Tumalima naman kami agad ni Maurine, nakasunod lang kami sa daddy nito, nakahawak ang munting kamay nito sa aking mga daliri.
Hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta. Pumasok na kami sa kotse nitong Aston Martine One, iba talaga pag mayaman.
Pumasok na kami ni Maurine sa loob, pinili ko na ang frontseat, naunang pumasok si Maurine pero lumipat lang ito sa backseat.
"I want it here titamommy! just stay right there lang po," saad nito at ngumiti ito ng napakatamis at nag-thumbs-up pa sa akin.
At sumunod na pumasok si Clyde, hayan na naman ang seryosong aura nito. Naiilang tuloy ako rito, pigil hiningang nakatitig lang ako sa harapan ng sasakyan.
Shit day! Ang bango ni Sir!! Ani ng kinikilig kong isipan.
"Fastened your seatbelt!" may diing turan nito, at natataranta naman akong tumalima sa sinabi nito. At saka ako nagpakawala ng malalim na hininga.
Napalingon ako kay Maurine, kunot noo naman akong napatingin rito, naglalaro ito ng ipad.
"Baby!" tawag ko rito, pansin ko naman na napalingon sa akin si Clyde,pero na kay Maurine ang atensyon ko ngayon.
"Yes po titamommy! Sagot nito na hindi man lang tumitingin sa akin.
"Minimize the brightness! it can damage your eyes baby". Malambing kong tugon rito, para kasing ang liwanag ng ipad nito.
Medyo malabo na kasi ang mga mata ko, kaya nakasalamin na ako lagi. Gawa ng mahilig rin ako sa gadgets noon at, ayaw kong mangyari din iyon sa bata.
Tumalima naman ito agad, napansin ko ang pasulyap-sulyap sa akin ni Clyde, ng aktong lilingon na ako, mabilis rin ang kilos nito na humarap sa harapan ng kotse.
Umayos ako ng upo at isinandal ang likod sa kotse nito, at saka huminga ng malalim, lihim akong naiilang sa mga sulyap ni Clyde sa akin. Gosh!
At saka nito pinaandar ang kotse, napalunok ako at minabuti ko na lamang na ibaling ang tingin sa labas ng bintana ng kotse.
Makalipas ang ilang minuto ay tinawag ako ni Maurine at lumipat ito sa aking kandungan, kasabay ng paghikab nito.
"I'm sleepy titamommy", nahihikab nitong saad.
"Sleep baby", sagot ko rito at kinandung ko ito sa aking kandungan, alam kong nakikiramdam lang sa amin si Clyde. At hindi naman nagtagal, ay nakapikit narin ang mga mata nito.
"Thank you for taking care of her," biglang tugon ni Clyde sa akin, na ikinagulat ko, napatingin tuloy ako rito, habang inaayos ko si Maurine sa aking kandungan.
"Masaya ako sa ginagawa ko", tugon ko rito at ibinaling ang tingin sa harapan. Medyo nalungkot rin ako, napamahal narin naman ako sa bata.
Narinig ko ang malalim nitong buntong hininga, napansin kong iniliko ni Clyde ang kotse nito sa private land ng mga Cuevas.
Maganda ang landscaping nang bawat nadadaanan namin, may dalawang security guard sa may gate, ibinaba ni Clyde ang bintana ng kotse, tumango lang siya sa mga guard, and the two guard's responded a salute to him.
Nakita ko ang zinnia flowers almost every color, except blue, na nakatanim sa nilalandscape sa may gilid ng nadadaanan namin, and I also saw marigolds flowers, maganda talaga ito itanim for landscaping.
Specially if sunny day, marigolds are easy to grow in sunny spots, its brightening, lalo na sa shades nito na kulay yellow, red and gold, as they bloom all the summer long.
At mas lalo akong namangha nang makita ang magandang mansion. Nakaramdam tuloy ako ng panliliit sa sarili. Hindi ko akalaing ganito pala kalaki ang bahay ng aking amo.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)
RomansaClyde Cuevas story. Naranasan mo na bang magkagusto sa amo mo na masungit? Tunghayan ang kwento ng pag-ibig, na nagsasabing kayang mabago ng pag-ibig ang isang taong masungit.