Yisha's P. O. V.
Clone was busy ranting habang ako ay tawang tawa sa kinalabasan ng picture naming tatlo. Halatang pareho silang dalawa na hindi nakapaghanda. Si Gino ay nakunot ang noo sa picture looking confused, while si Clone nevermind. Ako lang ata ang maayos na nakapag pose ng maayos sa picture na ito eh.
"Yisha, e delete mo na please..." Nagpuppy eyes pa si Clone sa akin pero umiling lang ako. We really look cute in the picture so why would I delete it? Tawang tawa ako sa mukha ni Clone ang panget kasi ng kinalabasan.
"Clone, stop forcing my wife to delete the picture. She loves it even if you look stupid." Gino stopped Clone from getting my phone. Tumigil nalang sa pagpupumilit si Clone na e delete ang picture at napa pout nalang.
"Give me your phone." Gino asked for my phone, kahit medyo nagtataka ako ay ibinigay ko sa kanya ang phone ko. Wala namang password ang phone ko kasi nakakatamad mag password.
Tiningnan ko lang siya habang pinapasa niya ang photos from my phone to his. Napangiti ako nang makitang pareho kami ng wallpaper. "Done." He stated. Ibinalik niya sa akin ang phone at magkahawak kamay kaming naglakad without minding Clone at the back.
Nang mag ga-gabi na ay hinatid na kami ni Clone sa airport. Medyo nagulat ako dahil akala ko ay kami lang ni Gino ang sasakay sa private plane pauwi. Bigla kasing inilabas ni Clone ang napakalaki niyang maleta sa likod ng kotse along with ours.
"What do you think you are doing Clone?" Nakakunot noong tanong ni Gino kay Clone.
"Hehehe, pwede bang makisabay? Wala kasi akong pamasahe." Napakamot nalang si Clone sa batok niya."Please na, promise magiging mabait ako. I'll do everything you want pare, isama mo lang ako please." Pagpupumilit ni Clone. I can't resist his cute face kaya bago pa umangal si Gino ay hinawakan ko ang kamay niya at pinandilatan siya para pumayag ito na sumama sa amin si Clone. Napabuntong hininga na lamang si Gino.
Laking tuwa ni Clone nang tumago si Gino. "Da best ka talaga pre!" Tumalon ito at yumakap kay Gino na labis na ikinairita nito. Tinulak niya si Clone, "Gago, hindi tayo talo." Sambit niya bago hinawakan ang kamay ko at nauna na kaming pumasok sa eroplano.
Medyo inaantok narin ako dahil sa pamamasyal namin ngayon. Pero napansin ko na nahulog yung ulo ni Clone sa balikat ni Gino. Tinulak iyon ni Gino papalayo kaya naman nagising si Clone at na pa peace sign kay Gino. Masama siyang tinignan ni Gino kaya wala siyang choice kundi ang lumipat sa kabilang upuan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakahilig sa balikat ni Gino.
I woke up in the bed pero walang tao. Inilibot ko ang aking paningin, natakot kase ako na baka iniwan na nila ako. I was quite shock na nakita ko ang sarili ko na nakasuot ng puti na dress. It hugs my body perfectly at halatang mamahalin. Sa bandang corner ay may nakita akong isang arrow at tinuturo nito and hagdanan. Bumaba ako only to see the man I love in a white tux.
Napatingin ako sa paligid, it was only us, Clone and a priest. Napaawang ang bibig ko habang tinitingnan siya. Naglakad ako patungo sa kanya at parang hindi parin ako makapaniwala na ikakasal ako ngayong araw.
He was wearing a wide smile on his face. Hindi ko napigilan na mapaluha sa mga nangyayari. It was almost midnight yet he prepared a private wedding for us. I wasn't prepared for his surprise na napatulala nalang ako. Nang nakarating ako sa harapan niya ay inilahad niya ang kanyang kamay at nakikita kong masaya siya. He wiped my tears away, "Don't cry baby. I love you." He kissed me my forehead na nakapagpablangko sa akin. Did he just say that he loves me? Seryoso ba talaga ito, hindi ba siya nagbibiro? siguro ay nabasa niya ang mukha ko, "No, I'm not kidding when I said I love you Yisha. You're the best thing that ever happened to me. Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Monique. God gave me such a wonderful lady."
Masaganang tumulo ang luha ko kaya naman ay nataranta siya. "I'm sorry, did I hurt you?" He asked while holding my face. Umiling naman ako, "No, you didn't. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon." Umiiyak na tugon ko.
In front of the altar, we vowed to love each other. Nakita ko rin na naiiyak si Clone sa pangyayari. He is such a softie, nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya ay agad siyang nag thumbs up na parang masaya siya para sa amin.
"I'm sorry if it's a rush wedding. I just realized that maraming mawawala kapag papatagalin ko pa." He whispered.
"Shh... It's okay. I love you and I'm very happy na pinakasalan mo ako. You don't have to be sorry, baby." I shushed him.
His sea green eyes were pierced unto mine as he said these words. "I, Gino Vanadium Lopez, take thee, Yrainne Aisha Zavalde, to be my wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part." He inserted the ring on my finger and I was awed on how beautiful the ring was.
I smiled at him habang punong puno nang luha ang mga mata ko. "I, Yrainne Aisha Zavalde, take thee, Gino Vanadium Lopez, to be my wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part." I slid the ring on his finger as the priest announced us as husband and wife.
"You may now kiss the bride." Sabi ng pari. Naglapit ang aming mga mukha. I can tell na naluluha siya. "I love you." He gently said, "I love you too." I replied. Naglapat ang aming mga labi and I felt contented being with him. We kissed passionately as the clock ticked 12.
Finally, I am now Mrs. Lopez. Masayang masaya kaming nagpicture. Wala namang ibang photographer kundi si Clone lang. Hindi talaga nawala ang pagkakulit ni Clone at hindi kami tinigilan para daw perfect yung pagkakuha sa amin.
While taking pictures, napansin ko na mayroong babae sa labas ng hall na pinagdausan namin ng kasal. It was Monique, with her eyes full of hatred and tears na nakatingin sa amin. Bago pa siya makita ni Gino ay tumalikod na siya at nagmadaling umalis.
I can see the hate in her eyes, pero nabalewala lang iyon nang sumingit si Clone. "Hoy Lopez, ayusin mo nga yang mukha mo parang bato." Komento ni Clone na nakapagpainis sa asawa ko. Hinayaan ko silang dalawa na maghabulan sa hall habang ako ay tawang tawa na nakatingin sa kanila. Ang saya at sarap sa pakiramdam na tawaging asawa si Gino.
Kung noon, ang hirap niyang abutin, ngayon naman ay abot kamay ko na at asawa ko pa. Wala na akong ibang mahihiling pa.
BINABASA MO ANG
Fake
Romance"True love never fades, unless it was a LIE." Yrainne Aisha Zavalde was badly smitten by the hot and gorgeous Gino Vanadium Lopez. They got into an arrange marriage which Gino does not approve dahil may mahal na siyang iba. It was a bit frustrating...