"Althea, open up the door. Please let me come in your cabin." Paulit-ulit na sambit ni Tidus habang kumakatok sa pintuan ng cabin ni Althea, na nagtatampo sa kabilang banda ng pinto. "Don't you hear me, Althea? Open your door." Dagdag niya pa at pilit na pinipihit 'yung doorknob.
"Letse. Umalis ka na, Tidus!" Sigaw ni Althea at alam niyang maririnig ni Tidus iyun. Siyempre, hindi bingi iyun. Hindi niya pa rin ito pinagbubuksan ng pinto kahit ilang beses n ito kumakatok sa pinto. Parang may plano siyang buksan iyun matapos pumayag na magpalandi sa haliparot na dapat ihulog mula sa helicopter na iyun.
Ramdam ni Althea ang sobrang inis kay Tidus at kay Eris. Bakit kaya? Nagagalit siya dahil nilapastangan niya ito? Napipikon sa pagmumukha ni Eris? O nagseselos siya? Never! Never siyang magseselos doon sa babaeng iyun. Malinaw naman na sinabi ni Tidus na mahal niya si Althea, pero bakit ito nagpalandi kay Eris at kay Kaye?
"Althea. Open the fucking door." Ani Tidus ng may halong pananakot sa kaniyang boses. Inis na inis rin siya. Bakit ba nagagalit sa kaniya si Althea gayong wala naman siyang ginawang mali o kasalanan sa kaniya? Bakit kaya? Napabuntong hininga nalang siya matapos hindi pa rin siya pagbuksan ng pinto ni Althea.
Sumusuko na siya sa panunuyo niya. Nasagad na pasensiya niya sa isang babae. Halos isang oras siyang kumakatok at sinasambit ang pangalan ng babaeng laman ng isipan niya. Pero anong ginawa? Hindi niya ito pinagbuksan at pinaghintay nang matagal na oras.
Napagdesisyunan niyang magtungo sa mini-bar sa facility. Dito ang lugar kung saan nagse-stress relief ang mga astronauts at maglabas ng sama ng loob. In short, dramahan ng mga naka-spacesuit.
Humugot siya ng isang malalim na hinga bago umupo sa counter at agad na pinahinga ang baba niya sa ibabaw ng kamay niya. "Bottle of beer." Agad niyang sinabi sa bartender. Iniabutan siya agad nito ng isang boteng beer at itinungga ng walang tigil.
Naubos niya agad ang isang bote. Gusto niya kalimutan ang ginawa ni Althea, at ginawa ng mga babaeng tumangkang mapalapit sa kaniya na dahilan kung bakit naiinis ang babaeng gusto niya. Muli siyang um-order ng isa pang bote ng beer at tinungga muli iyun nang walang hinto. Simot-sarap ang bote dahil ni isang patak ay walan itinira ni Tidus. Nagsisimula nang magblur ang paningin niya at sumakit ulo niya. Tagay pa, Tidus.
"Got a problem, Tidus?" Ani ng isang pamilyar na boses sa kaniya. Dahan-dahang tumingin si Tidus sa babaeng naka-upo sa tabi niya, at walang iba kung hindi si Eris. Ang lieutenant na naghahabol sa kaniya at bumubuntot na parang aso.
Pero sa pagkakataong ito, wala siyang naramdamang inis nang makita niya ito. Bagkus, ang pagkakaalam niya ay si Althea ang kaharap niya. Yes, he mistook Eris as Althea.
"Altheaaaa my dear..." Bulong ni Tidus sa sarili habang tinitingnan niya si 'Althea' gamit ang mga mata niyang babagsak na kahit anong oras. Napatawa si Eris, alam niyang lasing na ito kaya sasakyan niya ang trip nito. "Yes Tidus, I am your Althea." She said seductively while she is playing with his hair.
Agad na sinakop ni Tidus ang mga labi ni Eris na inaaakala niyang si Althea, at gano'n din ang ginawa ng babaeng kahalikan niya. Pinagsaluhan nilang dalawa ang init na nararamdaman habang naghahalikan silang dalawa.
Little did they know, Althea was watching them from afar. Nasasaktan siya. Sobra-sobra siyang nasasaktan sa kaniyang nakikita. Her beloved man kissing the girl she hates the most. May kung anong bagay ang nagpabigat sa dibdib ni Althea habang pinapanood sila. Para siyang sinugatan sa dibdib nang pagkalalim-lalim at nilagyan ito ng 100% alcohol. Sobrang sakit.
Naramdaman niya ang mainit na likidong tumulo mula sa kaniyang mata pababa sa kaniyang pisngi. Tinakpan niya ang kaniyang bibig habang humihikbi.
"You broke my heart again, my Tidus..."
END OF CHAPTER SEVEN.