Patuloy parin sila sa pakikipaglaban ng may maisip si Althea.
"Hey! Tidus, you know how to use aircrafts right?"
Tanong ng dalaga sa binata kaya agad namang tumango si Tidus.
"Of course"
Nakangisi nitong sabi na patuloy parin sa pakikipagbarilan.
Alam ni Althea na madami ang kalaban nila that's why she have a plan. They will use aircrafts. Gagamitin nila ang mga aircrafts na nakatambak malapit sa evacuation.
"Tidus, Commander Freon knows how to use aircraft too, right?"
Tanong pa ni Althea kay Tidus. Muntikan ng tamaan si Althea ng bala pero nakailag naman siya.
"Yeah, marunong siya. Marunong din siya sa pakikipagbarilan. See?"
Sabi ni Tidus na tinuro si Commander Freon na nakikipagbarilan din.
Nagpapasalamat si Althea dahil tatlo silang marunong gumamit ng baril. Alam ni Athea na hindi marunong gumamit ng baril si Eris kaya may ipapagawa siya dito.
Dali dali siyang bumalik sa evacuation para puntahan si Eris. Ng makapasok na siya sa loob ay agad hinanap ng mata niya ang mukha ng Lieutenant. Ng mahagilap na ng mata niya ang lieutenant ay agad agad siyang lumapit dito.
"Hey, Eris"
Panimula ni Althea kaya napalingon naman sakanya si Eris na abala sa pagpapakalma sa mga tao.
"What do you need Commander?"
Tanong ni Eris na humarap kay Althea. Batid na ni Eris na may ipapagawa ito sakanya.
"I need you to call NASA para magbigay pa ng dagdag na taong handang makipaglaban sa mga terrorista"
Diretsahang sabi ni Althea kay Eris kaya tumango nalang ang dalaga.
Eris is a pro in technology at alam ni Althea na ito ang maitutulong ni Eris sakanila ngayon.
Ng makita ni Althea na tumungo na si Eris papunta sa isang tent kung nasaan ang kanyang mga kailangan ay agad na itong nagtatatakbo pabalik sa labas ng evacuation.
Ng makalabas na siya ay agad niyang hinanap ang dalawang commander. Agad naman niya itong nakita, patuloy parin ang dalawa sa pakikipaglaban.
Napatingin si Althea sa kabila at alam niyang madami pa silang kalaban kaya pursigido na siyang gawin ang kaniyang plano.
Napansin naman ni Althea na wala ng mga terrorista sa himpapawid at yun ang kamalian nila. Now, they will get their karma.
Agad na tumakbo si Althea kina Tidus at Freon para makakilos na silang tatlo.
"Hey, tara na! Kunin na natin yung mga aircrafts na nakatambak malapit sa evacuation"
Sigaw ni Althea, sinadya niya ang magtagalog para hindi ito maintindihan ng mga kalaban at para hindi sila maging aware sa plano niya.
Agad namang tumakbo ang dalawa at sumunod kay Althea para kunin ang mga aircrafts.
Kaya alam ni Althea ang mga aircrafts na ito ay dahil minsan ay napadaan siya dito at napukaw agad ng mga aircrafts ang kanyang paningin. Pero di niya inakalang magagamit talaga nila yun at dahil sa mga kasakiman pa ng tao sa mundo.
Nagpatuloy sila sa pagtakbo hanggang sa nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Agad na nagkatinginan ang tatlo bago mabilis na nagsisakay sa kani kanilang sasakyang aircrafts.
Halos sabay sabay nilang nabuksan ang kanilang sinasakyang aircrafts.
"This is Commander Althea Venus Newton, calling all Delta team for preparation. We, Commander Freon and Commander Tidus are now using aircrafts. Be prepared"
Sabi ni Althea sa radyo para mabalaan ang mga sundalong nakikipaglaban sa mga terrorista. They will end this war, all the people should unite not fight.
Agad na umangat ang tatlong aircrafts na pinaandar ng tatlong Commander. Ilang sandali lang ay nakalabas nila at nasa himpapawid na silang tatlo. Mataas ang kanilang lipad para di sila mapansin ng mga terrorista.
"Commander Freon and Commander Tidus, babaan na natin ang ating lipad. We will now attack"
Babala ni Althea sa dalawa.
"Yes, Commander"
Sabay na sabi ng dalawa bago sumunod sa susunod na gagawin ni Althea.
Ng mababa na nila ang kanilang lipad ay agad na nilang hinanda ang kanilang mga armas na siguradong makakapagbawas sa kanilang mga kalaban.
"Now!"
Sigaw ni Althea bago nagsimulang paputukan ang mga kalaban. Sumunod naman ang dalawa sa kilos ni Althea.
At tama nga ang hula ni Althea, nagulat ang mga kalaban kaya agad silang nabawasan. Hindi nila alam na may planong ganito ang mga Commander.
Nakikita na ng tatlo na madami na ang bawas sa mga terrorista at alam na nilang naghanda na rin ang mga kalaban ng kanilang ipanglalaban sa himpapawid kaya ipinaubaya na nila ang mga terroristang nasa lupa.
Ng mapansin na ng tatlong commander ang mga kalaban nila ay agad nila itong pinaputukan. Pero nagtago ang mga ito at alam na ni Althea na ganito ang mangyayari kaya magisa siyang lumipad para hanapin ang mga kalaban.
"Althea! Come back! Delikado, wag kang sumugod ng magisa!"
Sabi ni Tidus sa radyo kaya agad namang napangisi si Althea
"Don't worry Tidus, ayos lang ako. I will be fine. I just need to find them basta pag nahanap ko sila, the two of you should be ready, dadalhin ko sila sainyo"
Sabi nalang ni Althea bago pinatay ang radyo so she can focus.
Inangat niya ang kanyang aircraft para madali niyang mahanap ang mga kalaban at hindi nga siya nabigo, nakita niya ang anim na eroplanong nagtatago sa likod ng mga malalaking ulap.
"There you are"
Nakangisi nitong sabi bago bumaba at sinadya niyang tumapat sa mga kalaban. Nakita naman siya ng mga ito kaya agad silang nagpaulan ng mg bala pero nakakaiwas si Althea. Inikot niya ang kanyang aircraft at umaangat siya para makaiwas sa mga balang patuloy na bumabaril sakanya.
Napansin niyang lahat ng kalaban ay humahabol sa kanya kaya mas lalong lumawak ang kanyang mga ngisi dahil umaayon ang lahat sa plano.
Ng makita na niya ang aircraft nila Freon at Tidus ay pinabilis niya pa ang kanyang paglipad at ng malapit na siya sa dalawa ay agad siyang lumipad ng mataas kaya naiwan ang mga kalaban kina Tidus.
Ilang sandali lang ay narinig na niya ang mga putukan na nangangahulugang nagbabarilan na sila. Kaya agad niyang ibinaba ang kanyang eroplano at saktong sa likod ng mga kalaban siya napatungo.
"My plan is working, bitches"
Sabi ni Althea bago nagsimulang bumaril sa mga kalaban. Nacorner ang mga ito at ilang sandali lang ay naubos na ang mga kalaban nila.
Napangiti ang tatlo dahil sila ang nanalo sa laban, ngayon. Binuksan ni Althea ang radyo at agad siyang binati ni Tidus.
"Ang galing naman ng babe ko"
Patawa tawa nitong sabi kaya natawa nalang din si Commander Freon at pati narin si Althea.
"It is their karma. Bagay lang sakanila yun"
Nakangising sabi ni Althea habang nakatingin sa dalawang aircrafts na nasa harapan niya.
END OF CHAPTER FOURTEEN.