CHAPTER 21: At The Party...

13 1 0
                                    

Dumating ako sa bahay na matamlay at napansin iyon ni mama. Tinanong niya kung bakit ako matamlay, maiksi lang ang sagot ko,”Pagod lang po ako, mama,” at pumasok na ako sa kwarto. Inaya akong kumain ni mama, “Halika ka na anak, kain na tayo. Ano man ang problema mo pag-usapan natin, okay?” sabi ni mama sa akin.

“Ma, sorry po medyo matamlay ako, pagod lang po siguro ako sa trabaho. Kaya halika na po at kain na tayo at inaantok na rin po ako,” pinilit ko ang ngumiti para hindi na masyadong mag-alala si mama.

Pagkatapos kumain ay naligo muna ako. Nang isusuot ko na yong pajama ko medyo nadiinan ko sa may beywang ko at naramdam kong may kunting sakit doon.  Bigla ko na namang naalala ang nangyari sa AMC this day. Parang mas masakit pa ang nangyari sa amin ni sir Israel keysa sa sakit na naramdaman ko sa may beywang ko gawa ng pagkakaupo ko sa floor nung naitulak ako ni sir.

Nahinto lang ang pag-iisip ko nang tumunog ang phone ko… “Calling…Paolo”

“Hello, napatawag ka,” simpleng sagot ko.

“Kumusta ka na, MK? Are you okay?” tanong ni Paolo.

“Yah, okay na ako, thanks for asking. Kumusta ang preparation ng party sa AMC?” simple kong tanong.

“Ah, I don’t have the details kasi sila Elai ang naka-assign dun. I heard na si Gracelyn na ang makiki-coordinate kila Elai about the party?” usisa ni Paolo.

“Yes, pinakiusapan ko na siya,” simple kong sagot.

“Dahil ba sa nangyari, MK?” muli niyang tanong sa akin.

“Ayoko na sanang pag-usapan, Paolo,” pagtanggi ko kay Paolo.

“Okay, I respect that. I’m sorry hindi ko na sya ioopen pa.,” pag-aapologize ni Paolo.

“It’s okay. Goodnight na ako, Paolo, need ko pa maagang gumising bukas kasi magpi-prepare na din kami sa office about sa party, this Saturday na nga pala yon, contact pa namin yong resort,” paalam ko sa kanya.

“Ah okay, sige goodnight. Ingat ka always okay? And hey, don’t forget, I love you,” palambing niyang paalam.

“Ha-ha… pa-tweetums ka pa diyan ha! Sige na po, if you want me to smile, ayan naka-smile na po. Good night,” paalam kong muli.

“Perfect! Goodnight,” at binababa na nga ni Paolo ang phone.

Kinabukasan, inasikaso na nga namin ni Shirley ang mga details para sa mga party. Ilan sa mga executives ng kompanya ay medyo hesitant sa isang pool party pero nakumbinse din sila ng mga bosses namin na umattend, for a change, iwanan muna ang pagiging seryoso at formal sa trabaho.

Saturday, everything was set. Kami nila Gracelyn at Shirley sa pagtanggap ng mga guests. Medyo hindi ako kumportable sa suot ko kasi nga pool party but kelangan kaya lagi na lang akong tinutukso nila Gracelyn na napakasexy ko daw sa suot kong pang swimming pero buti na lang may nakatapis sa aking bulaklaking cloth at hindi masyadong expose ang skin ko.

“Hi, sexy!?” sabay hawak sa beywang ko. Si Elai pala, kararating lang at late na sila ni Caren, marami nang guests ang dumating.

“Hi, girl! Naku late na kayo…Uy, ang sexy nyo ah, talbog kami ni Grace,” sabay turo kay Gracelyn. Pero biglang nagbago ang timpla ng mood ko nang makita ang dumarating….sila sir Israel, kasama ang ilan sa mga investors. No choice ako kundi harapin ang parating na bisita. Kumilos na din sila Elai at pumunta sa pwesto nila nang makita ang mga bosses nila.

“Good evening, Mr. Lopez, Mr. Gonzales, Mr. Smith, welcome to the party. I hope you will enjoy the evening,” bati ko sa kanila. Gayon din sa Gracelyn.

HATING YOU...IS LOVING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon