Chapter 18

9 0 0
                                    

Chapter 18

Napalingon si Althea kay Tidus ng marinig niya ang malakas na mura nito at agad niyang napansin na may balang tumama sa paa ng kanyang kasintahan.

Agad agad niyang nilapitan si Tidus na hirap na hirap sa pagtakbo dahil patuloy parin silang hinahabol ng mga terrorista.

"Tidus, are you ok?"

Dali daling tanong ni Althea kay Tidus ng siya ay makalapit dito. Agad namang tumango si Tidus bilang pagsagot sa tanong ng dalaga.

"Let me help you"

Pagsasalita ni Althea dahil alalang alala na siya sa binata. Tinignan naman siya ni Tidus.

"Althea, ayos lang ako-"

Naputol ang sasabihin ni Tidus ng inakbayan siya ni Althea at dahan dahan na silang tumakbo.

"Alam kong di ka ayos, Tidus"

Pagsasalita ni Althea habang sila ay patuloy sa pagtakbo palayo sa mga terroristang maaari silang patayin. Nasa panganib ang buhay nila ngayon.

Nasa kalagitnaan sila ng pagtakbo ng may marinig silang sumitsit at tinawag ang kanilang pangalan.

"Psst! Commander Tidus and Commander Althea!"

Patuloy na pagtawag ng di kilalang tao sakanila. Palingon lingon ang dalawa hanggang sa nakita nila si Commander Freon na nasa likod ng isang aircraft.

Agad na lumingon ang dalawa sa kanilang likod upang tignan kung ang mga humahabol sakanila ay wala na at wala na nga ang mga humahabol sakanila pero di sila dapat matuwa dahil sigurado silang mahahanap at mahahanap din sila ng mga ito. Ng makitang wala na nga ang mga kalaban ay dali dali silang pumunta sa direksyon kung nasaan ang kasamahan nilang Commander.

"Althea anong nangyari kay Tidus?"

Bungad na tanong sakanila ni Freon na agad agad tinulungan ang dalaga sa pagalalay kay Tidus.

"May tama siya ng baril sa paa"

Sabi ni Althea na kasalukuyang inaakyat sa aircraft si Tidus dahil dito niya ito gagamutin.

Agad agad na hinanap ni Althea ang first aid kit sa loob ng aircraft at di siya nabigo, nakakita siya ng first aid kit sa isang sulok. Ng makita na niya ang kit ay agad agad siyang lumapit kay Tidus at ginamot ang sugat nito.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na nga ni Althea ang paggamot kay Tidus. Kasalukuyang nakabenda ang paa ni Tidus kung saan siya nabaril.

Nanatili silang tahimik tatlo, nagiisip ng dapat nilang gawin dahil nasakop na nga ng mga terrorista ang Vietnam. Patuloy silang nagiisip ng makaisip ng isang ideya si Althea.

Susugurin uli nila ang mga terrorista gamit ang aircrafts. Kalakasan nilang tatlo ang aircrafts kaya sigurado silang magagamit nila ito para matalo ang kanilang mga kalaban.

"Gagamit uli tayo ng aircrafts laban sakanila"

Ani ni Althea na tumayo para makausap ng maayos ang dalawa. Napatingin siya kay Tidus na hinang hina ang katawang nakaupo sa lapag ng aircraft.

Lumuhod siya sa harapan nito at hinawakan niya ang mga pisnge ng binata. Nagkasalubong ang kanilang mga mata at unti unti na namang natutunaw sa mga titig ni Tidus si Althea.

"Tidus, kaya mo pa ba?"

Nagaalalang tanong ni Althea kay Tidus. Napangiti naman ang binata at hinalikan sa labi ang dalaga.

"Oo, kaya ko pa"

Nakangiti nitong saad habang dahan dahang tumatayo mula sa pagkakaupo niya sa lapag.

Napangiti si Althea dahil alam niyang malakas at matatag si Tidus at alam niya ring makakasama niya ito hanggang sa dulo ng kanilang laban.

END OF CHAPTER EIGHTEEN.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rewrite The Stars (LABYRINTH SERIES #2)Where stories live. Discover now