Kabanata 5

414 32 13
                                    

Dahil nga bigla nalang nawala na parang bula ang matandang kasama nito, wala akong choice kundi dalhin ito sa bahay. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala.

Na anak nga ito nang masungit kong boss, kasama ko ito ngayon sakay nang taxi pauwi sa amin, tiyak na magtataka si nanay pag nakita nito ang batang kasama ko, tahimik lang ito habang nakatingin sa bintana nang taxi.

Hinaplos ko ang mahaba nitong buhok, napalingon naman ito sa akin, base sa obserbasyon ko, lumaki ito sa may kayang pamilya, halata sa kutis nitong makinis at mamula-mula. "Titamommy, I forot to tell you my name, I'm Maurine Rose by the way, kapagkuwan ay sabi nito sa akin, inilapit ko ito sa akin at niyakap, Ngumiti ako ditong muli, ganon rin ito sa akin. Naramdaman ko ang munting braso nito na umakap sa akin, it feel so good, ang gaan nang pakiramdam ko dito.

Maya-maya ay huminto ang taxi na aming sinakyan, tanda na nakarating na kami sa aming bahay, inalalayan kong makababa si Maurine, iginala nito ang tingin sa paligid. Agad na nag-abot ako nang bayad sa driver nang taxing sinakyan namin. Maingat na hinawakan ko ito sa kabilang braso nito at iginiya. I open our small gate, at pumasok kami kapwa doon, mula sa loob nang bahay lumabas si nanay na nakakunot ang noo. Nagtataka itong napatingin sa amin ni Maurine, mabilis na lumapit kami dito, nagmano ako kay nanay, ganon rin si Maurine na kapwa kami man ni nanay ay nagulat, napatingin si nanay sa akin at pinukol ako nang nagtatanong na tingin, tumikhim muna ako bago nagsalita, "Nay, si Maurine, ano—ahm, nakita ko sa may kalsada, naawa ako kaya dinala ko na, mamaya nay, sasabihin ko sayo ang detalye, pagog kong turan dito. Tahimik lang ang bata, sumusunod lang ito sa akin, "Baby, are you hungry?, malambing tanong ko dito, "Opo titamommy, pero nahihiya po akong sabihin sa inyo kanina, tugon naman nito sa akin at yumuko, lihim naman akong nagpasalamat nang magsalita ito nang tagalog. Dinala ko ito sa kusina at pinaghanda nang pagkain, "Kumain ka muna ha baby girl, magbibihis lang si titamommy mo, sabi ko dito at nakangiting iniwan ito doon. Mabilis ang kilos ko at umakyat na sa taas, tinungo ko ang sariling kwarto, mabilis ang bawat kilos ko, naligo muna ako bago bumabang muli, nadatnan ko si nanay na nanonood nang tv kasama si Maurine, mukhang nag-eenjoy naman ito sa bata. Napasulyap naman ito sa gawi ko, at sumenyas akong kakain lang muna, tango lang ang naging tugon nito, mabilis na dumulog ako sa hapag, wala naman talaga akong ganang kumain, pero pinilit ko lang maskin man lang magkalaman nang kaunti ang aking tiyan.

Pagbalik ko sa sala, nakatulog na sa sofa si Maurine habang si nanay naman ay inaantok na hinahaplos-haplos ang buhok nang bata, lumapit ako dito at umupo sa katapat na sofa, "Nay, ako na diyan, matulog na po kayo. Tugon ko dito. Napatitig naman ito sa akin. "Kaninong anak ito Joy, mabait, makulit at bibo na bata. Wika ni nanay na may ngiti ang mga labi. Naaalala kita sa kanya, noong maliit ka pa. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni nanay at pinisil ang mga ito, thank you nay, sa pag-aalaga sa akin.
"Anak po siya ni Sir Clyde, kukumpirmahin ko pa po iyan bukas nay. "Oh siya! Mauna na ako anak, inaantok narin ako. Wika nito na napahikab pa, humalik muna ako sa pisngi nito bago ito tumalikod. Napatingin ako kay Maurine, napaka cute talaga nito, hinaplos-haplos ko ang buhok nito, at maingat na binuhat, medyo mabigat rin pala ito, but I manage to carry her in my arms, her tiny hands hold my arms, napapangiti ako dito. Dinala ko ito sa aking silid at doon ito pinatulog.

Alarm ring:
Napamulagat ako, bumalikwas ako nang bangon, nang may parang nakadagan sa aking bewang, napalingon ako dito, at saka ko naalalang hindi pala ako nag-iisa ngayon sa aking kwarto, may kasama pa pala akong bata kahapon, claiming that she's the daughter of our strict boss. Mahimbing parin ang tulog nito, inayos ko ito sa pagkakahiga, at kinumutan ito. Tumayo na ako mula sa kama at tinungo ang banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis narin ako, tulog parin si Maurine, inayos ko ang kumot nito, at hinaplos ang buhok nito, hinalikan ko muna ito sa noo bago ako bumaba para mag-agahan. Nadatnan ko si nanay na kasalukuyang nagkakape, "Morning nay! bati ko rito at bumati rin ito sa akin, dumiretso nalang din ako sa mesa, nakahanda na ang aking agahan, magana akong kumain, "Anak, paano kung hindi maniniwala ang boss mo niyan, na anak nga niya iyang batang kasama mo??. "Maniniwala iyon nay, may soot na soot na kwintas si Maurine, iyon lang kasi ang tanging patunay na anak po niya si Maurine. "Pero paano kung ipa DNA test nila ang bata, at hindi mag-match anak. "Nay naman, wag naman po kayong mag-isip nang ganon, hindi naman po siguro. "Pero paano nga anak. "Eh di tayo po ang kukupkop kay Maurine nay, nakangiti kong saad kay nanay, napangiti rin ito at naiiling na lamang. Itinoon kong muli ang atensyon sa kinakain, mabilis ang bawat kilos ko, nagtoothbrush na ako at maya-maya ay pumanhik ulit ako sa aking kwarto para mag-soot nang office uniform. Tulog parin si Maurine, isasama ko sana ito, pero ayaw ko namang maistorbo ang tulog nito. Hinayaan ko muna ito, at mabilis na nilisan ang aking kwarto, ibinilin ko nalang kay nanay ang bata, at dali-daling lumabas nang bahay at nagpara nang taxi, medyo mala-late yata ako nito. Mabuti nalang at huminto agad ang taxi, at nagmamadaling pumasok rito at sinabi ko dito ang address nang kompanyang pinagtatrabahoan ko. Mabilis naman itong pinatakbo nang driver. Pagkarating na pagkarating ko ay nagbayad muna ako sa mamang driver. Umibis agad ako mula sa taxi at dali-daling pumasok sa loob nang building. Bumati ang guard sa akin ngiti lang ang naging tugon ko dito, diretso lang ang aking lakad, hanggang sa makarating ako sa aking table, nagtataka naman akong napatingin, wala ang aking table sa kinalalagyan nito. Tahimik lang sina Mia At Clara pagdating ko. "Mia, Clara, nasaan ang mesa ko dito??, tinuro lang nang dalawa ang opisina ni sir Clyde, at sumenyas na huwag daw akong maingay, tumahimik naman ako agad. Humugot muna ako nang malalim na hininga bago kumatok sa opisina ni sir Clyde. "Pasok!! Sabi nito, nakatutok lang ito sa mga folder na nasa harapan nito. Iginala ko ang aking paningin at nakita ko ang aking mesa na nasa katapat nang mesa nito. "Sir, goodmorning po!! Bati ko rito, saka lang ito nag-angat nang tingin sa akin. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi nang magtagpo ang aming tingin. Nakatitig lang ito sa akin, maya-maya ay bumaba ang tingin nito sa aking mga labi, at agad rin itong umiwas at nakita ko pa kung paano ikinuyom nito ang dalawang kamao."Simula ngayon, dito kana sa office ko, nandito narin lahat nang mga gamit mo.Ipinaayos ko iyan kanina."Opo sir, bagkus ay sagot ko.
Kahit naiilang man, ay lumapit na ako sa aking mesa at sinimulan na ang trabaho. Pasulyap-sulyap lang ako sa boss ko ngayon na nakakunot ang noo. Akmang titingin ito sa akin ngunit mabilis ko namang iniiwas ang tingin dito, kinakabahang napayuko ako, kunwari may sinusulat ako.  Ramdam ko ang titig na ipinukol nito sa akin.

Hi reader's happy reading, pls don't forget to leave some comments and votes thank you!!

Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon