CHAPTER 17
Agad namang sumunod si Althea at Tidus sa utos ng mga manlulupig. Pero siyempre, hindi hahayaang tuluyan silang ma-captive kaya nag-iisip siya ng paraan upang makatakas at malabanan nila ang mga terorista. Kumbaga, 'magpapahinga' lamang sila sa kamay ng mga kalaban.
Never underestimate Althea's intelligence and tactics. It always works, ladies and gentlemen. Never underestimate women just because they look fragile.
Dahan-dahang lumapag sila sa mabatong sahig at tinalian nang mahigpit ang kanilang mga kamay. Magkatalikuran silang dalawa at gamit ang isang matibay at makapal na lubid, pinagbuklod nito ang dalawang mga pares ng kamay ng dalawang komander at kanilang paa ay nakatali. Ang tali naman nila sa paa ay naka-konekta sa isang haligi ng imprastraktura na nasira sa kadahilanan ng lindol. Ang kanilang bibig naman ay nakatakip gamit ang makapal na duct tape. Wala silang kawalan sa mga kalaban.
Pero hindi nagpatinag ang dalagitang komander. Patuloy na nag-iisip sila ng paraan para makatakas sa pagkaka-bihag. Kailangan pa nilang iligtas ang mga tao. Tumulong. At makipag-bakbakan sa mga sumasamantala ng kahinaan ng lahat.
Malalim na ang gabi at nakatulog na si Tidus. Nagawa pa nitong matulog nang mahimbing na tila bang hindi sila nakapihit. Habang si Althea naman ay dilat na dilat pa ang mata at nagmamasid sa kapaligiran, naghahanap ng pwedeng gamitin upang makawala sila.
Umiling si Althea. Hindi niya alam kung gagana ito ngunit wala nang ibang paraan at masyadong komplikado ang kaniyang mga naiisip. Gusto niyang gamitin ang pinaka-madali at may pinaka-malaking tsansa na mapag-tagumpayan.
Marahang tumingin si Althea kay Tidus na nasa kailaliman pa ng pag-tulog niya. Marahas niyang kinurot ang kamay nito na kanina pa nitong hawak ang sa kaniya. Ilang beses niya ito ginawa ngunit hindi pa rin ito nagigising at tulog na tulog pa rin itong naka-sandal sa kaniya.
Naalala niya palang tulog-mantika si Tidus. Napaka-hirap nito gisingin at kinakailangang buhusan pa ito ng mantika.
Gamit ang kaniyang ulo, tinulak niya ang ulo ni Tidus na dahilan upang mapayuko ito. Yumuko rin si Althea at buong pwersa na nag-head butt.
"Holy motherfucking shit!" Tidus shouted in a muffled manner as he felt that pain in his head seeping in through his veins, afterwards he released a grunt.
Napabuga ng hangin si Althea at kinalabit si Tidus. "Tidus! There!" Bulyaw ni Althea at pinilit na sipain ang haligi ng imprastraktura na dahilan upang tignan ni Tidus. Bilang isa matalino rin, kaagad na naintindihan ni Tidus ang mensahe na gustong iparating ni Althea. Katabi nito, napansin niya ang isang malaking piraso ng yero na wala pang kalawang. Naintindihan niya na nais ni Althea na tanggalin ang pagkakatali ng lubid sa kanilang paa.
Hindi naman ito kalayuan kaya mabilis nilang maabot ang yerong gagamitin nila para matanggal ang tali. Dahan-dahang ikiniskis ni Althea ang tali against sa tanim ng yero. Umabot ang ilang minuto bago niya ito matanggal. Hindi naman nag-aalala si Althea na masugatan siya sapagkat naka-boots sila at makapal ang tela ng kanilang pantalon.
Sumunod si Tidus at ginawa rin ang hakbang upang matanggal ang pagkakatali sa kaniyang paa. Mas mabilis itong natapos ni Tidus kaysa kay Althea dahil mas malakas ang mga binti ni Tidus.
Susunod naman nilang tatanggalin ay ang tali sa kanilang kamay. Sa pagkakataong ito, biglang nag-alinlangan si Althea dahil baka parehas silang masugatan dahil wala silang suot na gloves o anumang pang-protekta sa kanilang kamay.
Bumuntong-hininga ang babae, at nagdasal muna bago gawin ang pagtatanggal ng tali sa kanilang kamay. Ipinuwesto nila ang kanilang kamay sa pagitan ng yero at dahan-dahang ikiniskis and lubid sa yero.
"Fuck...—!" Daing ni Althea dahil naramdaman niyang nagkatama ang kaniyang pulso at ang tanim ng yero. Napansin rin ito ni Tidus dahil bahagyang huminto ang babaeng sugatan. Dahil dito, mas mabilis niyang ikiniskis ang lubid sa yero, hinahayaan munang tumigil si Althea.
Matagumpay itong nagawa ni Tidus, dali-daling tinanggal niya ang tali sa kaniyang pulsuhan at ang tape na nakapalibot sa bibig niya at sa bibig ni Althea.
"Goodness gracious, are you alright?" Mahinang tanong ni Tidus na bakas ang pag-aalala sa kaniyang maamong mukha habang tinatanggal ang lubid sa kamay ni Althea.
"Ayos lamang ako, Tidus." Pag-sisinungaling ni Althea at kaagad na niyakap si Tidus. "Thank you, Tidus..." Bulong niya rito at marahang pinikit ang kaniyang mga mata, at binuksan rin makalipas ang ilang segundo.
Hindi sumagot si Tidus, instead nainis ito at kumalas sa yakap nilang dalawa. "You don't seem to be fine as what you said." Tidus coldly said at pinakatitigan ang sugatang pulsohan ni Althea. Malakas ang daloy ng dugo palabas kaya namumutla ang babae.
"No—" Nagpeke ng tawa si Althea. Ayaw niyang may nag-aalala sa kaniya kasi malaki at kaya na niya. Besides, may mas importante pa sa kaniya kaya wala siyang panahon upang intindihin ang kaniyang sarili.
Umiling-iling si Tidus. "Sinungaling ka." Nag-umpisang tanggalin ang butones ng kaniyang uniporme, natira na lamang ang kaniyang t-shirt na bilang panloob niya. Hinubad niya rin ito, kaya lalong namutla ang babae at parang nabarahan ng kung ano ang kaniyang lalamunan ng makita niyang naghubad si Tidus.
Well-toned six pack abs.
Napailing si Althea sa kaniyang mga naiisip at nakalimutan pansamantala ang kaniyang dugo na umaagos.
Gamit ang panyo sa na tinago ni Tidus sa bulsa niya, pinunasan niya ang sugat ni Althea. Dahan-dahan niya ito ginawa para masigurado na hindi masasaktan si Althea. Pagkatapos ng pagpupunas, binalutan niya ito ng t-shirt nang maayos para hindi umagos palabas ang dugo.
"Thank you..." Nakatingin sa malayo ang dalaga habang sinasambit ang dalawang salita. Pakiramdam niyang nag-iinit ang kaniyang mukha dahil sa tanawin na nasa harap niya.
Ngumiti nang tipid si Tidus. "Welcome. And oh." Na-realize niyang naka-hubad pa rin siya kaya inumpisahan niyang mag-suot muli ng kaniyang uniform. Pagkatapos no'n, tumayo siya at naglahad ng kaniyang kamay habang nakatingin kay Althea. "Tara na."
Tumango si Althea at kinuha ang kamay ni Tidus, at patago silang naglakad patungo sa ligtas na lugar o mas kilala sa pangalan na evacuation center.
Tumingin sila sa paligid, sinisigurado na walang tao o kaya teroristang nakapalibot sa kanila.
Pero huli na ang lahat.
"Where do you think you two are going?" Saad ng isang matangkad na matabang lalaki na may matigas na boses na dahilan ng pagkagulat ng dalawa.
"Shit. Run, babe." Bulong niya kay Althea habang nakatitig pa rin sa lalaki.
Dumating naman ang dalawa pang lalaki na armado, may hawak na high caliber na rifle at parang may sash sila ng mga bala na nakasabit sa kanilang katawan. Lugi ang dalawa. Tatlong armadong terorista laban sa dalawang walang armas.
Humugot ng isang malalim na hinga si Althea bago binunot ang baril na nakatago sa kaniyang bulsa. Pinaputukan niya muna ang isang lalaki sa ulo at tinamaan ito, at natumba. Nag-simula namang magpaputok ang lalaking dumating kasama ang lalaking patay na na nabaril ng dalagang komander. Buong lakas na umiiwas siya sa mga bala nito. Nang maka-tiyempo na siya, napa-skwat siya at binaril ito sa lalamunan.
Brutal.
Sa kabilang banda, si Tidus naman ay nakikipaglaban sa lalaking nakakita sa kanila ng walang anumang baril o weapon na ginagamit. Todo-iwas ito sa mga pinapakawalang bala nito at muntik na siyang matamaan pero agad itong nakaiwas.
Lumapit si Althea sa likuran ng matabang lalaki at tinadyakan ito. Napamura nang malakas ang lalaki sa Ingles nang maramdaman niya ang sipa. "Tidus gumilid ka!" Sigaw niya at ginawa naman ni Tidus ang utos ni Althea.
Binaril ni Althea ang lalaki direkta sa puso nito at natumba.
"Tidus, let's go!" Kinuha niya ang kamay ni Tidus at mabilis na nakaalis sa lugar, naiwang naka-handusay sa sahig ang terorista.
"Shit!"
Malakas na sigaw ni Tidus nang makaramdam siyang balang tumagos sa kaniyang paa.
END OF CHAPTER SEVENTEEN.