Chapter 5

20 8 5
                                    

Yisha's P.O.V.

Doon ko lang narealize na siya pala ang tinutukoy ni Gino na si Monique. Kung alam ko lang ay kanina ko pa ito tinarayan.

They look so sweet in front of me, nakakabitter lang. I rolled my eyes. Nagmukha tuloy akong kontrabida. Halatang hindi pa napapansin ni Gino na ako yung kasama ni Angel ,or should I say Monique, sa table. Yan kasi, busy sa pakikipaglandian, bakit hindi nalang ako ang landiin mo? Charot!

"Hon, meet Yrainne pala kaklase ko nung college." Sabi ni Monique nakangiti pa siya nung sinabi niya yan. Hindi naman talaga maipagkakaila na mukhang anghel si Monique kaya nga mas naiinis ako. Napakunot naman ang noo ni Gino, as he faced me, he looked stunned.

Nang makabawi siya ay agad siyang nagsalita. He cleared his throat at umayos ng upo. He doesn't seem look nervous at all.

"It's a pleasure meeting you miss.." Sabi niya habang nilalahad yung kamay niya remaining his stone expression.

Napatikhim nalang ako at tinanggap ang kamay niya.

"Yeah, it's a pleasure meeting you Gino." Ngumiti ako ng napakatamis. Kung hindi lang ito nakatitig sa akin ay matagal na akong umirap.

Nang makarating na ang order namin ay agad kong nilantakan ang cake. Talagang hindi ko mapigilan ang mainis. Idadaan ko nalang to sa kain! Pucha talaga nakakainis!

I didn't want to bother the two of them with their lovey dovey moment, note the sarcasm. "Angel, if you don't mind I really need to go. May aasikasuhin pa kasi ako." Pag e-excuse ko. Tsk ayaw ko nang makita ang paglalandian nila. Masakit sa mata!

"Yeah sure, and please call me Monique." She smiled at me.

"Okay, bye Monique! Bye Gino!" Ngumiti ako sa kanila at nang mapadako ang tingin ko kay Gino ay tumaas ang aking kilay. I shook my head at tumalikod na para umalis.

Lumabas ako sa pinto ng aking shop at umikot para pumunta sa backdoor. Pumasok ako doon at dumeritso sa kusina.

Out of boredom ay nag bake ako ng cup cake gaya ng dati kong ginagawa para kay Gino. It's one of my special cupcakes na hindi ko binibenta sa shop. It surely brings back memories huh?

After a few minutes ay naluto ko na ang cupcake and I busied myself decorating it. Nang ma satisfy na ako sa aking ginawa ay agad kong binalot ito. Just like the old times. I smiled at the thought. Will he still appreciate this? Well I don't think so, may Monique na siyang nagbabake para sa kanya.

I wore a mask and a black cap at lumabas ng kusina habang naka apron. Lumapit ako sa table nila Monique ng marinig ko ang usapan nila.

"Hon tell me... Bakit ka kilala ni Yrainne? I mean hindi ko pa nasabi ang pangalan mo sa kanya." Napataas naman ang kilay ko. Selos much?

Nanatili ako sa aking pwesto at nakinig sa dalawa.

"She's a family friend." Casual na sagot ni Gino.

"Sure ka hon ha? Di mo ako niloloko?" Sabi ni Monique at nag pout pa. Nakakairita talaga! Parang pato.

Excuse me, fiance here! Well pagbigyan nalang natin kasi sa oras na makasal kami ni Gino, hindi ko talaga siya papalapitin sa bruha na yan. Nakakagigil ang pa cute na mukha, hindi naman cute.

Pumunta ako sa table nila at inilapag ang box na may cupcake sa loob.

"Sir may nagpapabigay po." Nilapag ko ang box sa lamesa at umalis na. Nagtataka ang mukha ni Gino pero pinabayaan ko nalang yun at umalis. I smiled a bit ng mukhang umaalburoto na si Monique. She's not much of an angel huh?

"Hon, may babae ka ba? Tell me!"

"No hon, stop accusing me of having a girl when I have none. You're just being paranoid hon. I love you, okay?" Kalmadong sabi ni Gino habang sweet na nginingitian si Monique. Kung ako pa sana ang nginitian mo ng ganyan edi happy sana tayo ngayon! Napagkakamalan na talaga akong bitter.

"Eh sino yang nagbibigay ng cupcake sayo?!" Bruha uso ang admirer! Kabit agad ang tingin mo sa nagbibigay ng cupcake? Oh well, sa susunod ikaw naman ang magiging kabit. Iinggitin talaga kitang bruha ka.

"Stop it, hon. Besides, I only eat those cupcakes that comes from you. They are the best!"

Rinig ko ang pagtatalo nila sapagkat hindi pa naman ako malayo sa kanila, ang drama nga naman. Tuluyan na akong napairap sa kawalan at lumabas na nang shop.  I need to do something that will melt my frustration.

Sumakay ako sa sasakyan at agad na nagtungo sa mall bibili ako ng damit. Trip kong mag bar. I wanna get wasted today.

Nang nakarating na ako sa isang mall na malapit lang sa shop ko ay agad akong nagtungo sa favorite kong store. I bought a whole outfit madali lang akong nakapili at nakapagdecide na dun nalang magbihis sa condo unit ko. Bago pa lang yung unit ko at hindi iyon alam nila mommy, wala pa nga akong mga gamit doon.

Nakarating kaagad ako sa Schudler ( The name of the condominum building.) Pumasok ako at nagtungo sa 12th floor. Nang makarating na ako sa aking unit ay nagbihis ako sa cr. Maybe i'll find some time to decorate this unit. Dali dali akong umalis at nagtungo na sa bar.

Naupo ako sa isang stool at nag order na ng inumin. "One margarita, please." Tahimik lang akong umiinom at nanatiling bwisit kay Monique. Trying to compete with me again huh? I'll make sure that like before I will win.

Hindi ako nakuntento sa margarita kaya nag order ako ng martini. Hindi ko na alam kung ilan na ba ang nainom ko basta ang alam ko ay nahihilo na ako.

Biglang nag ring ang phone ko, basta basta ko nalang itong sinagot. Hindi ko na tiningnan kung sino ang caller.

"Helloww? hahahaha s-shino toh?" Tumatawa kong tanong.

"Where are you?!"

"Ayy ang tanga neetoo... Hinde pa ba halata nasha bar akoo?*Hik* Shino kah ba?"

"It's Gino, you stupid woman!"

"Oooo Ginoh? *hik* Yung fianshi ko? Alam mo ba bwishet yun eh! Hahaha may fianshi fianshi pang nalalaman *hik* meron namang ibang babae. Hahaha!" Tumatawa ako dito sa bar na parang tanga.

Nanatili lang tahimik si Gino at rinig ko ang mabigat niyang paghinga. Ilang segundo lang ay bigla siyang nagsalita.

"I'll fetch you."

"Hindeeee nahh!! Kaya ko yung sharili koh *hik*. Dun kana sha Monique mo tutal *hik* yun naman mahal mo diba? Shige ka magagalit yun kung iiwan mo.*hik*" I waved my other hand in the air habang and isa ya dinuduro duro sa aking inomin na na parang siya si Gino.

Hindi ko napigilan at basta basta nalang bumuhos ang aking mga luha.

"Ang shalbahe mo Gino. Ang manhid mo pa!" Di ba niya napapansin na may gusto ako sa kanya?

Hindi pa natapos ang tawag ay nawalan na ako ng malay dahil sa kalasingan.

FakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon