Yisha's P.O.V.
Fuck ang sakit ng ulo ko. Nang magising ako ay napahawak ako sa ulo ko. Kinurap kurap ko ang aking mga mata at na realize na hindi pamilyar sa akin ang kwarto na ito. Shit nasaan ako? Na rape na ba ako?
Kinakapa kapa ko pa ang sarili ko at nanlamig ako ng ma realize na hindi ito yung suot ko nung nagpunta ako sa bar. Nataranta ako at mabilis na nagtungo sa pinto. T-teka kung na rape ako eh diba dapat masakit na yung gitna ko? Eh wala naman akong nararamdaman.
Naging alerto ako nang may marinig akong mga yabag ng paa papunta sa kwarto. May nakita akong silya na gawa sa kahoy. Kinuha ko iyon at naghanda na akong ipukpok sa ulo ng kung sino ang papasok sa pinto.
Itinaas ko sa ere ang silya at nang bumukas ang pinto ay inihampas ko ito sa pumasok. Laking gulat ko ng makita si Gino ito. Iniharang niya ang kanyang kamay para hindi tamaan ang ulo niya. Dahil sa gulat ay natulala ako sa pangyayari.
"S-sorry, sorry, s-sorry." Natatarantang sambit ko. Dahan dahan kong ibinaba ang silya at binitawan iyon.
Nakita kong namimilipit siya sa sakit ng kanyang kanang kamay. "Fuck!" He cussed. "Shit! Ano bang gagawin ko?" Sabi ko sa mahinang boses. Inalalayan ko siya at pinaupo sa kama. Napalakas ata yung hampas ko at halata mong namamaga yung parte na natamaan nong silya.
"Gino, s-sorry talaga h-hindi ko alam na ikaw yung papasok ng kwarto, a-akala ko kasi manggagahasa yung nagdala sa akin dito."
Napa tsk nalang siya. Shit, wala na talaga akong nagagawa na tama. Naisip ko na dalhin nalang si Gino sa hospital para doon gamutin.
"Shit! Would you calm down?" Singhal niya sa akin. Kinaladkad ko kasi siya palabas nang unit niya. Yes, sa condo niya ako dinala. "I'm trying to calm down! Manahimik ka nga! Ikaw na nga yung tinutulongan oh!"
"You call this help? Ang sakit nga ng pagkakahawak mo sa braso ko, nakalmot mo pa." Sandali akong natigil sa pagtatagalog niya. Ay, bakit ang cute niyang magtagalog? Halatang hindi sanay. Hindi ko napigilan at kinurot ko siya sa pisngi.
"What the fuck are you doing?!" Galit niyang saad. Aww, he is so adorable.
"Tsk! Halika na nga nang magamot yang kamay mo, wag kang maarte."
Hinila ko na siya papasok sa elevator ang awkward pa nga at ang tahimik naming dalawa. Nang makalabas kaming dalawa ay nginitian kami nang guard kaya ngumiti rin ako sa kanya. Umismid naman si Gino at hinagis sa akin ang isang jacket. Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang naka shirt lang pala ako at shirt pa ni Gino at saka boxers.
Sinuot ko ang jacket na binigay niya. Malaki ito kaysa sa akin kaya natatabunan nito yung hita ko. Nagpunta kami sa parking lot at nilahad ko ang kamay ko sa kanya.
Napakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Keys." Sambit ko.
"No, I can drive on my own." Masungit niyang saad.
Inirapan ko siya at kinapa ang pantalon niya.
"Hey, hey! What are you doing?!" Aniya habang nanlalaki ang mga mata.
Nang makapa ko ang susi sa bulsa ay agad ko itong kinuha. "Gotcha!"
Nagmartsa ako sa sasakyan niya. Agad naman siyang sumunod. I opened the driver seat at umupo doon, di nagtagal ay bumukas ang pinto at umupo siya sa tabi ko na nakasimangot.
Nagdrive ako patungo sa isang pinakamalapit na hospital dito. Nang makarating kami ay tinanggal ko na yung seat belt ko sinali ko narin yung seat belt ni Gino. Aangal pa sana siya pero agad na akong lumabas nang sasakyan.
Hindi ko na siya inintay bumaba at ako na mismo ang nagbukas ng pinto at hinila siya papalabas. "What the hell! Could you please slow down?!"
Hindi ko na pinansin ang mga reklamo niya at hinila na siya patungo sa hospital. Inassist naman kami kaagad at binandage yung kamay niya. Hindi naman grabe talaga yung natamo niya, sabi ng doktor ay gagaling din ito kaagad after one week. Sa ngayon ay huwag muna niya itong masyadong galawin at bawal muna siya magdala nang mabibigat na bagay sa kanan niyang kamay.
Napatango tango nalang ako sa sabi nang doktor. Sabi niya ipainom ko nalang itong pain reliever sa kanya kapag sakaling sumakit.
Nang makalabas kami ng hospital ay may tumawag sa kanya. "Tita Yasmine?" Sagot niya. Nanlaki ang mata ko, si mom yung tumatawag sa kanya.
"Yes. She's here with me." Hindi ko alam kung anong masamang espirito ang sumapi kay Gino at bigla nalang itong ngumisi, yung mapang asar pa.
"Aww, tita that's easy! I followed her. Yeah she was busy drinking-"
Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya nang takpan ko yung bibig niya. Kinuha ko yung phone sa kamay niya at akong yung nakipag usap kay mommy. "Shh!" Sabi ko at idinikit yung hintuturo ko sa labi niya.
"Busy drinking what Gino?"
"Ma, i was busy drinking frappe."
Hindi na iyon nadugtungan nang bawiin sa akin ni Gino yung phone. Naibaba ko na rin yung hintuturo ko na nakadikit sa labi niya. "Yeah tita, sure I will take care of my future wife!" Nanunuya niyang sabi habang naka tingin sa akin. Binaba niya ang phone at biglang lumapit sa akin.
Kinabahan naman ako kaya napaatras ako. "Lying eh?" Ngumsi pa siya.
"A-anong gagawin m-mo?" Tanong ko habang humahakbang paatras.
"Shit! Diyan ka l-lang Gino!" Kinakabahan ko paring sabi. Wala na akong maatrasan sapagkat pader na ang nasad likod ko.
Nabigla ako nang idinikit niya ang hintuturo niya sa labi ko. Napalunok nalang ako nang inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko.
"Shh..." Nakangisi niyang sabi. Fotang shet ang gwapo talaga ng lalaking ito!
BINABASA MO ANG
Fake
Romance"True love never fades, unless it was a LIE." Yrainne Aisha Zavalde was badly smitten by the hot and gorgeous Gino Vanadium Lopez. They got into an arrange marriage which Gino does not approve dahil may mahal na siyang iba. It was a bit frustrating...