Yisha's POV.
Nakarating kami sa condo ni Gino at halatang galit ito. His muscle was flexed while his hands were balled into a fist. Iyan kasi ang bruha, mag two two-time na nga lang nagpakita pa!
Pagkapasok namin sa condo ay dumiretso ito sa kanyang kwarto. Susundan ko sana nang isarado niya ang pinto sa harap nang mukha ko. Highblood ang fafa niyo, tingnan mo itong lalake na ito wala talagang modo. Kanina pa nga niya ako pinagbubuntunan ng galit niya eh.
Bumalik nalang ako sa sala at naupo sa may sofa. Ano kayang magandang gawin? Gutom pa naman ako. Hindi naman ako marunong magluto nang ulam. Hay, ano ba itong pinapasok ko? Napakamot nalang ako ng ulo. Ano ba 'yan, bakit pa kasi ako sinali sa kadramahan niya. Eh kung katukin ko kaya at kantahan ng 'Do you want to build a snowman?'
"Gino?" Katok ko. "Do you want to build a snow man? Come on let's go and play!" Hindi ko pa natapos nang kumalabog ang pinto, hinagisan ata ako.
"Joke lang! Hindi ka naman mabiro eh! Sorry na." Bumalik nalang ako sa sofa at naupo habang nakapanglumbaba.
Nakaupo lang ako habang tinatanaw ang glass window. Unti unting pumatak ang ulan. Parang kay lungkot ng langit. Hindi ko alam pero komportable talaga ako sa ulan. Masaya ako sa bawat patak nito.
Naglakad ako patungo sa balcony at binuksan iyon. Itinaas ko ang aking mga kamay at hinayaan iyong mabasa. Lumakas ang ulan at hangin na parang may bagyo pero hindi ko inalintana iyon.
Lumabas ako ng tuluyan at tumingala. Kitang kita ko ang dilim ng langit, walang kahit ni isang anino ng bituin ang makikita mo dito. Dinama ko ang bawat patak nang ulan sa mukha ko. Napangiti ako habang nakatingin sa langit.
Hindi ko napansin na nabasa na pala ako ng tuluyan.
Lumingon ako sa kwarto ni Gino nang may narinig akong kalabog at mga nabasag na bagay. "Fuck! Anong ginagawa mo Gino?" Bulong ko. Lumalala na ata ang pag dradrama nito.
Dali dali akong napatakbo sa kwarto niya at kinatok ko ang pinto. "Gino! Gino! Buksan mo ito!"
"Arrghhhh!" Sigaw ni Gino.
Halatang nagwawala siya habang ako ay nagpapanic at basang basa. Patuloy akong kumatok sa kwarto niya, nang buksan niya ang pinto. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya habang nakatingin sa akin at nangdidilim ang mukha.
"Hindi ba at dapat ako ang magtatanong niyan? Injured na nga yung isa mong kamay dadagdagan mo pa ng isa. Sana sinabi mo nalang na gusto mong dalawang kamay ang pupukpukin ko ng silya." Mahabang sabi ko sa kanya at hindi na ako huminga habang sinabi yun. Rapper to mga peps!
He emitted a strong and dark aura pero unti-unti rin itong kumalma ng nakita niyang basa ako. Pumasok siya ulit sa kanyang kwarto at pagbalik niya sa harapan ko ay may dala na siyang tuwalya. "Here, you should take a bath so you won't get sick." Sabi niya sa akin habang inaabot ang tuwalya.
Hindi ko napigilan na mapangiti, concern din naman pala siya sa akin, pabebe nga lang. "Thank you for this! Maliligo muna ako. I'll be back."
Kinuha ko na yung towel at dumeretso sa banyo. Nanggaling na kasi ako dito kaninang umaga nong naiihi ako. Puro panglalaking gamit ang nakikita ko. I mean, what should I expect, lalaki siya. Nagsimula na akong mag shower at pinakialaman ang mga toiletries niya.
After taking a bath, I smell really masculine. Pero binaliwala ko nalang iyon, at least I smell like him and it felt so good! Napahagikhik ako sa iniisip ko. Para kaming mag-asawa.
I saw him in the couch preparing my clothes. He looked at me "Sorry, ito lang muna ang ipapahiram ko sa iyo. Wala akong damit na pangbabae."
"Uh, sure that will do." Sabi ko habang nakatingin sa kamay niya. His knuckles were badly injured, dumudugo na ito. "Are you okay?" Sabi ko na nakatingin parin sa kamay niya. "Yes i'm fine. Don't mind me." Kalmado niyang sabi sa akin.
Kinuha ko ang damit niya at nagbihis. I don't really mind wearing his shirt all day. It feels comfortable! I was able to find a medicine kit in his toilet. I grabbed it and went to him. Kinuha ko ang kamay niya at sinuri ito. "Don't." Pigil niya, "I-i'm fine."
Napabuntong hininga nalang ako at hinila ang kamay niya. I cleaned his wounds and after that nilagyan ko ng betadine at bandage. I was focused on cleaning it that I didn't notice he was staring at me. "Done!" I chirped as I finished what i'm doing.
I sweetly smiled at him as I caught him directly staring unto my eyes. He moved his head forward until his lips met my forehead. He whispered. "Thank you for today." As he got up and went into his room. Habang ako at ay naiwan na nakatulala dito sa sofa. It is really a good day! I said to myself.
Pumunta ako sa kusina, trying to cook something for our hungry stomach. I watched a youtube tutorial on how to cook an omelette, sa awa naman ni lord hindi fully sunog yung luto ko, hihihi yung ilalim lang naman ang sunog. I also cooked rice for us. Well, I think gumagaling na ako sa kusina, sooner or later I can be the perfect wife for him.
Wife kaagad Yisha? E hindi ka nga mahal non. Baliw na ata ako at binabara ko ang sarili ko! Nagtungo ako sa kwarto niya at kinatok siya. "Gino! Kain muna tayo, I cooked food." He opened the door while his forehead creased.
"Uy, Uy! I know that look. I didn't burn your kitchen. Aren't you proud of me?" I smiled wider at napa tsk nalang siya. Okay back to pagiging masungit na naman si senyorito.
Sinundan niya ako sa dining area at napatitig siya sa pagkain. "Gino, that's edible naman, nasa ilalim lang na part yung sunog. I swear masarap yan!" Nakataas na kamay ko pang sabi.
He still looked at me suspiciously tho, pero kinain niya naman yung hinanda ko. I smiled at the thought that he appreciated my efforts. I cheered myself quietly, sa susunod hindi na kaibigan ang tingin mo sa akin Gino, slowly I will creep into your heart. Little by little just like what I planned.
BINABASA MO ANG
Fake
Romance"True love never fades, unless it was a LIE." Yrainne Aisha Zavalde was badly smitten by the hot and gorgeous Gino Vanadium Lopez. They got into an arrange marriage which Gino does not approve dahil may mahal na siyang iba. It was a bit frustrating...