Chapter 15

5 0 0
                                    

After the flight and fight, ligtas na lumapag sila Freon, Tidus at Althea na may nakaguhit na ngiti sa kanilang mga labi. Knowing that the battle has successfully finished without damaging and injuring victims lubos nila itong ikinatuwa. Pero wala pa silang panahon para i-celebrate iyun. May mga bagay pa silang dapat gawin at may mga nakaatang na responsibilidad sa kanilang mga braso.

Huling lumabas si Althea mula aircraft. Sa totoo lang, hindi man lang siya pinagpawisan habang nilalabanan ang mga terorista. She is destined to do that. From the moment na humakbang siya palabas sa sasakyang pang-himpapawid, sinalubong siya ng mga Vietnamese na biktima ng sakuna. They all have smiles crept onto their lips as a sign of proudness they have para sa kaniya.

Ang dalaga ay lubos na masaya hindi dahil sa tagumpay na nakamit nila, kundi walang napahamak na sinuman sa mga tao. Akala niya masyado siyang naging harsh. Pero hindi.

"Congratulations, Tidus, Freon and Althea." Bati ni Eris at naglakad papalapit kay Tidus, sabay niyakap ito nang mahigpit at mariin itong pinagmasdan ni Eris. Para bang sinasabi niyang nalamangan niya siya pero no, she can do more. Heh.

"Ehem ehem." Freon faked coughs as he saw the scenery. "May nababanas ehem." Sambit niya habang nakatingin sa kanila bago siya tumingin kay Althea, bago tumawa na mas lalong ikinainis ni Althea. Bago nagulpi na nito ng babae kung wala lang itong asawa na kasamahan nila sa trabaho sa NASA.

"Eris." Ani Tidus habang dahan-dahang kumakawala sa kapit ng bisig niya at lumapit kay Althea, niyakap niya ito nang mahigpit. Dahil nakatalikod si Tidus kay Eris at kayakap ng lalaki si Althea, nakikita ni Althea si Eris dahil medyo matangkad ito.

Althea gave Eris a devilish smirk before dragging the skin under her eyes down just the level of the bridge of her nose, and then stick out her tongue.

Namumula nalang bigla si Eris sa inis, inggit at galit sa ginawa sa kaniya ni Althea. Althea had won the teasing game. 1-0. But the game had just begun, at talo na agad ito sa umpisa. At hindi papayag ang babaeng komander na manalo si Eris para sa puso ni Tidus. Tidus belongs to her, all alone.

Althea pulled away from the hug, at nginitian si Tidus na ikinatunaw nito dahil sa ganda ng kaniyang ngiti. "You did well, Tidus." She lovingly stated, locking her eyes with his.

Tumawa si Tidus na para bang nag-joke si Althea. "No, darling. You did well." He kissed her forehead. 2-0 already! Alam ni Althea na natatambakan na niya si Eris.

Suddenly, nagdadabog na umalis si Eris sa lugar. Sikretong napatawa ang dalaga sa nangyari. "Hey, follow me." Tidus whispered in her ear.

Tumango si Althea at hinawakan kamay ng lalaki, hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin pero wala siyang pakialam dahil hindi naman siya nito ipapahamak.

Dinala siya ni Tidus sa isang lugar kung saan walang mga tao, silang dalawa lamang. There was a big clear field surrounded by the ruins of the building. The atmosphere felt so humid.

"A-Anong gagawin natin dito?" Tanong niya habang umiikot ang paningin niya sa kapaligiran, sinisigurado kung may nag-eespiya sa kanilang dalawa.

"Obviously, you forgot it." Umiling-iling si Tidus and he clicked his tongue. Nasa bulsa niya ang kaniyang mga kamay. At tsaka ngumisi siya.

The view is too perfect that it made Althea blush madly. "What is it?" She jokingly hit her hard chest at pabirong tumawa. Wala parin siyang ideya sa mga nangyayari at sa gagawin ni Tidus.

"Turn around and close your eyes." Utos ni Tidus at kahit nagugulumihanan si Althea, sumunod pa rin ito. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at tumalikod.

She stayed there for a while, quiet. Bigla niya nalang naramdaman ang isang malamig na bagay ang tumama sa kaniyang leeg. Bumilis lalo ang tibok ng kaniyang puso dahil alam na niya kung ano ito.

"Now open your eyes." Finally iminulat na niya mata niya at tumingin kay Tidus. Nalaawang ang kaniyang mga labi. Tiningnan niya ang nakasabit sa kaniya leeg at tama nga ang hinala niya, isa itong kwintas. The necklace is gold and so as the pendant. The pendant is a planet Venus. The planet's atmosphere is like gold.

"You obviously forgot it." Ngumiti si Tidus ng pagkatamis-tamis and he tilted his head. Ano ba talaga ang nangyayari?

"What's happening?" Tumaas ang kilay ni Althea na naguguluhan pa rin hangang ngayon.

Bigla siyang hinalikan ni Tidus at tumugon ito pabalik. Afterwards, he pulled away. Still with a smile that turned into a smirk.

"You forgot it. Happy birthday."

END OF CHAPTER FIFTEEN.

Rewrite The Stars (LABYRINTH SERIES #2)Where stories live. Discover now