Prologue

29 3 1
                                    

"Space Commissioner Tidus Dawson Galileo and Space Commissioner Althea Venus Newton, kayo'y pinapatawag ng ating Administrator sa headquarters para may sabihin sa inyong dalawa." Ani ng Space Commander na si Mr. Nixon na nakatayo sa harap ng dalawa sa pinakamagaling na astronauts.

Tumayo nang tuwid ang dalawang space commissioners at sabay na nagsabi ng, "Opo, pupunta na po kami sa headquarters." sabay rin silang nag-bow.

"Good. Go ahead." Tugon ni Space Commander Nixon sa dalawa at tumalikod sa kanila, at naglakad palayo papunta sa observation unit.

Tumango ang dalawa at sabay na naglakad papunta sa headquarters ng Administrator. Aminin man o hindi, parehas sila ng nararamdaman. Parehas silang kinakabahan at nagtataka kung bakit sila pinatawag pero hindi nila iyon pinapahalata.

Naglalakad ang dalawang Space Commissioner patungo sa headquarters ng nakakataas. The atmosphere between them is awkward, walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Nagsimula nang pagpawisan si Althea kahit malamig dahil sa kabang nararamdaman habang papalapit na nang papalapit sila sa opisina.

"Mukhang natatakot ka, huh?" Biglang pang-aasar ni Tidus sa dalaga na kabang-kaba na. Tumigil si Althea at lumingon sa kaniya, raising her pinky and thumb finger na para bang naka-"share mo lang" ito. "Mukha ba akong may pake sa sinabi?" Tinaasan niya ito ng kilay nang sinabi niya iyun. Napangisi si Tidus, alam niyang mataray at masungit si Althea— pero maganda at matalino ito. "Nagsalita ang planeta." Bulong niya sa sarili habang naglalakad na sila.

Sa wakas, nakarating na sila sa kanilang destinasyon, ang headquarters. May kung anong nagpapabigat sa yabag ng dalawa no'ng nakarating na sila sa pintuan nito. Napalunok si Tidus, samantalang pinagpapawisan si Althea.

"Ako kakatok, ikaw magbubukas. Okay?" Sabi ni Tidus kay Althea na nasa likuran niya. "No, you do it. Both." Pagmamatigas nito at inirapan siya nito. "Ikaw na gumawa." Napabuntong hininga ito at kaya sumagot ang babae. "Oo na, ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo." Pananaray nito at tumingin palayo.

Sikretong napatawa si Galileo. Nanalo siya. Huminga siya ng malalim at kumatok. "Come in." Ani ng boses sa loob na lalong nagpaigting ng kabang nararamdaman nila. Binuksan ni Althea ang pintuan at pumasok, at biglang sinaraduhan ang punta.

"Damn!" He hissed when his faced hit the door when he was about to come in when the vixen closed it suddenly. Binuksan niya ito at tinitigan nang masama si Althea. Lumakad ito palapit sa kaniya at tumabi.

"Pasalamat ka at babae ka lang, kundi matagal na kitang pinatulan." Bulong niya sa tainga nito na may halong pagbabanta sa boses nito. Hindi nagpatinag si Althea. "Bakit ako matatakot?" Bulong niya pabalik. Biglang nagsiayos ang dalawa nang dumating ang komander.

END OF PROLOGUE

Rewrite The Stars (LABYRINTH SERIES #2)Where stories live. Discover now