Lunchbreak na sa wakas, laking pasalamat ko at absent si Sir Clyde, hayyss, mabuti naman maganda ang unang araw ko, walang nagsesermon sa akin.
Tulad nang dati nauna parin akong naupo sa may gilid. Nanghingi ulit ako ng sabaw ng tinola, mabuti nalang at okay lang kay Aling Minda. May baon naman akong ulam dito, pero gusto ko paring iyong may mahihigop na mainit na sabaw.
Inilabas ko na ang aking baon nang may mapansin akong mas may nauna pa sa aking naglapag ng baonan. Iniangat ko ang tingin at napatitig ako sa dalawang tao, ang nakangiting mukha nina Mia at Clara. Umismid ako sa mga ito. At hinarap muli ang sariling pagkain.
"Hmmm—akala mo sissy makatakas ka sa amin, si Mia at napataas pa ang kaliwang kilay nito.
Umupo ito sa may gilid ko sa may kanan, at si Clara naman ay nasa gawing kaliwa. "Open up please Joy, si Clara na parang baliw na nakatunghay sa akin.
Napakunot-noo ako sa mga ito. "Kayo bang dalawa hindi ko kayo titigilan?, pwede ba guys, tigil-tigilan niyo akong dalawa ha, pinandilatan ko ang dalawa nang aking mata.
Hinampas naman ni Mia ang kaliwang braso ko, "Wala ka ba talagang alam girl??, oh pretending ka lang talaga??, napangiwi nitong sabi.
Binatukan ko tuloy ito. "Aray naman!!hiyaw nito."Ako malapit nang mainis, diretsahin niyo nga ako, ano ba talaga iyang pinagsasabi niyo.??
"Oh come on Joy! Si Clara."Kung sa bagay..si Mia na parang may iniisip. "Ayy!!!—Oo—tama!! Tulog ka pala non, so meaning hindi mo talaga alam!!
Napakamot ako sa batok sa sinabi ni Mia, Kinurot ko na sa tagiliran ito dahil sa tagal nitong dugtungan ang sinasabi.
"Ouch!! Grabe siya oh!!
Hi guys!!, si Tina na nag-wave pa ang lukaret, umupo ito sa katapat ko at hinampas ako.
"Joy ha, bakit hindi mo naman sinabi na close na pala kayo ni Sir Clyde. Dire-diretso nitong sabi na parang wala lang dito ang sinasabi nito.
Nakakunot ang noo ko at napa 0, sabay takip nang bibig ko ng dalawa kong kamay, at doon ko na gets ang ibig nilang sabihin, biglang nag-init ang dalawa kong mukha, palagay kong namumula na ako sa hiya sa nalaman ko.
"Namula ka girl!!, puna ni Clara.
"Totoo nga, close na kayo ni sir??,malakas na sambit ni Mia na napatayo pa ang loka-loka, agad naman itong hinatak paupo ni Tina habang nakatakip ang kamay nito sa bibig ni Mia."Quiet, guys. Wala talaga akong alam diyan. Tanggi ko sa mga ito.
Napasulyap ako sa mga taong nandoon, lahat ng tingin ay napako sa amin, ang iba ay napataas pa ang kilay sa akin.Sus!! hayaan mo iyan girl, inggit lang sila, ikaw ba naman ang buhatin ng isang Clyde Cuevas, siguro ang sarap non sa pakiramdam, si Clara na parang nangangarap pa.
Sinipa ko ito na aking paa, napatingin naman ito sa akin na nagtataka.
"Ano?, reklamo nito.
"Malapit na matapos ang breaktime, dalian natin, baka bigla nalang iyong sumulpot ang boss nating sumpungin, maganda pa naman ang araw ko ngayon dahil walang nanenermon sa akin. Mahaba kong litanya."Yes madam! Magkasabay na tugon ng tatlo, hinarap na namin ang aming pagkain at tahimik na kumakain, para pa namang magic ang orasan, napakabilis umikot. Nauna nang umalis si Tina dahil may tatapusin pa raw ito, hindi naman kami nagtagal tatlo, at sabay na tumayo para bumalik sa trabahong iniwanan namin kapwa.
Dumaan muna ako sa comfort room, nauna na bale ang dalawa sa akin, since absent naman si Sir Clyde, okay lang naman siguro kung ma late ako ng kunti. Sinipat ko ang sarili sa salamin, naghugas ako ng kamay at mabilis na nag-retouch ako nang aking make-up, pagkatapos ay napagdesisyonan ko ring bumalik na sa aking table, nang mapansin ko si Sir Dwayne.
"Sir, goodafternoon po! Nakangiti kong bati dito. Agad naman itong lumapit sa akin at tulad ko ay nakangiti rin. "Oh! Joy, nice to see you again, same here!, well, ahm—are you vacant mamaya?, lihim na naman akong kinikilig dito, nag-init bigla ang aking pisngi. "Po, Ano—ahm hindi ko po kasi alam kung kailan ko matatapos ang enedit ko sir eh—.
Naiilang kong sagot dito.
"Is it okay with you, kung hingin ko ang # mo?, yay!! Naman sir Dwayne 😍😍." O—opo okay lang po, medyo kandautal kong tugon dito. Lumapad ang pagkakangiti nito, agad na kinuha nito ang sariling cellphone mula sa likod ng pantalon at tina-type ang mobile # ko."Thanks Ms. Joy!, I need to go, see yah! Tugon nito sabay kindat sa akin. Ang gwafho te, kita and magkabilang dimple naku naman!!! Kilig much!! .
Nakangiting naglalakad ako patungo sa aking mesa, pakanta-kanta pa ako.I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
You'll feel this feelin I have inside"Aba-aba!!, tahimik niyo ah!!, pukaw ko sa dalawang seryoso ang tingin sa mga ginagawa nito, pinandilatan lang ako ng dalawa. Binelatan ko naman ang mga ito. "Quiet, hush—, si Mia na nilagay pa ang hintuturo sa mga labi nitong nakanguso. Agad na kumuha ako nang scratch paper at nilamukos ito, ibabato ko sana ito kay Mia ng biglang bumukas ang pintuan ni Sir Clyde, at sapol sa ulo nito ang papel na ibinato ko, "lagot ka!! Patay na!! Ani ng isip ko, napayuko ako agad at mabilis na hinarap ang sariling computer.
"Ms Guevarra! In my office!! Madiing sabi nito na ikinagulat naming tatlo, at isinirado ang pintuan ng office nito, masyadong malakas ang pagkasarado ng pintuan nito. "patay ka na Joy, eh kasi naman, akala ko ba absent ang masungit na ito?
"Girl, goodluck nalang, ikaw naman kasi. Si Mia na natatakot para sa akin.
"Bakit mo naman kasi ginawa iyon bruha ka! Mahinang saad ni Clara na bakas sa mukha ang pagaalala sa akin."Malay ko bang siya ang matamaan ko noh, para kay Mia naman talaga iyon.
Kinakabahang nakaharap ako ngayon sa pintuan ni Sir Clyde, abot-abot ang kabang nararamdaman ko, huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa loob.Nanginginig kapwa ang dalawa kong tuhod, nakayuko akong lumapit dito. "How are you?! Instead, tanong nito sa kanya sa malumanay na boses, parang nabunutan ako nang tinik sa tanong nito, marahas akong napabuga nang hangin, at humarap dito.
"O—ookay na po ako sir, nauutal kong sagot dito. Salamat po pala, nabalitaan ko pong kayo ang nagdala sa akin sa ospital. Sir, sorry po talaga kanina, hindi na po mauulit. Sunodsunod kong pakiusap dito.
Matiim lang itong nakatitig sa akin, na waring naninimbang, seryoso parin ang mukha nito, hays! kaylan kaya kitang makikitang nakangiti may handsome sir Clyde. Ani nang baliw ko na namang isip.
"Ipagtimpa mo na ako nang kape, utos nito sa akin at agad naman akong tumalima, halos liparin ko ang pintuan palabas makaalis lang agad sa kintatayuan ko.
Maingat na isinara ko ang pintuan habang sapo ang dibdib. Wew!!!
"Girl okay ka lang?, si Mia at lumapit pa sa akin."Anong sabi daw Joy?, si Clara. Imbes na sagutin ang dalawa, dumiretso ako sa may dirty kichen nang opisina at ipinagtimpla nang kape ang boss kong himala ay hindi nagsungit, muntik na ako doon, mabuti nalang good mood si sir, naku kung hindi baka sinigawan na ako noon tulad nang dati.
Nakahinga narin ako sa wakas nang maluwag at agad na hinatid ang tinimpla kong kape para rito.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)
Roman d'amourClyde Cuevas story. Naranasan mo na bang magkagusto sa amo mo na masungit? Tunghayan ang kwento ng pag-ibig, na nagsasabing kayang mabago ng pag-ibig ang isang taong masungit.