Yisha's P.O.V.
I was sitting on the hospital bed while drinking some fresh milk. Pinilit kasi ako ng magaling na si Gino even tho ayaw ko. Binabalatan niya ang mansanas sa side table. I never intended to watch him in the first place pero sadyang malikot talaga ang mata ko at nadadapo sa kanya.
Bakit ganun? Bakit ang gwapo niyang tignan habang nagbabalat ng mansanas? Nakakaobsess siyang tignan. Gino is so focused on what he was doing na hindi niya napansin na titig na titig ako sa kanya. He came from work and directly went to the hospital. He was doing this for a week already, aniya ay babantayan niya daw ako.
"You're drooling." Biglang tingin ni Gino sa akin at napangisi. W-what? napahawak ako sa bibig ko, shet nakakahiya!
"H-hindi kaya!" Depensa ko at tinago ko ang mukha ko sa kumot.
He laughed in an manly manner. Shit! Pati ang tawa napakagwapo. "I was just teasing you, Yisha." Tawang tawang sambit niya habang tinignan ang pulang pula kong mukha.
"Hey! Eat this." Pumunta siya sa side ng bed ko at umupo. Inilapit niya sa bibig ko ang apple slices na nakatusok sa toothpick. "Ah, G-Gino kaya k-ko naman." Nagkanda utal utal kong sabi.
"Just let me feed you, future wife." He winked and smiled at me, shet nakakainis! Mas lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti siya. Hindi ko tuloy malunok lunok ang mansanas dahil dito sa katabi ko. Gabing gabi pinapakilig ako, huwag kang ganyan Gino marupok ako!
"Are you going to leave me after I get discharged?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi inaalagan niya lang ako dahil nakokonsensiya siya sa nangyari sa akin.
"No, I will stay beside you even if you get discharged Yisha. I can let something bad happens to my future wife." He was directly looking into my eyes, is that sincerity I saw? or namamalikmata lang ako?
"Gino, mahal mo pa rin si Monique diba? Bakit mo ba siya nagawang pakawalan?" Suddenly he was not comfortable of the topic.
"Yisha, I still love Monique. Pero hindi naman masamang mag move on diba?" He smiled at me, he looked guilty but I didn't mind as long as he is trying his best to forget Monique. I will gladly spend my life making memories with him as we grow old.
~~~
Nang payagan ako ng doctor na makauwi, si Gino na ang palaging nasa tabi ko. He never did left me. He was true to his words. He never contacted Monique ever since. May pagka suplado parin siya at mapang asar minsan dahil sa mga kagagahan ko.
Paano ba naman, palagi niya akong nakukuha sa akto pag tinititigan ko siya. Kasalanan ko bang masarap talaga siyang tingnan? Kahit anong ginagawa niya, ulam na ulam.
He cooks food for me everytime umuuwi siya galing work. Kasi simula nang makalabas ako ay hiniling niya kina mommy na sa condo na niya ako tumira. Mommy being a cool and supportive mom, she let me and Gino live together. Hindi rin naman kailangan pilitin si dad kasi gusto niya rin iyon lalo na at napapalapit na kami ni Gino sa isa't isa. He started to be more open to me, para nga kaming magbarkada minsan.
Nakaupo ako ngayon sa sofa at tamad na tamad, wala naman kasi akong magawa dahil nag shoshower pa kasi si Gino.
"Yisha, ready yourself at may pupuntahan tayo." Bigla niyang sabi habang nagpupunas ng buhok.
Tingnan mo, tulad ng mga panahon ngayon hindi ko talaga mapigilan ang pag titig sa mga abs niya. Kasalanan niya talaga ito eh! Bakit ba kasi ang yummy tignan ng katawan niya?
"Oh titig na titig ka na naman." Pang aasar niya.
"Che!" Nakakainis talaga to, hindi ba pwedeng e appreciate ang yummy niyang katawan huh? Nagdadabog akong pumunta sa kwarto na nakalaan para sa akin para magbihis. Sadyang tinagalan ko talaga ang pag aayos, akala mo ha!
"Yisha, hindi ka pa ba tapos diyan?" Katok niya. Halatang naiinip na siya, kaya mas lalo kong binagalan. "Kinain ka na ba ng kabinet mo Yisha?" Katok niya ulit, hindi na siguro niya napigilan at binuksan na niya ang pinto. "Hindi pa nga ako tapos, kita mo!" Sabi ko sa kanya habang nakaturo sa deriksyon niya ang blower.
"Let me help you." Sabi niya at siya na ang nagblower sa buhok ko, naligo kasi ako kanina bago siya naligo at tinirintas ko lang yung buhok ko kahit basa. Ayun at hindi na siya natuyo at kailangan e blower.
Habang nag bloblower siya ay sinumulan ko naman ang pag mamake up. Hindi naman siya umangal. Hindi rin nagtagal ay natapos na din ako sa pag aayos sa tulong ni Gino. "Gino, paki zipper naman ng damit ko oh, diyan sa likod." Hingi ko nang tulong sa kanya habang sinusuot ko yung gladiator sandals ko. Isinarado niya ang zipper at lumabas na pagkatapos.
Bumaba kami sa basement para kunin ang sasakyan niya. Saan niya ba ako dadalhin? Kanina ko pa siya tinatanong pero palagi niyang sinasabi ay huwag daw akong makulit at makakarating din kami doon. Kaya naman ay napaupo nalang ako at tahimik na tinitingnan ang bintana habang naka cross arms. Minsan talaga umiiral ang pagka abno ko.
Di nagtagal at nakarating kami sa beach kung saan niya ako niyayang magpakasal. Bakit dito niya ako dinala? "Bakit di mo sinabi na mag be-beach tayo? Edi sana nagdala ako ng two piece. Nag effort pa akong mag make up tapos mahuhulas lang sa dagat!" Naka cross arms at maarte kong sabi.
"Sino bang nagsabi na mag swiswimming tayo?" Natatawa niyang sabi. Mas lalong napakunot ang noo ko. Ano bang ginagawa sa dagat? Diba lumangoy? Minsan wala talaga itong common sense.
He guided me towards the shore at laking gulat ko na mayroong scented candles sa dinadaanan namin. "G-Gino? What is this?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Shh..." He put his index finger on my lips. Sa dulo ay may nakita akong table na naka set up.
"Let's eat dinner." Sabi niya at pinaghila ako ng upuan.
I was overwhelmed by the scene, it was so beautiful! The way the waves crash on the shore and the way my hair danced with the wind, it was so peaceful yet romantic! Kumain kami ng tahimik ni Gino and after that he held my hand at inaya akong sumayaw. He turned on his phone and played a music. I don't know what the song is but I like it.
"I know that I forced you to marry me. It was a harsh thing for me to do. I'm sorry, Yisha." Sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata.
"You don't need to be sorry Gino. I wanted it too." I replied back to him as we danced on the rhythm. I rested my head on his chest and feel the beating of his heart, somehow it made me calm. When the song hit the chorus, he kneeled on the ground and opened a velvet box with a diamond ring inside. "I really want to make it up to you Yisha. So will you marry me?" Napatakip nalang ako sa bibig. I didn't expect that to happen.
Napaluha ako at tinanggap ang singsing. "It has always been a yes Gino, you know that." Umaagos ang luha ko habang tinanggal niya ang unang singsing na ibinigay at pinalitan ito ng bago. I know he is still in love with Monique. I can see that in his eyes but this is just the beginning of our story and I know that I can't lose this.
BINABASA MO ANG
Fake
Romance"True love never fades, unless it was a LIE." Yrainne Aisha Zavalde was badly smitten by the hot and gorgeous Gino Vanadium Lopez. They got into an arrange marriage which Gino does not approve dahil may mahal na siyang iba. It was a bit frustrating...