Chapter 13

4 0 0
                                    

Nagsimula nang magwala at magkagulo ang mga tao nang marinig nila ang mga putok ng mga baril mula sa himpapawid. Galing ang mga iyun sa mga paparating na terorista na sinasamantala ang kahinaan ng isang lugar dahil nabiktima ito ng lindol.

"Come quick!" Sigaw ni Althea habang ginagabayan ang mga tao patungo sa isang ligtas na lugar. Nagpapatuloy pa rin ang mga putukan ng baril hanggang papalapit ito sa kinaroroonan niya. Ngunit hindi nagpatinag sa takot si Althea dahil buhay ang kapalit nito kapag pinanindigan ang kaba sa kaniya.

"Althea, ako na bahala rito!" Ani Tidus habang ginagabayan rin ang ibang tao sa evacuation area kung saan ligtas sila. "Hindi ka ligtas rito and you should be with the victims at the evacuation zone!" Dagdag pa niya.

"No!" Protesta niya habang pinagpapatuloy ang kaniyang ginagawa. "I can handle this! You should be fighting with the terrorist!" Sumbat pa niya at nagmamadaling tinulungan ang batang nadapa.

She heard Tidus grunt in annoyance. Matapos iyun, biglaan niyang hinila si Althea patungo sa evacuation zone nang inutusan niya ang iba para paulanan ng putok ang mga terorista.

"Tidus, what are we doing here?!" Nagpupumiglas siya habang hinahatak pa rin siya ni Tidus na walang imik. Patuloy pa rin siya nitong hinihila. "Bingi ka ba?!" Sigaw niya pero hindi pa rin nagsasalita sa kabilang kamay.

Huminto silang dalawa sa tent, kung saan silang dalawa lang ang naroon. May mga ginagawa ang ibang commanders para sugpuin ang mga kalaban.

"You'll stay here. Look, it's dangerous," Turo ni Tidus sa paligid niya at nagpatuloy sa pagsasalita, "And you are not assigned to fight with those terrorists, Althea. You came here to assist the victims of earthquake." Saad pa niya at hinalikan sa noo si Althea. "I need to go now." Lumisan si Tidus at naiwan mag-isa roon si Althea.

"Sorry Tidus, I will not let you fight alone. I will fight with you, fight together." Bulong niya sa sarili habang nakatingin sa papalayong bulto ng lalaki. Nagmamadali siyang tumungo sa loob ng kampo at kumuha ng armas at mga bala.

Marunong gumamit si Althea ng baril for she was trained before she entered astronomy. Ito talaga ang first choice niya, ngunit napagdesisyunan niyang maging isang astronaut to find a new and better home for the mankind. It is her goal before her lungs give up. To find a new home.

Mabilis niyang sinundan si Tidus at natagpuan niyang may hawak itong baril at kasalukuyang nakikipagbakbakan sa mga kalaban. Nilagyan niyang bala ang magazine ng baril bago ito kinasa. Lumapit siya kay Tidus at doon niya pinaputukan ang mga teroristang kakalapag pa lamang ng aircraft.

Napatingin si Tidus sa tabi niya dahil may naamoy siyang pamilyar na amoy. Laking gulat niyang natagpuan niya si Althea na nakikipagbarilan sa mga terorista sa kaniyang tabi. What a brave woman he has.

"Althea, nakapatigas talaga ng ulo mo!" Sigaw ni Tidus habang binabaril ang terorista na nagpapaulan rin ng bala. "I told you to stay away from here!" Dagdag niya pa.

"I don't want to sit there and watch you fight alone without you!" She replied at nasapul niya sa ulo ang isang terorista. "Checkmate." Kalmado niyang sabi nang tumumba ang kalaban.

"Holy shit." Hindi makapaniwala si Tidus sa nagawa ni Althea dahil ngayon lang siya nakakilala ng isang babaeng kagaya niya na marunong gumamit ng baril at makipagbarilan ng buong tapang. She has everything what he looks for in a woman.

"Tidus!" Tinulak ng babae si Tidus pahiga nang muntik na itong mabaril. "Ayos ka lang?!" Malakas ang boses ni Althea nung tinanong niya si Tidus.

Tumango si Tidus at tumayo para paulanan muli ng bala ang mga nasa kabilang banda. Muli niyang inayos ang kaniyang sarili at sinimulan paputukan ng baril ang mga kalaban.

"Next time, listen to me okay?" Sabi ni Althea.

END OF CHAPTER THIRTEEN.

Rewrite The Stars (LABYRINTH SERIES #2)Where stories live. Discover now