Nakakapagod pala manood ng mga tala;
Sa langit ay nakatingla habang sa bawat kisap nila
Ay sabay hihiling ng munting himala;
"Ibalik niyo sa'kin ang mahal ko'ng minsan nang nawala."
Ilang beses ko nang isinigaw ang kanyang pangalan sa hangin;
Sandaling ihip sa aking mga tenga ang tangi lamang dumating;
Ngunit kahit man pigilin ang bugso ng aking damdamin;
Sa huli, siya pa rin talaga ang muling aalalahanin.
Gayunpaman, sayang at wala ka na.
Paalam sa sandaling ating pinagsaluhan.
Hayaan mo't makakalimutan din kita,
Bukas o sa makalawa o balang araw man.
Kaya sa mga nalalabing salita ng aking tula;
Isusulat ang aking una't huling paalala;
Paulit-uli ko kasing hinanap ang pag-ibig sa kanila
Na dapat muna'y sa akin nagsisimula.
Kaya ipipikit na ang mga matang matagal nang nakatitig sa langit
Mga susunod na kataga'y sa isip pilit ipapaulit:
Na "ang taong nanunuot sa pag-ibig ng kanyang sarili
Aynabubuhay ng may ngiti sa labi at pag-asang namumutawi."
BINABASA MO ANG
The Protagonist
PoesiaCollection of Seasonal Sentiments and Sudden Thoughts It includes poems, essays, quotes, and realizations