Chapter 27

13 3 0
                                    

Yisha's P.O.V.

Nagising nalang ako nang pumasok si Mommy sa condo ni Gino kasama si Mama. I realized it's our wedding today. Malungkot ako dahil hindi pa umuuwi si Gino. Gino's mom tried to cheer me up.

"Smile my daughter-in-law, huwag kang mag alala, dadating yun si Gino sa kasal niyo." She assured me. Ngumiti nalang ako sa kanya. Gino wouldn't leave me hanging right? Hindi naman niya siguro ako iiwan lalo na ngayong araw ng kasal namin diba?

The make up artist started to set up everything. Pinaupo nila ako sa isang high chair and started to do my face. My gown was delivered in a mannequin, I think my mom and Gino's mom made a good choice. From hair, make up, to the dress, everything was precise at umaayon sa kagustuhan ng mga magulang namin.

Matamlay ako ngayong araw at hanggang ngayon rin ay hindi pa bumabalik si Clone at ang kaibigan ko. Hindi ko na alam kung saan sila napadpad. They made my complexion look more healthier na parang natural lang. "Ang bride ay hindi dapat nalulungkot anak. Dapat masaya ka dahil ikakasal na kayo ni Gino." My mom approached me with a wide smile on her face. Sumunod naman ang Mommy ni Gino and both of them hugged me. They assured that everything's gonna be alright. "Thank you Mommy! Thank you ma!" Nakatingin kami sa salamin habang nagyayakapan kaming tatlo.

"Ano ba yan parang naiiyak ata ako." Pinahid ni Mommy ang luha sa mga mata niya. Lumabas na kami sa Condo at tinulungan ako ni Mommy.

Kabado din ako ngayong araw, I really don't know why pero para kasing may masamang mangyayari pero iwinakli ko iyon and thought something else instead. They helped me get ready in less than an hour, bumaba nalang kami sa condo at sumakay sa bridal car na siyang maghahatid sa akin sa simbahan. Both of our mom, Gino and mine, ay humiwalay sa akin. Sumakay sila sa ibang sasakyan at nauna na sa simbahan.

I did some deep breaths bago tumawag sa kaibigan ko. "Hey bruha, sorry hindi ako makakapunta sa kasal mo ah." Pagpapaumanhin niya. I smiled, "It's okay bruha take your time. Kasama mo ba si Clone?" Tanong ko sa kanya. "Ah oo, magkasama nga kami. Bakit ka ba napatawag? Kinakabahan ka noh?" Inookray niya nanaman ako.

We talked and she helped me calm myself at laking pasasalamat ko nang biglang nawala ang kaba ko nang makausap ko si Ashen. "Basta ba bruha mag iingat ka ha? Nandito lang ako susuntokin ko talaga yang asawa mo pag sinaktan ka." Tumawa nalang ako sa turan niya. "Loka-loka." Natatawang sabi ko at ibinaba na ang phone.

Nasa tapat na ako ng simbahan, bumaba ako at nakitang nakasara ang pinto. Merong gwardiya na nag aantay sa akin para buksan ang pinto. Bumaba ako at bago paman ako makahakbang patungo sa pinto ay sumulpot si Calvin.

Agad naman akong napabitaw sa kanya dahil hinawakan niya ang kamay ko. "I'm just here to say goodbye, Isha. I'm sorry sa mga nagawa ko, everything was just below the belt." He sincerely apologized to me. He dragged me sa gilid para magkausap kami ng maayos. "Tinatanggap ko na ang pagkatalo ko, pinapaubaya na kita kay Gino. Just so you know, nandito parin ako bilang isang kaibigan para sayo." He kissed my forehead and left. His flight pabalik ng Canada was scheduled today. Napaluha nalang ako at bumalik na sa pinto. I wiped my tears away, I guess he is trying to save our friendship after all. A wedding march song was played as the open the double doors. Gino was already there at nagtataka ako ng may benda ang kamay niya.

What happened to him? I was intently staring at his eyes while walking down the aisle. Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko habang palapit ako sa kanya. His cold stare was piercing through my soul. I was in the middle of the aisle when I heard the guests gasp. Nakatingin silang lahat sa likod ko kaya naman hindi ko napigilan na lumingon.

It was Monique with her white dress. Kung tutuusin ay para din siyang nag mumukha na bride. She was also holding a bouquet in her hands. She smirked at me as she gracefully walk towards me. All of them were staring at us, "Palabasin niyo ang babaeng yan!" Gino's father ordered the guards to drag Monique out of the church.

Instead of being scared, she looks calm. She faced me with her hands signaling the guards to stop. "Sa tingin mo ba papayag ako na maikasal kayo ng lalaking mahal ko?" My forehead creased sa mga sinabi niya. Is she planning to ruin my wedding? "Sa tingin mo rin ba mapipigilan mo kami?" I retorted habang nakataas ang kilay.

"Wooh, ang tapang natin ngayon ah?" She acted like she was scared pero tumawa lang siya ulit. No one dared to interrupt the scene. Even Gino remained silent about everything. "Tingnan natin ang tapang mo pag nalaman mo ang lahat. Gino was never yours in the first place Yisha, nag iilusyon ka lang." She touched my shoulders at iwinakli ko ang kamay niya doon. "Oh, easy ka lang, I was trying to calm you down. You look tense kasi eh."

Masama ko siyang tinignan, "What do you mean?" Nairita ako dahil hindi man lang nawala ang ngiti sa labi niya. "Yisha, Yisha, Yisha." Umikot siya sa akin. "Hindi mo ba tinanong kung sino ang pinuntahan ng asawa mo noong pumunta siya sa abroad?" Napakunot ang noo ko. "It was a business meeting. He already said that to me." Matigas kong sabi.

Napatawa naman siya, "That business was me dear. In fact, he did it all for me. Siya ang nagbayad sa shop mo para hindi ako makasuhan. Higit sa lahat, pinakasalan ka lang niya para maibalik sa akin ang Ancestral House na kinuha ng mga magulang niya. In short ginamit ka lang niya, kaya wag kang illusyunada. Hindi mo ba naitatanong na peke din ang kasal niyo? Yes, you heard it right! Yisha, it was fake! Palabas lang iyon lahat ni Gino. Now tell me kung kaya mo pa ba siyang pakasalan." She was smiling telling me that she won.

Bawat salita niya ay tumatarak sa dibdib ko at para akong unti-unting pinapatay. Kaya ba wala ang pangalan namin sa nakalistang kasal na? Kaya ba hindi niya binigay sa akin ang marriage certificate? Hindi ko namalayan na pinalabas pala lahat ni papa ang bisita para hindi marinig ang pinagsasabi ng babaeng ito.

Everything she said was kept private. Bumaba naman si Gino at pumunta sa akin. Walang awa niya akong tinignan, he was stone cold. He never did deny nor confirmed everything Monique said. Masaganang tumulo ang luha sa aking mga mata. Para itong gripo na hindi naisasara. Wasak na wasak ako sa mga nalaman ko, I faced Gino at dahan dahan akong nagsalita.

Punong puno ng luha ang mukha habang humaharap sa kanya. "Totoo ba? Totoo ba na hindi tayo kasal?" I asked him. He just looked at me intently. Hindi bumuka ang bibig niya para sagutin niya ako. Hinampas ko siya ng hinampas sa dibdib. I started to breakdown in front of him. "K-kahit k-kailan ba, h-hindi mo ako minahal?" Tanong ko sa kanya habang nakayuko at nakatukod ang mga kamay ko sa dibdib niya. He just smirked and a tear escaped in his eyes. "Bakit ko naman mamahalin ang isang babaeng tulad mo?" He coldly told me.

Bawat salita na sinabi niya ay tumatak sa isip ko. Ang mga salita niyang parang punyal ay patuloy na pumapatay sa kalooblooban ko. I know his lying, why would he lie? "N-no... t-that's not t-true." Iyak ko.

"Yes, Yisha it is true! Wag ka ngang magbulag bulagan! I didn't love you at all! Do you hear me?!" He shouted at me. Everything was just too much na gusto ko nalang mawala na parang bula. How could he be this cruel? Gino's father was so mad at him that he punched his son at his face. "Ayy!" Monique screamed in horror habang ako ay nadapa nalang sa sahig. I was crying my heart out. Dinaluhan ni Monique si Gino, I badly don't wanna see the both of them.

I gathered all my strength at tumakbo ako papalayo sa simbahan... papalayo sa mga taong nanakit sa akin. I found myself na taumatakbo na para bang gustong makatakas sa pangyayaring ito. Tinanggal ko rin ang heels ko para mas maayos akong makatakbo papalayo. I ran away, running away from the pain. Running away from the lies and the heartbreak. I clenched my stomach ng naramdaman ko iyong sumakit. The next thing I knew, blood was flowing from my legs, staining my white gown.

FakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon