Naalimpungatang kinusot ko ang aking mata, nagtataka man ay bigla akong napabangon, nararamdaman kong parang ang lambot nang hinihigaan ko, kasalukuyan kong inaninag ang paligid.Nagtataka man ay pilit kong inaalala ang nangyari sa akin, ang alam ko nasa trabaho ako kanina, at biglang sumakit ang aking ulo, nang mapansin kong nasa hospital bed pala ako, aalis na sana ako nang maramdaman kong may taong nakahawak sa kamay ko. Lumipat ang tingin ko kay nanay. Nagising naman ito nang maramdaman na gising na ako.
'Anak, mabuti naman at gising ka na, si nanay na pupungas pungas pa.
"Nay, ikaw ba ang nagdala sa akin dito.? Tanong niya sa ina na bakas parin ang pagtataka.
'Hindi ko alam anak, basta nalang may mga lalaking nakaitim na pumunta doon sa bahay at sinundo ako para ihatid dito, kinakabahan ako noong una. Pero nang malaman ko sa kanya na nasa ospital ka raw, sumama na ako anak.
Nagtataka man, pero imposible ang iniisip ko. Hindi naman ako nagtagal sa ospital. Pero palaisipan parin sa akin kung bakit ako napunta doon.
Bukas na bukas pwede na akong bumalik sa trabaho, iyon ang tugon nang doctor sa akin. Magpapahinga na muna ako ngayon para bukas ready na ako sa work.
Nasa sala ako ngayon kaharap ang t.v. pupunas-punas ako sa aking mata, paano ba naman naiiyak ako sa pinapanood ko. Love story kasi hindi ko lang alam kung anong title.
"Susmeryosep! Anak naman! Hindi ka artista kaya pwede ba, wag kang umiyak diyan!, naku!! tayo lang ang pinagloloko nang mga taong yan!! Si tita Mae na kapatid ni mama, at humithit nang sigarilyo.
"Eh sa naiiyak ako, nakanguso kong sagot dito. Napasulyap naman ito sa akin at kumindat, panigurado na naman akong manghihingi na naman ito nang pera.
"Joy! , may limang daan ka ba dyan, wag mo sabihin kay nanay mo ha! na nanghihingi ako sayo, alam mo na baka magalit pa sa akin iyon.
"Ano na naman gagawin mo sa pera tita, hayysss! , Ako.
"May utang kasi ako sa amega ko, hayaan mo babayaran kita pag nakasahod na ako.
"Whatever tita, wait lang kukuha lang ako, sabi ko dito, agad na umaaliwalas ang mukha nito, naiiling naman akong tumayo at tinungo ang aking kwarto, kumuha ako sa bag ko nang limang daan at lihim na ibinigay dito.
Lango sa alak ang tita mula nang mamatay ang aking pinsan, may heart disease kasi iyon, at na cardiac arrest, nang subukan naming dalhin sa ospital, ngunit kusang sumuko ang katawan nito.
Hindi na ako bumalik pa sa sala, bagkos ay pinuntahan ko si mama sa may taas nang veranda namin, lumapit ako dito, napansin naman nito ang presinsya ko at sumulyap sa akin, seryoso lang ang mukha nito habang abala sa paggagansilyo. Kung dati bag na maliit ang ginawa nito, ngayon naman ay lalagyan yata ng cellphone.
"Anak, wala ka ba talagang idea kung sino ang nagdala sayo sa ospital kanina? Si mama na nasa paggagantsilyo ang tingin.
Hanggang ngayon palaisipan parin sa akin iyon, assumming naman ako kung si sir Clyde iyon, eh mas para naman akong special non, lihim tuloy akong kinikilig. Hindi ko tuloy napansin ang pagngiti ko, tinampal naman ni nanay ang aking noo.
"Nay naman ! , angal ko dito.
"At anong ngingiti-ngiti mo diyan?, naku! Para ka tuloy timang diyan!, si nanay na kunwari nag-galitgalitan.
"May naaalala lang kasi ako nay, iyong boss kasi namin sobrang sungit, pero alam mo nay, sobrang gwapo pa! , bulalas ko kay mama.
"Naku!, wag kang mangarap nang gising Earljoy Guevarra, wika ng nanay sa buong pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)
RomanceClyde Cuevas story. Naranasan mo na bang magkagusto sa amo mo na masungit? Tunghayan ang kwento ng pag-ibig, na nagsasabing kayang mabago ng pag-ibig ang isang taong masungit.