Sa pagtutugma ng ating mga paningin,
Tila bang bumilis ang aking puso sa pagpintig.
Maawa ka naman sa akin
Baka mamatay na ako sa kilig!
Ang ngiti mong namumukod-tangi,
Ang nagpapakilig sa akin palagi.
Ang namumutok mong mga labi,
Pwede patikim naman kahit sandali?
Manyak bang maituturing
Kung ikaw lamang ang laman ng aking isip?
Patawarin mo ang aking pagkasabik;
Ikaw lang talaga aking minimithi.
Gusto lang naman kitang makita't makatabi
O 'di kaya'y sa gabi makapiling.
Ikaw na ang bahalang pumili,
Kung ano sa tingin mo ang dapat nating gawin.
Bagaman ito'y tunog-pagbibiro
Hinihiling kong sana'y ito'y magkakatotoo,
Dahil ikaw ang lunas na hinahanap ng aking puso,
Na matagal nang nalulungkot, nagsusumamo.
BINABASA MO ANG
The Protagonist
Thơ caCollection of Seasonal Sentiments and Sudden Thoughts It includes poems, essays, quotes, and realizations