Kabanata 11

346 21 16
                                    

Kinuha ko ang white v-neck shirt at iniabot kay sir Clyde. Kinuha naman nito iyon, mula sa kama kinuha ko ang damit nito para isampay sa sampayan sa may maliit kong terasa.

Nang makabalik na ako, ay nagtataka ako ng hindi parin nito sinoot ang shirt na binigay ko. Napansin naman nito ang reaction ko.

"Basa pa kasi ang likod ko, pwede mo bang pakipunanasan. Pakiusap nito sa akin, medyo nabigla ako sa sinabi nito, ngunit lumapit na lamang ako rito at kinuha ang maliit na towel para punasan ito.

"The necklace, I wanted to see it, malumanay nitong saad. Iginala ko naman ang paningin sa kabuuan ng silid ko. Pero wala akong makita, isa pa, pagod narin ako.

"Sir, pwede bang ipagpabukas nalang natin iyon, usal ko sa pagod na boses. "Then, dito ako matutulog. Diretsang tugon nito na ikinabigla ko na talaga.

"Po?! Pero sir, mainit po rito. Saad ko rito na pilit iniiwas ang wag mapatingin sa mga abs nitong kaysaral haplusin. Shiitt!!!

"Titiisin ko nalang, saka ngayon lang naman ito. Seryosong wika nito. Mabuti nalang at may bakante pa akong comforter, kumot at unan.

"Okay lang po ba kung sa sahig nalang po kayo matutulog?! Alanganin kong tanong rito, pero infairness huh, hindi pala ito maarte.

"Anywhere, wika nito kasabay ng paghikab nito. Pinaupo ko muna ito sa kama at inayos ko ang hihigaan nito, inilatag ko agad ito sa babang gilid ng aking kama.

Nilagyan ko ito nang isang kumot, at tatlong unan. "Sige na po, matulog na po kayo sir. Mahinang usal ko rito. Ngumiti naman ito sa akin.

Lumapit naman ito doon at nahiga na. Kumuha ako ng damit pantulog sa aking kabinet, at tuwalya. Ng hindi sinasadyang nahulog sa sahig ang aking panty at bra. Matagal bago ko ito dinampot dahil alam kong nakikita ito ng panauhin ko.

Napayuko ako para kunin sana, ngunit may kamay ng naunang kumuha nito. Wala naman akong ibang kasama rito. Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi.

Kinuha ko ito na hindi tumitingin rito, ng hindi sinasadyang mabangga ako sa may kabinet at muntik ng mabuwal, mabuti nalang at napakapit ako sa hawakan nito.

"Tsk! Be careful! Here!! Si Clyde at hinarap ko ito, shitt! iwinawagayway ba naman sa mukha ko ang bra at panty ko. Pinukol ko ito ng masamang tingin at marahas na kinuha mula rito ang underwear at bra.

Kulang nalang takbuhin ko ang pintuan ng aking kwarto para makaalis na doon. Gosh!! Nakakahiya, omg!!!

"Its kinda cute. Saad nito bago pa man ako tuluyang lumabas. Nakasimangot akong bumaba sa baba para mag-washup.

Hindi ko na napansin pa si nanay, sa tingin ko ay natutulog narin siguro ito. Pumasok na ako sa banyo, hindi naman ako nagtagal at natapos na rin ako.

Maingat lang ang bawat yabag ko, baka kasi natulog na si sir Clyde. Dahan-dahang binuksan ko ang pintuan ng kwarto. At tama nga ako, nakatulog na nga ito.

At sumampa na ako sa kama, inayos ko muna ng higa si Maurine. I kissed her in her forehead, at kinumutan ito. Napasulyap naman ako sa may gilid ko, napangiti ako ng marinig ang hilik nito, nakanganga pa.

Humiga na rin ako sa aking kama at tumagilid paharap kay Maurine. Mag-ama nga talaga ang mga ito, pareho kasing nakanganga. Hinaplos ko ang buhok nito, ipinikit ko narin ang sariling mga mata, niyakap ko ang sariling unan at inamoy-amoy ko pa. At hanggang sa tuluyan na akong hilahin ng antok.

Nagising ako sa naramdamang gutom, nag-streching muna ako bago bumangon. Pupunas-punas pa ako at nagtanggal ng aking muta.

Tumagilid ako para masilayan ang mukha ni Maurine, nang wala na pala ito sa tabi ko. Napabalikwas ako ng bangon. Ng biglang masilaw ako sa liwanag ng araw na nagmumula sa aking bintana.

Napapikit ako at naitakip ko sa sariling braso ang aking mga mata. At saka ko lang napansin ang oras, 9:15am na pala.

Gosh! Nakalimutan ko palang i-on ang aking alarm clock. Saka ko lang naaalala na kasama ko pala kagabi ang aking amo na natulog dito.

Shit!! Late na ako, naisipan ko nalang na mag-halfday. Bumaba na ako sa baba, then I found Clyde wearing my snowhite apron, topless, OMG!!! 🙀🙀. Napasinghap ako ng mapagmasdan ang sexy nitong likod.

Gosh!! I saw Maurine at the dine table eating, katapat nito si nanay, at nailipat ng mga ito ang tingin sa akin ng maramdaman ang presensiya ko.

"Anak, mabuti naman at gising kana!! Masiglang wika ni nanay. "Morning titamommy! Bati ni Maurine sa akin na nakangiti. At doon na humarap si Clyde sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili sa pagkagat ng labi, naglandas ang mata ko sa mga abs nitong nagmamalaki at sa dibdib nitong malalapad. Napalunok ako ng wala sa oras.

"Anong gusto mong kainin? Agaw nito sa atensyon ko. "Ikaw!! Wala sa sariling sagot ko rito na ikinanoot nang ngiti nito. Narinig ko ang pag-ubo ni nanay at napatingin ako rito.

Saka lang ako natauhan sa sinabi. "Ay ano po—ka—kahit po ano sir. Saad ko rito na ikinainit ng dalawa kong pisngi na alam kong tiyak na namumula na.

Napansin ko ang nakakalokong ngiti ng aking amo. Habang naiiling at hinarap nitong muli ang niluluto. Dumulog na ako sa mesa katabi ni nanay.

Naramdaman kong kinurot ako ni nanay sa aking tagiliran, hindi ko iyon inaasahan at napahiyaw ako ng hiyaw na iba sa pandinig ko. Tinamapal naman akong muli ni nanay.

"Hindi kita pinalaking ganyan Joy"! Mahinang sita ni nanay sa akin. "What's wrong titamommy"?? Si Maurine na nagtataka, pati rin si Clyde ay napatingin na sa gawi ko.

"Ano—sumakit lang ang tiyan ko. Pagsisinungaling ko. Sapo ko ang aking tagiliran. "Sir, looks like my mom are hungry! Tugon nito kay Clyde.

"Baby! I'm fine, hayaan mo na si Sir Clyde", malambing kong saad sa bata na muli ay hinarap ang pagkain.

Nilagyan ni Clyde ng isang bacon at hotdog ang plato kong walang laman,
Gosh! Joy, may bisita bang ginawang kusinero? At isa pa huh, amo mo pa??!
Shocks!! Reklamo ng baliw kong utak.

"Sa—salamat sir, medyo nauutal kong sabi rito at kumuha ng kanin at nilagyan ko ang sariling plato, wala sa sariling mabilis na tinusok ko ng aking tinidor ang aking hotdog at mabilis na kinagat ito.

"Aray ko po, ang init?!" hiyaw ko at kinagat ang pang-ibabang labi, napunta ang atensyon ng lahat sa akin.

"Alam mong mainit pero sinubo mo naman, naku! talagang itong batang ito Oo!" si nanay na pakamot-kamot sa sarili nitong ulo. Nakangisi lang si Maurine na nasa tapat ko.

Nang maiangat ko ang tingin ko, I saw's Clyde face expression, shit! Ang gwapo mo talaga sir! Tili ng utak ko na animoy kinikilig pa. Nakangisi lang naman ito sa akin at naiiling sa reaction ko.




Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon