Chapter 5

7 1 0
                                    

Tidus actually thanked Commander Kaye for doing that. Oo, ine-enjoy niya lahat ng nangyayari ngayon sa kaniya kundi dahil sa babaeng yumakap sa kaniya kanina. Sa wakas, pinagtuunan na siya ng pansin ni Althea. Ang babaeng laman ng sistema niya at mas maganda pa sa mga bituing nasa langit.

"Oh, Althea..." Ngumisi si Tidus nang nakita niya ang inis sa mukha ng babaeng humahatak sa kaniya. "What's the matter?" Tanong niya nang narinig niyang bumuntong hininga si Althea.

"Mag-usap tayo." Inis niyang sambit at pinakatitigan ang mukha ni Tidus, nakatiim-bagang. Inirapan naman niya ito pagkalipas ng ilang segundo. Tidus found it cute when she's annoyed and swearing to the hell. She's so beautiful yet she doesn't know it.

Ilang sandali pa ay tumigil sila sa rooftop ng palapag ng NASA. Walang sinuman ang nandoon maliban sa kanilang dalawa. Napalawak ng rooftop para sa kanilang dalawa lang.

The moon illuminated the black night sky and the little stars glittering it, the moon being the center attraction. The breeze was cold, kahit na wala masyadong puno sa area ng NASA. It just feels so cold.

Sumandal si Althea sa railings sa rooftop habang naka-tingin sa himpapawid na matagal na niyang gustong marating. It's too dreamy. Pero ngayon, malapit na niya itong marating dahil sa kaniyang paghihirap. Dugo, pawis at luha ang kaniyang inialay niya— in short she worked too hard to achieve it.

"What is it, Althea...?" Biglang nagsalita si Tidus na nasa tabi na niya. His voice sounds so deep and at the same time ragged. Dumistansiya si Althea ng isang metro sa kaniya. Baka hindi niya kayanin ang init na nararamdaman niya ngayon kung hindi siya lumayo nang kaunti.

"Don't step any closer." Panlalamig ni Althea sa kaniya, kahit sa katunayan ay gusto niya itong ngitian. Natatakot siyang masaktan, muli. Hindi niya pa rin ito tiningnan ni kahit isang sulyap ay hindi niya magawa. Nagtatambol ang kaniyang puso sa kaloob-looban niya pero hindi niya ito pinapahalata.

"Hate me that much, huh..." Ani Tidus bago tumalikod at maglakad papalayo sa kaniya. Tumingin sa ibaba si Tidus at dahan-dahang naglakad papalayo kay Althea, umaasang pipigilan siya nito sa paglalakad palayo sa kaniya kahit na napaka-imposible.

Hindi naman masamang umasa, hindi ba?

Nakailang hakbang na si Tidus palayo kay Althea ngunit hindi niya pa rin ito pinipigilan. "Sweet Althea..." Bulong ni Tidus sa kaniyang sarili habang pinagdadasal na sana ay pigilan siya ng babae.  Isang pang hakbang, Tidus. Ngunit, hindi pa rin siya pinipigilan nito sa paglalakad. Unti-unti nang nawawalan ng pag-asa si Tidus sa gusto niyang mangyari. Napa-buntong hininga siya bago tuluyang tumapak sa pinaka-unang hakbang ng hagdanan.

"Tidus, don't leave me alone here." Biglang nagsalita si Althea na ikinagulat ni Tidus. Nagpapasalamat siya sa bawat santong kilala niya na tinupad ang kahilingan niya. "Hindi ko pa nga nasasabi ang gusto kong sabi, iiwanan mo na kaagad ako rito." Dagdag pa ni Althea. Aligagang naglakad— na halos tumakbo— si Tidus patungo kay Althea.

Tulala pa rin siya sa kalangitan...

"What do you want to say?" He tried to sound cold but deep inside, he is trying to keep his cool kasi alam niyang sasabog na siya kahit anong oras sa tabi ng iniirog niya. "Say it, quick." Dagdag niya pa habang pinakatitigan ang magandang mukha ni Althea. Nakapatong ang isang kamay ni Tidus sa railings habang ang isang kamay niya ay nasa bulsa ng trousers niya, habang nakaharap kay Althea.

Biglang kinabahan si Althea sa tono ng boses ni Tidus, halatang galit ito. It sent cold shivers down to her spine and resonating in her mind. Cold and emotionless yet beautiful voice, she thought.

She gulped bago magsalita. "About sa flight natin sa Vietnam..." Huminga siya ng malalim, "Hindi si Flight Lieutenant Chers ang magpapaandar ng sasakyan nating helicopter." Mahinahon siyang paliwanag sa inaakalang magtatalo lang silang dalawa kapag tinarayan niya ito.

"Why?" Iyun lamang ang naging tugon niya sa balita ni Althea, walang bakas ng pagkagulat at galit. It is just plain and blank. "If it's not him, then who else?" Sinundan nito ang una niyang sinabi.

"He needs to fly the 1018 Cruisers plane, which contains the volunteers and scientist to study the fault line in Vietnam." Dahan-dahang tumingin ito sa ibaba niya, nandoon ang mga iba't ibang uri ng aircrafts that fascinate her. "Flight Lieutenant Eris Wonka will replace him."

Shit!

Sa dinami-dami ng flight lieutenant sa NASA, bakit si Lieutenant Eris Wonka pa?! Okay lang sana kay Tidus, kaso nga lang naalala niyang lubos na nahuhumaling ito sa kaniya hanggang sa punto na halos lapastanganin ang kahinaan ni Tidus. Pasalamat at hindi niya ito ni-report sa administrator.

"Oh, okay." Tipid muling sagot ng lalaki kay Althea bago tumalikod at dapat sanang maglalakad palayo. Pero sa puntong ito, hinatak siya ni Althea. "O-Oh, Jesus!" Gulat na sigaw ni Tidus matapos siyang hatakin ni Althea. Ngayon ay ipinapababawan ni Tidus si Althea na makasandal sa railings. Kahit mismong si Althea ay gulat na gulat rin sa naging resulta ng ginawa niya.

"Ano 'yun?" Uutal-utal na tanong ni Tidus nang mapagtantong iilang pulgada lang ang pagitan nila ni Althea. "Althea naman oh..." Daing niya noong naramdaman niya ang mabangong hininga ni Althea ay tumatama sa balat niya. It smells mint.

"Answer me..." Pagpapanimula ni Althea, "Nagkakilala o nagkita na ba tayo dati, Tidus?" She said softly, locking her brown eyes with his dark gray eyes.

END OF CHAPTER FIVE.

Rewrite The Stars (LABYRINTH SERIES #2)Where stories live. Discover now