Nanatiling nanood si Althea sa mga nangyayari. Di niya alam kung bakit nagawa niya paring manood sa dalawa kahit sobrang sakit na.
Ilang sandali lamang ay nakita niya ang dalawang abong mata na nakatingin sakanya.
Nagulat si Tidus sa nakita. Si Althea yun, hindi siya pwedeng magkamali.
Ng oras na nagtama ang mga mata nila ay agad na nagtatakbo si Althea pabalik sa kanyang cabin.
"Why, Tidus? Why?"
Paulitulit na tanong ni Althea sa sarili niya habang nagtatatakbo siya pabalik sa kanyang cabin.
Nanginginig niyang pinindot ang mga numero ng kanyang password.
Pagkapasok sa kanyang cabin ay doon na siya napahagulgol. Sobrang sakit ang nadarama niya ngayon.
Napayakap siya sa kanyang unan habang patuloy na umiiyak.
Sa bar naman ay agad na napabalikwas si Tidus at naitulak nito si Eris kaya napaupo ito sa sahig.
"Hindi ikaw si Althea. Ikaw si Eris"
Sabi ni Tidus habang nakatingin kay Eris na nakaupo parin sa sahig.
"N-nasaktan ko siya"
Bulong ni Tidus sa sarili habang nakatingin sa kaninang kinatatayuan ni Althea.
Yayakapin na sana siya ni Eris pero agad niya itong itinulak.
"Eris. Why can't you just leave me alone? Why, Eris?"
Tanong ni Tidus kay Eris kaya napatigil ang babae
"Diba sabi ko sayo layuan mo na ako? Mahirap bang gawin yun. Damn."
Sabi ni Tidus bago nagtatatakbo papunta sa cabin ni Althea
Naririnig niya pa ang pagtawag sakanya ni Eris pero hindi niya iyon nilingon o pinansin man lang.
Ng makarating siya sa cabin ni Althea ay agad siyang kumatok sa pinto.
"Althea, please open the door"
Sabi ni Tidus na patuloy parin sa pagkatok sa pintuan.
Umiiyak parin sa loob si Althea, ayaw niya man buksan ang pinto ay wala na siyang magagawa.
Binuksan niya ang pinto at agad siyang sinalubong ng isang yakap.
Pumapalag pa siya nung una pero wala din siyang nagawa kaya hinampas nalang niya ng mahina ang dibdib ni Tidus habang umiiyak.
"Bakit Tidus? Bakit mo ako nagawang saktan"
Sabi ni Althea pero hindi nagsasalita si Tidus, nanatili lang itong tahimik habang patuloy na tinatanggap ang mga hampas ni Althea sa kanyang dibdib.
Patuloy parin sa pagiyak ang dalaga. Nasaktan siya masyado.
"Althea, im so sorry"
Sabi ni Tidus kaya agad na nanahimik ang dalaga
"I swear di ko alam ang nangyari. Lasing ako Althea, lasing ako."
Sabi ni Tidus, napatingin si Althea sa mukha ni Tidus at agad niya napansin na umiiyak ito.
"Althea, im so sorry. Patawarin mo ako"
Patuloy na pagsasalita ni Tidus, patuloy parin ang mga luhang pumapatak.
Hindi alam ni Althea ang nagawa niya pero hinalikan niya sa labi si Tidus.
Nagulat sa una ang binata pero agad din itong gumanti ng halik kay Althea.
Their kiss was so passionate. It is full of love.
Natapos ang kanilang halikan kaya niyakap ni Althea si Tidus.
"Pinapatawad na kita"
Napangiti ang binata sa kanyang narinig.
He was so happy that he got his girl again.
END OF PART EIGHT
![](https://img.wattpad.com/cover/180554229-288-k745708.jpg)