Sa pagsapit ng dilim, magsisimula ang malagim na pagkitil.
Doon sa kahabaan ng eskinita nangyayari ang pamamaril.
Upang ang paggamit ng droga raw ay agad nang matagil,
Kaya pati mga inosente kailangan na ring madawit.
Si Totoy na bumili lang nang gamot para sa kanyang nanay,
Tumakbo, nabaril at ngayo'y duguang nakahandusay.
Sa oras ng paghuhukom, inatas ang sisi doon sa malamig niyang bangkay;
At ang katotohan ay kasamang malilibing sa kanyang hukay.
Matatanggap kong bulag ang hustisya
Sa kadahilanang wala itong pinipiling sinuman sa mata ng batas.
Ngunit kung nagbubulag-bulagan naman ang pulisya,
Walang saysay ang tinatahak nilang landas.
Ang kanilang pagmamalabis ay walang kapatawaran.
Ang pinangakong kaligtasan na humantong sa kalapastanganan;
Kung sino pa ang siyang dapat mangalaga sa lahat ng mamamayan
Ay sila pa ang pasimuno ng walang habas na kamatayan.
Nawa'y magising na sila sa hubad na katotohanang
Hindi pagpaslang ang tanging kasagutan.
BINABASA MO ANG
The Protagonist
PoetryCollection of Seasonal Sentiments and Sudden Thoughts It includes poems, essays, quotes, and realizations