Chapter 11

2 0 0
                                    

Nanlumo si Althea sa mga nakikita sa harapan niya ngayon. Palihim siyang humugot ng hininga at tumalikod sa senaryo, at tumungo sa evacuation center kung saan siya naka-assign upang tumulong. Pinilit niya ang administrator na doon siya ilagay hindi lang dahil kay Commander Freon at Eris na nandoon upang kunin ang mga taong walang buhay, dahil may isa pa siyang rason. At iyun ay takot siya sa dugo. Nagsimula iyun noong bata siya. When she saw the blood gushing out of her beloved pet.

"Bakit ka namumutla?" Pambungad na tanong ni Tidus kay Althea na bakas sa kaniyang maamong mukha ang pagiging maaalahanin sa kaniyang kalagayan. "Is there something wrong?" Dagdag pa nito habang may hinahanap sa isang malaking kahon na ipinadala sa kanila ng NASA.

Umiling si Althea at pilit na ngumiti. "Ah, there is nothing wrong." She refutes and helped Tidus to open the other boxes containing some relief goods for the affected people. Nanatili siyang tahimik habang binubuksan ang mga kahon at namigay ng mga tulong sa taong kaawa-awa.

Medyo gumaan ang pakiramdam ni Althea nang makita niyang ngumiti at tumawa ang mga biktima sa saya. Finally, may tumulong na rin sa kanila. But somehow, nalulungkot pa rin siya para sa mga taong namatay. Mga bangkay na nagkalat kung saan-saan na lubos na nagpasama sa damdamin ng babae.

Masasabi ngang naghihiganti na ang kalikasan sa mga masasamang bagay na ginawa ng tao rito. Kung ano ang ginawa mo, ang siyang babalik sayo, kumbaga. That's what we called karma.

"You don't look fine, Althea..." May biglang bumulong sa tenga niya at ang kaniyang hininga ay tumama sa balat niya sa leeg. Nakakakiliti.

"I am fine, Tidus. We came here to help people, not to feel bad about me." Pagtututol ni Althea kahit sa kaloob-looban niya ay takot na takot pa rin siya sa dugo. Pero hindi niya ito masabi kahit kanino.

"I will check you later." Tidus replied when he got the medicine kit before he perished. Siya ay naka-assign upang gamutin ang sugat ng mga sugatang tao at pagaanin ang nararamdaman nila.

Huminga ang babae ng malalim bago ipinagpatuloy ang pag-didistribute ng mga pangangailangan ng tao. Nasa isip pa rin niya ang imahe ng walang buhay na mga tao na sumalubong sa kanila paglapag nila sa Vietnam. Hindi niya kakayanin kung siya pa ang maa-assign sa paglipat ng mga bangkay sa airbase.

Matapos gawin ni Althea ang kaniyang gawain na naka-atang sa kaniya, naisipan niyang umupo muna sa gilid habang pinapanood ang mga batang wala pang kamalayan na naglalaro sa kaniyang harapan. May ngiting gumuhit sa kaniyang mga labi nang makita niyang tumawa sila.

"Doing well, Commander?" Napaupo si Commander Freon sa kaniyang tabi at nakatitig sa kaniyang mukha. Hindi siya komportable sa ginagawa nitong pagtingin sa kaniya.

"Yeah." Tipid at pilit siyang ngumiti habang nagsisinungaling. Lalong sumama ang pakiramdam niya nang dumating si Freon. She is screaming for help. "What makes you go over here?" Pagsisiyasat ni Althea sa lalaking kasama niya.

"Oh... Nothing. I just wanna check on you." He chuckled and took out the sandwich wrapped in plastic. "Gusto mo? Huwag kang mahiya." Inabot niya ang hawak niyang pagkain. "I already ate inside the camp." Pag-iimporma niya sa dalagita.

Sa labis na kagutumang nadadama niya ngayon, buong lakas niyang kinuha ang pagkain at kinain iyun in split seconds. Simot-sarap niya ang pagkain at walang bakas ng sandwich ang natira. "Gracias." She spoke 'thank you' in Spanish. Freon is half-Spanish and half-Filipino that is why he can speak Tagalog.

Iniabutan rin niya ito ng tubig at pinainom ito. "Sorry kasi naubos ko." Napakamot si Althea habang pinagmamasdan ang boteng walang tubig na laman. Muling tumawa ang komander na lalaki at tinugon, "It's okay. It is especially for you." Paliwanag niya rito bago ngumiti.

Commander Freon Barcelona is indeed helpful and kind to everyone. He doesn't let anyone to be left behind and willing to sacrifice for a better change. And he is hot and handsome enough to make a girl drool after meeting him. But heaven's sake, Althea is only attracted to Tidus.

"You have a dirt here..." Bumulong si Freon bago tinanggal ang dumi sa labi ni Althea, slowly. Nanigas si Althea sa kinauupuan niya ng ginawa iyun ni Freon. He soon gave her a headpat. "There you go." Ngumiti ang binata pagkasabi niya no'n.

"Don't you ever dare to touch what's mine, Freon."

END OF CHAPTER ELEVEN.

Rewrite The Stars (LABYRINTH SERIES #2)Where stories live. Discover now