Nandito kami ngayon sa isang class na restaurant, kasalukuyan naming hinihintay ang ka business meeting nito, abala ako sa pagtingin nang mga schedule nito para mamaya, nakaupo kami ngayon sa mesa, habang hinihintay namin ang inoorder, kung iisipin para tuloy kaming nagdate. Masyado naman kasi yata kaming maaga, kaya inabala ko nalang ang sarili. "Anong oras ang meeting ko kay Ms. Alcantara? Kapagkuwan ay tanong nito sa akin, mabilis ko namang tiningnan ang listahan ko na dala-dala. "three o'clock po sir. Sagot ko rito. At nang dumating ang aming order, sinabi na nito sa akin na kumain muna, nahihiya naman akong tumango rito, natakam tuloy ako sa pagkaing nasa harapan, lobster at fish felay, at pineapple juice. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, bahala na si superman, nagugutom narin ako, napasulyap muna ako sa boss ko, bago nilantakan ang aking pagkain, nakatingin lang ito sa akin, sumenyas naman ako rito, sinagot lang ako nito nang tipid na ngiti, himala, for the first time ha, ngumiti si boss sungit sa akin. Hump!! Sana ganyan ka nalang lagi sir Clyde, hmmm—, ok na kahit hindi ko kita ang ngipin mo. Ani nang isip ko. At nauna na akong natapos sa pagkain, nang hindi sinasadyang napadighay ako nang malakas, namumulang napahawak ako sa aking bibig tapos napayuko, "Excuse me!, nahihiya kong sabi at napayukong nagpalinga-linga, gosh Joy!!, your so annoying!! Sita ko sa sarili. May iniabot sa akin si Sir Clyde na tissue, agad ko naman itong kinuha, at nahihiyang nagpasalamat dito, nabigla naman ako nang makita ko itong ngumiti, nakita ko ang pantay-pantay at ang mapuputi nitong ngipin, pwedeng pangmodel sa close-up sir. Nakatitig lang ako dito, the shock in my face is the evident, still I couldn't believe that he smiled at me, kinurot ko pa ang aking kabilang pisngi na ikinanoot nang noo nito. "Hey! What are you doing?? takang tanong nito sa akin. "Po?, ano—ahm, kasi sir, hindi lang talaga ako makapaniwalang tumawa na kayo sir, mas gwapo po pala kayo pag nakangiti. Medyo nauutal kong sagot dito, at muli ay ngumiti ito at naiiling sa tinuran ko. "Your amazing!! Bulalas nito sa akin. "Thank you po sir, naiilang kong sabi dito. Napansin kong kunti lang ang kinain nito, base na rin sa laman nang plato nito.
Makalipas ang ilang oras ay eksaktong dumating ang ka meeting nito na si Mr. Lee, may edad na pala ito, pero makisig parin ang tindig nito, tumayo kami at masiglang binati ang bagong dating, nakangiting nakipag-usap lang ito sa aking boss, nakikinig lang ako sa usapan nang dalawa at nag-take note. Nagpapasalamat naman ako sa Dios at hindi makapaniwalang na close ni Sir Clyde and deal. Nakita ko kung paano sumigla ang aura nang boss ko, nakipagkamay muna muli sa amin si Mr. Lee bago nagmamadaling tumalikod, hindi naman maipagkakailang magaling si Sir Clyde pagdating sa business world, dahil sa sobrang kasiyahan ko, wala sa sariling napayakap ako rito, "Naku Sir, congrats po!! Masigla kong bati dito, naramdaman ko naman ang pagtugon nang yakap nito mula sa likod ko. At nang matauhan ako, mabilis pa sa hangin na kumalas ako nang yakap dito, at napayuko. "Sorry sir, nadala lang po ako sa aking emosyon. "Its okay, and I'm grateful that you congratulate's me, seryosong saad nito at tinapik ang aking balikat. Tumalikod na ito, sumunod lang ako dito mula sa likod. Tsansing ka rin ano Joy??, ani nang isang isip ko. Sus, aminin mo na kasi, sabi nang pangalawa kong isip. Napakamot nalang ako sa aking batok at naiiling sa naiisip. Lumapit na kami sa nakaparada nitong kotse at pumasok sa loob nito, inayos ko muna ang aking seatbelt, bago sumandal sa kotse at napapikit. " Okay ka lang?? Puna nito sa akin, mabilis naman akong napadilat at napalingon dito, "Okay lang po sir. Tipid kong sagot dito at ngumiti. Tumango lang ito sa akin at pinasibad na ang kotse patungo sa CUERTOVAS BUILDING.
Sa totoo lang hindi talaga ako komportable na nandito sa loob nang opisina niya ang aking mesa, "Ms. Guevarra, pakitimpla mo ako nang kape, utos nito sa akin, at mabilis naman akong tumalima at lumabas para gawan ito nang kape. Pagkalabas ko pa lang nang pintuan ay tinawag na ako ni Clara. "Joy! Kumusta ka naman sa loob. Tanong nito, ngumiti ako dito at tinungo ang lalagyan nang kape, "Okay lang naman, kaya lang nakakailang, tugon ko dito. "Hindi ba laging sinusumpong si Sir?? Si Mia na kumindat pa sa akin. Nakangiting napatingin ako dito, "Hindi naman, sana ganon lagi. Saad ko dito, pagkatapos kong magtimpla ay muli akong tumalikod para hugasan ang kutsarita na ginamit at muli ay kinuha ko ang tasa na may lamang mainit na kape, akmang haharap na sana ako nang hindi sinasadyang natabig ito nang kung sino. "Aahhh!! Eww!!! Tili nang kung sino, nang mapatingin ako rito, nakita ko ang panlilisik nang mata nito. Nagulat naman ako nang mapagmasdan ko ang damit nitong nabasa ko nang kape, napatakip naman ako sa aking bibig, ganon din ang dalawang sina Mia at Clara. "Naku mam, sorry po hingi kong paumanhin dito at dali-daling pinunasan nang tissue ang basang damit nito, "Walanghiya ka!! Galit nitong wika at itinulak ako nito, hinintay ko ang paglapat nang aking likod sa sahig nang may maramdaman akong mainit na bagay na umalalay sa aking bewang, amoy palang nito, alam ko na kung sino. "What's happening here??, tanong ni sir Clyde. "Iyan, iyang walang kwentang babaeng yan!!! Nanggagalaiting turo nang babae sa akin, maingat naman akong inalalayan ni sir Clyde at saka nito hinarap ang babae, "What are you doing here? Kunot noong tanong nito sa babaeng masama ang tingin sa akin, umismid naman ako rito at inayos ang nagusot kong uniform. "I'm just trying to visit you babe, malambing nitong saad sa boss ko, at lumapit ito dito, pasimple naman itong itinulak ni sir Clyde, na ikinangiti ko, buti nga sayo!! "We've done Trixie, di ba nagkaliwanagan na tayo tungkol dito, mahinahong tugon ni sir Clyde dito. "Clyde, hindi ko pala kayang mawala ka sa akin, maarte nitong sabi, itinirik ko ang aking mata sa tinuran nito, pasimple akong tumalikod kunwari may ginagawa ako, pero ang totoo nakikinig lang ako sa usapan nang mga ito, sigurado rin naman akong ganon din ang dalawa na sina Mia at Clara na kunwari pang abala, I'm sure na nakikinig rin ang bruhang ito, hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. "Get out!! Napaigtad ako sa sobrang lakas nang boses nang amo, umiiyak na tumatakbo naman ang babaeng maarte kanina, kung kanina ay nakangiti ako, ngayon ay bigla akong naawa para rito. Mabilis na pumasok si sir sa pintuan nang opisina nito at malakas na binabalibag ang pinto. Magkasabay na napasinghap kaming tatlo nina Clara at Mia at nagkatinginan kami, nagkibit balikat lang ang dalawa. Ako naman ay nagtimpla nang bagong kape, at pagkatapos ay dinala ko ito sa loob nang opisina ni sir Clyde. Pigil hininga kong lumapit dito at inilapag ang isang tasa nang kape.
![](https://img.wattpad.com/cover/178234718-288-k650075.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)
RomanceClyde Cuevas story. Naranasan mo na bang magkagusto sa amo mo na masungit? Tunghayan ang kwento ng pag-ibig, na nagsasabing kayang mabago ng pag-ibig ang isang taong masungit.