Mula sa taxi, inalalayan kong bumaba si Maurine, agad akong nagbayad sa taxi driver bago kami lumisan. Halata sa mukha nito ang excitement na makita ang ama.
Nakangiti itong napasulyap sa akin, ngumiti lang ako nang tipid rito, sa totoo lang abot-abot ang aking kaba, ang munting kamay nito ay mahigpit na nakakapit sa akin.
"Titamommy, I'm nervous. Tugon nito sa akin, humigpit ang kapit ko sa mga kamay nito na waring pinapalakas ko ang loob nito. "Me too baby, but all we have to do is to trust one another, I know we can make it. Saad ko rito, at humugot ako nang malalim na buntong hininga. At pumasok na kami sa building.
Nasa bungad pa man lang kami nang entrance, ramdam ko na ang mga mapanghusgang tingin ng mga ka-empleyado ko. Kunot-noong napatingin ang guard sa amin.
Ngumiti ako sa guard, "Mang Leo, si Maurine po, wala po kasing magbabantay sa kanya sa bahay kaya dinala ko nalang muna. Sana pumayag po kayong makapasok siya. Malumanay kong saad rito.
"Please manong guard, I'd promise I will behave. Si Maurine na tinaas pa nito ang kanang kamay na waring nanunumpa.
Napakamot nalang sa ulo ang guard at napatingin sa akin. "Joy, sagutin mo na iyan ha, naku kailangan mo iyang bantayan. Alam mo naman ang boss natin—, hindi ko na pinatapos ang ano pa mang sasabihin nito, baka matakot pa si Maurine pag nalaman nito ang ugali ng ama. "Okay po, wag po kayong mag-aalala. Halika na baby, basta ha, behave ka lang. Saad ko kay Maurine, tatango-tango lang ito na may sumilay na ngiti sa mga labi nito.
Mabuti nalang at wala pang gaanong tao sa building na ipinagpasalamat ko.Pumasok na kami sa elevator, kanina ko pa napapansin ang namamangha nitong mukha. "Titamommy, is this dad's building? Is he the owner? Tanong nito sa akin. "His family company baby, sagot ko rito.
"Wow, I'm so excited to meet them too titamommy, magiliw nitong saad, nanlulumo naman ako, dahil hanggang ngayon hindi ko pa alam kung papaano ko ito ipapakilala sa ama nito, kung saan ako mag-uumpisa. At saka ko lang naaalala ang kwintas nito.
Napatingin ako sa leeg nito, nang hindi ko makita ang kwintas nito, "Baby, where's your necklace? Tanong ko rito. Kinapa naman nito ang sariling leeg, "Oh no!! Titamommy!! Malakas na hiyaw nito. Inalo ko naman agad ito dahil parang iiyak ito.
"Hey, its okay, baka naiwan mo lang doon sa kwarto ko. "I'm so sorry titamommy, for being so careless. Nakanguso nitong wika. "Don't say that, your just forgot it, so don't blame yourself, alright?? Paliwanag ko rito at hinawakan ang baba nito para magtagpo ang aming tingin."Thank you titamommy! I love you!! Nakangiting tugon nito, sabay yakap sa akin. Napayakap naman ako rito, bahala na si superman sa anoman ang mangyayari ngayong araw. Pagkarating namin sa tamang floor, palinga-linga lang si Maurine. At hanggang sa makarating kami sa opisina ni Sir Clyde.
Pinaupo ko muna si Maurine sa aking swivel chair, binigyan ko ito ng papel at ballpen, para naman hindi ito maboring. Nakangiti naman nitong tinanggap iyon.
At muli ay ginawa ko na ang aking routine everymorning, medyo kabado rin dahil tiyak akong sisitahin ako nang boss ko. Ang ipinag-aalala ko lang ay wag naman sana itong magsungit para hindi ito ma bad shot sa sariling anak.
Inayos ko ang mga munting kalat sa mesa nito, mga nilumukot na papel ay itinapon ko na sa trashbin. At inarrange ang mga gamit nito. Muli ay nangingiti akong napasulyap kay Maurine. At kinuha ko ang maliit na mesa at upuan na nasa likod ng cr.
Tinawag ko si Maurine para lumipat sa maliit na upuan na kinuha ko kanina, tumalima naman ito agad at umupo roon. Mabilis ang kilos ko na lumapit sa aking mesa at ini-on ang sariling computer. Napasulyap ako sa orasan sa dingding 8:15am na pala.
Hinarap ko na ang aking trabaho, ngunit hindi parin nawawala ang kabang nadarama. Muli ay napapikit ako at napahilot sa aking sentido. Nang may biglang kamay na humawak sa aking braso at bigla ay napadilat ako.
"Is there something wrong titamommy?! Si Maurine, na touch tuloy ako at napangiti rito. "Oh baby, don't mind me, just continue what your doing, I'm okay! Sige na, taboy ko rito. "Titamommy are you sure youre okay? Nag-aalalang tanong nito sa akin. "I am baby. "Alright! Sagot nito at muli ay bumalik sa ginagawa nito. Hinarap ko naman ang aking trabaho.
"Baby, alam mo naman siguro na hindi natin matutuloy ang pagpapakilala sa dad mo. Baling ko ritong muli. "Okay lang po, I understand, saad nito sa akin.
Makalipas ang ilang oras, ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Dirediretso lang ang lakad ni Sir Clyde, hindi tuloy nito napansin si Maurine. Seryoso ang aura nito, pasulyap-sulyap lang ako dito, sa totoo lang kanina pa ako kinakabahan. Tumayo si Maurine at biglang nagtago sa likod ko. Inalo ko naman agad ito. At doon na napaangat ng tingin si Sir Clyde sa amin. Kunot-noo itong nakatingin sa aming dalawa ni Maurine. Tumigas ang aura nito, lalo tuloy natakot ang bata sa may gilid ko, agad ko naman itong binulungan, "He is your father, don't be scared baby.
Napansin ko ang ningning sa mata ng bata, na para bang nakapag-asa ito na sa wakas nakilala na nito ang ama. Nakaramdam tuloy ako ng awa rito at mabilis ko itong ikinulong sa aking mga bisig. "Sir, pasensiya na po, hindi naman po siya manggugulo. Malumanay kong sabi sa boss kong hanggang ngayon ay nakakunot-noo parin."I'll promise sir that I'll behave, please don't get mad at my titamommy. Sumamo nito sa ama nito, gulat akong napatingin rito at napahigpit ang hawak rito. Ngumiti lang ito sa akin.
Nang lumipat ang tingin ko sa aking boss, napaawang ang bibig nito na nakatiim kanina. "May anak ka na?!! Bulalas nito. "Po—? Ano po—kasi, nauutal kong wika, wala akong maisip na sasabihin rito, bigla akong na blangko. "She's my mom, putol ni Maurine sa sasabihin ko pa sana sa aking boss, napatingin ako rito at nangingiting kumindat lang ito sa akin. Lihim tuloy akong naiiling rito, may pagkapilya rin pala ang batang ito. "Oh really?!! Sagot ni Sir Clyde na tila hindi kumbinsido sa sagot ng bata. "Don't you believe me sir?! Wika naman ni Maurine na napa crossed arms pa. "But why don't you look like her? Si sir Clyde ulit. "My resemblance ay namana ko sa dad ko, that's simple. Napatikwas pa ang kilay nito na animo'y boss, lihim tuloy akong napangiti sa sagutan ng mag-ama. Now I know, her attitude ay namana sa ama.
"Still I don't convinced Ms?, may I know your name? Si Clyde ulit. "I don't know you well, why should I tell you my name?! Napairap na wika ni Maurine dito, naaaliw na tuloy ako sa encounter ng dalawang ito, I've never expected this, kung alam mo lang sir Clyde, na ang nasa harapan mo ngayon ay ang anak mo.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)
RomansaClyde Cuevas story. Naranasan mo na bang magkagusto sa amo mo na masungit? Tunghayan ang kwento ng pag-ibig, na nagsasabing kayang mabago ng pag-ibig ang isang taong masungit.