Chapter 23

9 3 0
                                    

Chapter 23

Yisha's P.O.V.

I was in the airport bidding goodbye to my husband. "I'll be back okay? Clone is here to accompany you for the meantime." He kissed my forehead. "I love you okay? Please take care of yourself while I'm away." Nananitili akong nakayuko.

The thought of him leaving me, scares me. Paano kung hindi na siya bumalik? "I love you." I whispered and hugged him. I was starring at his back while slowly, he was fading away. Pumasok na siya ng tuluyan. "Gusto mo tubig?" Biglang abot ng tubig ni Clone saakin.

"Yes, thank you." I smiled at him. Tinanggap ko ang tubig pero bago pa ako makainom ay naduwal na ako. Nataranta naman si Clone, "Huy, Yisha! Okay ka lang? Wag kang duduwal dito parang awa mo na." Tinakbo ako ni Clone sa napakalapit na C.R. at doon ako sumuka ng maraming laway. He was patting my back not minding na girl's C.R. pala ang pinasukan niya.

Nang magbukas ang isang cubicle ay may lumabas na matanda. Nang makita niya si Clone sa loob ay napasigaw nalang ito nang, "MAHABAGING DIYOS!" Napahawak ang matanda sa dibdib niya kaya todo paumanhin naman si Clone at lumabas nalang sa C.R.

Nang matapos ako ay nakita ko siyang nag-aantay sa labas. "Okay ka na ba? Ano ba kasing kinain mo? Patay talaga ako kay Gino nito." Inalalayan niya ako papunta sa kotse. "Isusugod na ba kita sa hospital?" Tarantang tanong niya, medyo namumutla kase ako.

"Don't, magpapahinga lang muna ako sa condo. Doon mo na ako dalhin, and please do me a favor. Wag mo munang sabihin kay Gino ito." Sabi ko at pinahinga ang sarili ko.

Nagmulat ako ng mata ng may sumusundot sa mukha ko. Isang lalaking kumakain ng lollipop ang bumungad saakin. "Huy, Yisha. Gumising kana..." Sundot niya saakin.

Galit akong napatingin sa kanya ang sarap ng tulog ko nang-iistorbo pa. Lumabas ako ng iritado sa kotse at mas naunang maglakad sa kanya.

"Uy Yisha, antay!" Sabi niya. Hindi ko siya pinansin at mabilis na nagtungo sa elevator. Nag sarado nga yung elevator at hindi na siya nakasakay.

I called him through his phone, "Paghindi ko nakita yang pagmumukha mo sa itaas isusumbong talaga kita kay Gino, Clone." He was about to rant again but I was quick to turn off my phone.

Nang makarating ako sa 8th floor ay nakita ko ang hinihingal na si Clone. Ginamit niya pala ang emergency staircase. Hindi ko siya pinansin at nagtungo na sa kwarto para kasi akong hinihila ng kama. Gusto kong matulog.

He didn't bother me anymore. Hinayaan ako ni Clone na matulog, agad naman ay umayos ang pakiramdam ko. Nagising nalang ako na mayroon nang nagva-vacuum sa sala. It was Clone he was busy humming to a song called careless whisper. Napapa-body wave din siya na akala mo ay walang nakakakita sa kanya.

I silently videotaped him, I was trying my best to suppress my laugh. Nang tumigil na siya ay dali-dali kong timago ang phone ko and tried my best na maging seryoso.

"Clone, pakibili nga ng cassava cake tapos powdered milk at mayonnaise." Natatakam kong sabi. He eyed at me weirdly, "Anong gagawing mo dun?" Tanong niya.

Bobo talaga tong kaibigan ni Gino, malamang kakainin ko. Ano ba bang ginagawa sa pagkain? "May angal ka?" Tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay. Dahil takot siya na ipadeport pabalik sa kanila ay sinunod niya ang utos ko. "Wala, ito na nga po bibili na."

He went out at tahimik na ulit sa condo. My phone rang and it was Gino, "Hey, wife. How are you? I just arrived. Hindi ba pinapasakit ni Clone ang ulo mo?" Tanong niya saakin. Hearing his voice makes me calm.

"Hey, wife!" He called out my attention. "Yes?"

"Are you okay?" He worriedly said. "Uh, yes I'm okay may pinabili lang ako kay Clone." Sabi ko sakanya.

"I'll call you later before bedtime, okay? The board is here. I love you okay, take care." He said that before ending the call.

I really got super bored ng paalisin ko si Clone sa condo, but I also can't bear seeing him here. Nababagot ako but at the same time ayaw ko talagang makita ang pagmumukha ni Clone, naiinis lang ako.

I opened the Youtube and decided to do some yoga. Wala akong makita na mat kaya ginamit ko ang mattress ni Clone sa Maids Quarters. Malaki-laki din iyon dahil double ang size. Pwinesto ko yun malapit sa glass wall ni Gino para makita ko ang view ng city. I did some stretches nang biglang dumating si Clone. He was enjoying his lollipop nang iabot niya saakin ang pinamili niya.

"Binili ko lahat ng sinabi mo. Ito oh." I opened at naglaway ako sa cassava cake. Pinakuha ko ng saucer si Clone at yun ang binuhusan ko ng powdered milk. I dipped the cassava cake and it tastes good. Sunod naman ay binuhusan ko ito ng mayonnaise at magana akong kumain. Napapangiwi nalang si Clone sa pinag gagawa ko. "What are you looking at?" Nag death glare ako sa kanya.

"Ah, hehe wala naman." Sabi niya, "Sa kusina lang muna ako." Umalis na siya at lumayo sakin. Natakot ko ata, pero nag-iinit talaga ang ulo ko 'pag nandiyan siya eh. Napatawag bigla sakin ang bestfriend ko at parang tumataba yata siya.

Totoo nga yata ang sinabi niyang buntis siya. "Blooming natin ah!" Bungad niya sakin. Gusto ko sanang ibalita sakanya na kasal na ako pero baka magalit lang ang bruha dahil hindi ko siya na invite.

Kumakain parin ako nung pinabili ko kay Clone, "Hey! Kailan ka ba uuwi dito?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ko pa alam, nawawala kasi ang ama ng anak ko at hinahanap ko. Ayaw niya kasing maniwala na anak niya tong dinadala ko." Nalulungkot niyang sabi.

"Cheer up, bruha! Makikita mo din yun. Nagpapakipot lang yang ama ng anak mo. Ganyan sila eh mawawala tapos babalik rin naman." Sabi ko sa kanya. Para atang natatakam sa kinakain ko ang aking kaibigan dahil titig na titig ito sa cassava.

"Ano ba yang kinakain mo bruha? Mukhang masarap ah!" Natawa nalang ako sa tugon niya. "Cassava Cake ito, umuwi ka muna at bibigyan kita." Tawa ko sakanya.

"Uy, Yisha. Paturo naman paano magluto nitong cup noodles." Nagkakamot sa ulo na sulpot ni Clone.

"Sino yan?" Tanong ni Ashen saakin habang nakakunot ang kanyang noo. Napatingin naman si Clone sa screen. "AHHH!!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. "Ikaw?!" Nahulog pa ang cup noodles na bitbit niya habang nakaturo sa screen.

Para siyang nakakita ng multo. "Bakit mo ba sinusundang babae ka? Hindi ko nga anak yan!" Nagkukumahog si Clone na magtago matapos niya yung sabihin sa kaibigan ko. "See? Hindi niya tanggap ang anak ko." My friend just shrugged na parang sanay na sanay na siyang sinasabi iyong ni Clone.

"Ano ba talagang nangyari sayo bruha ka?" Tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga nalang siya, "I told you I'm going to chase my dreams kaya pumunta ako sa Japan. I found Clone, he was a happy go lucky guy. Nagkita nga kami and the rest is history ngayon ay nabuntis niya ako at hindi siya makapaniwala. Tumakbo kasi ako matapos may nangyari sa amin. Bumalik lang ako dahil nalaman kong buntis ako at siya ang ama." May tumulo na luha sa mata niya. I feel sorry for my friend, wala ako sa tabi niya para damayan siya.

"Anyways, I'm coming home to the Philippines. Baka sa susunod na araw ay nandyan na ako." Sabi niya sakin at pinunasan ang luha niya. "I'll do anything to help you, bruha. Sa ngayon ay pipigilan kong umalis si Clone para naman magkausap na kayo." She thanked me and bid her goodbyes. She was really determined to get Clone, hindi ko naman siya masisi dahil she grew up without her father. Masakit para sa kanya na walang ama kaya ayaw niya yung mapagdaanan ng anak niya.

Napabuntonghininga nalang ako sa nalaman ko ngayong araw at hindi namalayan na nakatulog sa mattress ni Clone na hindi ko pa naisasauli sa kwarto niya.

FakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon