pang panunukso ni Elai.

“Inaasar mo na naman ako nyan,” sabi ko sa kanyang nakairap.

“Hehehe, I’m just kidding, Ms. Arevalo, peace tayo,” sabi naman niyang nagpapa-cute.

“Ikaw talaga, halika na nga,” aya ko sa kanya.

Pagdating namin sa office, sinalubong kami ni Ms. Cynthia at merun daw kaming emergency meeting. May importanteng sasabihin si sir Israel. Hindi nagtagal at dumating na nga si sir Israel.

Pumasok na kami sa conference room at nag-umpisa nang magsalita si sir Israel.

“Good morning, sorry for this very short notice about this meeting. Our investors from California want to withdraw their investments to AMC. Malaking ang mababago sa kompanya kapag sila ang nawala because majority of our clients sa US ay sa kanila nanggagaling. I want you all to work together para mapabuti ang kompanya. I-market ninyo ito in the sense na makikilala pa siya worldwide,” tuloy tuloy na pahayag ni sir Israel.

“Now, Ms. Cynthia, I want you to come with me to meet Mr. Behymer to give him and his companion the updates of our company.” Sabi niya kay Ms. Cynthia.

“But sir, hinihintay ko po iyong isang client natin from Cebu remember?” apela naman ni Ms. Cynthia.

“Ay oo nga pala, sorry I forgot. Ahh, Ms. Arevalo would you come with me to meet Mr. Behymer later? Important lang to have a lunch meeting with them. I want you bring the files Ms. Cynthia will give you,” utos ni sir Israel.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon