Tugon: Panginoon, kaawaan mo kami.
Sabihin mo sa akin
Bakit kailangang manalig
Sa taong sa ati'y nagpakasakit
Na'ng utang na loob nati'y walang hanggan niyang sisingilin
Tugon: Panginoon, kaawaan mo kami.Kung siya'y makapangyarihan
Bakit kailangang tayo'y mapagkalupitan
Ng mundong nagmamalabis sa kasalanan
At may naninibughong kahalayanTugon: Panginoon, kaawaan mo kami.
Tama bang siya'y habambuhay na pasalamatan
Kung ang pangakong kapayapaan
Ay isa lamang imposibleng katotohanan
Tugon: Poon, kami'y iyong pagalingin
Tama bang ibaba ang ating mga sarili upang siya'y maitaas
At sa bawat kusing na maikakaltas
Ay kalamnan naman natin ang mabubutasTugon: Panginoon, kaawaan mo kami.
Ang langit ay para sa mga mabubuti
At ang kaharian niya'y para sa mga masunurin
Ngunit tayo ay nararapat sa mga buhangin
Na'ng ating mga hangarin ay tatangayin lamang ng hanginTugon?
BINABASA MO ANG
The Protagonist
PoetryCollection of Seasonal Sentiments and Sudden Thoughts It includes poems, essays, quotes, and realizations