Chapter 2

43 9 6
                                    

Yisha's P.O.V.

So all this time plano nila ito? Well hindi naman talaga ako purely against it. I mean, who would go against marrying the Gino? Definitely not me! He is almost perfect and one of a hell gorgeous man, at saka alam niyo na I have this big crush over him.

As I continued eating my dinner, napansin ko na seryosong nakatingin sa akin si Gino. Tumikhim ako at ibinaba ang aking kutsara at tinidor. Shet! Hindi ako makanhinga sa  mga titig niya.

"Mom.. Dad. Excuse me for a minute." Sabi ko sabay tayo at pumunta ako sa restroom, air were robbed from my lungs. Tang inang titig yan Gino! Nabobother ako at nakakaconsious. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at parang tangang kinausap ito. "Ahh nakakahagard ng beauty. I need to chill, damn it i need air!" Hindi talaga ako makapaniwala na ikakasal ako kay Gino. Humaba ata ang buhok ko ng di ko namamalayan. 

Nang makapag relax ako ay nag inhale at exhale muna ako bago lumabas."Okay! Yisha inhale! Exhale! Kaya mo yan!"

Nang makabalik ako sa table ay sinalubong kaagad ako ng usapan nila. Umupo ako ng tuwid at nakinig lamg sakanila habang kinakain ang dessert. "Gino I think she is the best girl for you." Simula ng mommy niya.

"Mom, Monique is the best girl for me." Kaagad na sabi ni Gino habang hinihiwa yung steak niya. Oh well awkward!

"Anak, please don't make this hard for me. Napag usapan na natin ito Gino."

"I sorry Mom but i can't accept her as my fiancé nor my wife. Well if she's Monique then i'll gladly ask her hand for marriage, but she is not." May diin na sabi ni Gino.

"GINO VANADIUM LOPEZ!" Biglang nag taas ng boses si Tito.

"I'm sorry Dad but my decision is final." Giit niya sa Daddy niya.

"Tito, tita, it's fine! Ayaw ko namang pilitin ang taong ayaw saakin." Kalmado kong sabi pero sa loob ko naiinis ako sa sinabi niya.

Nakakainis lang, talaga bang ipalalandakan niya sa mukha ko na ayaw niya saakin?!

"Tsk!" Sabi ni Gino at tumayo at nakapamulsa itong umalis.

Okay, ganon lang yun? Edi kung ayaw niya sakin pake ko. Weh? Sinong niloloko ko hindi naman ako manhid para hindi masaktan sa sinabi niya. Talagang harap harapan niya sinabi na ayaw niya saakin.

Nang makalabas si Gino ay nag excuse ako at lumabas ng restaurant. Madali akong pumara ng taxi, kailangan ko talagang magpahangin para mawala ang inis ko.

~~~~

Nang makarating ako sa dagat ay agad kong hinubad ang heels ko at umupo ako sa dalampasigan. Wala akong pake kung naka dress man ako wala naman kasing tao dito. I own this place nabili ko ito after lumago ang shop ko.

Nagmumuni lang ako ito sa dalampasigan marami akong naiisip gaya nang. Pangit ba ako? Bakit ayaw niya saakin? Noon palang ayaw na niya talaga saakin well not literally hahaha I used to bake cupcakes for him. Natutuwa pa nga ako noon dahil kahit anonymous ako eh tinatanggap at kinakain niya parin ang mga cupcakes ko.

Nagsimula ito noong college siya habang nasa senior ako. Hindi ko aakalain na magkikita kami ulit because after he graduated ay tumigil na ako sa pagpapadala ng cupcakes sa kanya. Medyo nasaktan din ako dahil may rumored girlfriend siya pero heto ako walang magawa.

I sucked at cooking, but I'm the best when it comes to baking. Atleast diba nakabawi ako sa baking. Marami nga ang na gugulat na magaling ako sa baking pero pagdating sa ulam palagi namang palpak. I know it's weird!

Tinitignan ko ngayon ang paglubog ng araw sa dalampasigan at di ko namalayang gumabi na. Naglakad lakad ako sa baybayin habang hinahagip ng tubig ang aking mga paa.

Malayo layo na rin ang aking nalakad ng makakita ako ng mansyon na nasa tabi ng dagat. Namangha ako sa ganda nito. Pag nakaipon uli ako ay magpapatayo din ako ng ganito. I was busy starring at the house nang may nakita akong lalaki na naglalakad patungo sa bahay.

He seems familiar. Nang lumingon ang lalaki ay nagtagpo ang aming mga mata and i realized it was no other than Gino. What is he doing here? Oh wait... Baka sakanya tong bahay. Agad akong tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo ng nagsalita siya.

"You. Stop!"

Pikit mata ko siyang nilingon. "What?" Pagtataray ko.

"What are you doing here?" He said habang nakakunot ang kanyang noo.

"Napadaan lang ako, kung ayaw mo akong makita sige aalis nalang ako." Sabi ko well alam ko naman talagang ayaw niya akong makita. Sa itsura palang niya alam kung naiirita siya pag nakikita ako.

"Lets talk."

"Nauusap naman tayo ah?" Diba nag uusap naman kami?

Napaigting ang panga niya at hinila ako. "Wuy! Teka lang saan mo ba ako dadalhin?" Pumipiglas ako sa pagkakahawak niya pero masyado siyang malakas.

Hinigit niya ako papunta sa isang cliff. "Huy balak mo ba akong patayin?" Tanong ko sa kanya sa lahat ng lugar dito pa niya talaga ako dinala.

"Tsk. Why don't you try to look at the view." Tinaggal na niya ang pagkakahawak sa kamay ko at nakapamuslsa na siya ngayon. Shet ang manly talaga ng biceps niya ulam na ulam.

Biglang napakunot ang noo niya ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya napatikhim nalang ako. "Ehem." I cleared my throat tapos tinanaw ang dagat. Sobrang ganda ng view kitang kita mo mula dito ang paglubog ng araw at ang pinaghalo-halong kulay sa langit.

"Ang ganda." Bulong ko.

"Lets talk about the wedding." Pagsisimula niya.

"Anong wedding? Akala ko ayaw mo?"

"Yes, to be honest I don't have a plan on marrying someone except Monique."

"Oh edi siya ang pakasalan mo." Naiinis na ako ha! Edi pakasalan niya yung Monique niya!

"Well I'm planning to do that."

"Eh bakit pa natin pag uusapan ang kasal na pinlano ng mga magulang natin?" Tangek ba tong lalaking ito eh bat pa niya pag uusapan yung kasal namin kung gusto niyang makasal sa Monique niya. Oo na bitter kung bitter pero bwisit siya.

"Lets get married." Ano raw? Pakiulit. Naalog na ata yung utak nito eh.

FakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon