Mula sa taxi bumaba na ako, sinalubong agad ako ni nanay, "Anak, mabuti naman at nakauwi kana, iyong alaga mo nagtatampo sa iyo. Saka nga pala anak, ang dalawang kapatid mo nagtext, nakuha na daw nila iyong pinadala mong pera. "Mano po nay, mabuti naman po kung ganoon, nasaan po si Maurine nay. "Nandoon sa kwarto mo, ikaw na ang bahalang kumausap non, hindi pa nga iyan kumakain nang hapunan, hihintayin ka raw. "Sige po nay, salamat po. At dali-daling pumanik sa aking kwarto, nadatnan ko doon si Maurine na nakatunghay lang sa bintana. Lumapit ako dito, pero bago pa man ako makalapit nagsalita ito, "Titamommy, bakit hindi niyo po ako ginising, nagtatampo po tuloy ako sa inyo. Nagtatampong turan nito sa akin, agad na lumapit ako dito nang tuluyan, umupo ako sa aking kama para magpantay ang aming mukha. Hinaplos ko ang buhok nito at ngumiti, "Can you forgive me baby?, I'm sorry, ayaw ko lang maistorbo ang tulog nang baby ko, malambing sagot ko dito. Ngumuso lang ito at yumakap sa akin. "Pwede po ba akong sumama sa inyo bukas? "Hmmm-well kung maaga kang matulog makakasama ka, kung matagal kang matulog, siyempre matagal ka ring makabangon nang maaga, expected na hindi ka makakasama sa akin. Tsaka ayaw nang daddy mo na nala-late kami. Saad ko dito, nakikinig lang ito sa akin, kinurot ko ang mukha nito nang mahina, nanggigigil kasi ako rito. "Titamommy I'm so hungry na, gusto kong kasabay kang kumain, wag ka sanang magagalit kay nanay. Sumamo nito sa akin, "Of course baby, hindi naman ganoon si titamommy, lets go! Saad ko dito at binuhat ko nalang ito, nasa five years old na yata itong si Maurine. Pagdating namin sa hagdan, nagpababa na ito sa akin, dahil daw naaawa siya sa akin, masyado na daw kasi siyang mabigat, at magkasabay na kaming kumain nang hapunan.
Sinusubuan ko ito habang kumakain kami, napapangiti ako sa tuwing nadudumihan ang mukha nito, "Titamommy si daddy ba single pa? tanong nito sa akin, "Hindi ko rin alam baby eh, saad ko dito. "Gusto ko po sana ikaw ang maging mommy ko. Naibuga ko ang aking iniinom na tubig sa sinabi nito, "Careful titamommy, saad nito at parang malaking tao kung umasta at hinagod ang aking likod nito. Tipid lang akong ngumiti rito. Pagkatapos naming kumain ay, nagligpit narin ako nang aming pinagkainan, naaaliw ako rito dahil sa napakabait nitong bata, tinulungan pa ako nitong magligpit nang mga plato sa mesa."Ako nalang baby, mabuti pa ganito nalang, mauna kana sa banyo at magwash-up kana, ano sa tingin mo, para after ko dito susunod ako sayo. Saad ko dito, nakangiti itong nakatitig sa akin. "Pero titamommy, I don't even have some clothes here. Napanguso nitong sagot sa akin, pinanggigilan kong pisilin ang ilong nito na ikinatawa naman nito. "I bought you some kanina, just check it, nasa paper bag, sa may bedside table. Manghang napatitig ito sa akin at napayakap sa akin, "Really po!! Wow, thank you po nang marami. Niyakap muna ako nito bago ito tumalikod sa akin. "Be careful, wag kang tumakbo. Bilin ko rito at nakangiting sinusundan na lamang ito nang tingin.
Tinapos ko na ang mga hugasin, at lumapit ako sa banyo para ihanda sa pagwawash-up kay Maurine. Makalipas ang ilang minuto, narinig ko ang matinis nitong boses na tinatawag ang aking pangalan, napalingon naman ako rito, at bakas sa mukha nito ang kasiyahan. "I've found it titamommy, i like it po, thank you po titmommy, I saw the others too, nakangiti parin nitong saad sa akin. "Come baby, lilinisan na kita, para makatulog narin tayo. sabi ko rito, mabilis ang kilos na nililinisan ko ang katawan nito, naaaliw na talaga ako rito. Makakamiss talaga ang batang ito kung sakaling malayo man ito sa akin. Sinabonan ko nang maigi ang katawan nito. Hanggang sa kapwa kami naglalaro nang bula.
Hindi naman kami nagtagal, at natapos ko na rin ang pagsasabon si Maurine, binanlawan ko na rin ang katawan nito at pagkatapos ay tinuyo ang katawan nito nang tuwalya. Kinarga ko nalang ito dahil tingin ko ay parang inaantok na rin kasi ito.
Nahihikab narin ako, habang binibihisan si Maurine, "Titamom-I'm sleepy. Inaantok nitong turan sa akin. Inayos ko muna ang damit nito, saka ko inalalayang mahiga sa kama. Inayos ko ang kumot nito. I kissed her in her cheeks before I leave.
Mabilis ang kilos ko na nag-wash-up, tila wisik wisik na lang yata ang ginawa ko, at mabilis na binalot ang katawan nang aking roba, tahimik na sa labas, sumilip muna ako sa labas nang aming bahay. At pinatay ang ilaw sa sala, saka pumanhik na sa taas.
Lumapit ako sa aking kabinet at kumuha doon nang pampatulog na damit. Pagkatapos ay lumapit sa kama, hinaplos ko ang buhok ni Maurine, napakahimbing nang tulog nito. Papaano ko kaya uumpisahan ang pagpapakilala nito kay boss. Tumabi na ako rito at nilagyan nang malalaking unan ang gilid nito, tumagilid ako nang higa paharap dito, nakatitig lang ako sa magandang mukha nang aking katabi, her beauty is like a royal princess. Ang matangos nitong ilong na bumabagay sa maliit nitong mukha.
At ang natural nitong buhok na hindi ko mawari na may pinaghalong brown at gold. Napakakinis nito, na mahihiya ang mga lamok na kumagat rito. Natitiyak kong maraming manliligaw ito, pagdating nang araw na magdadalaga ito, napaka-artistahin nga kong mapapansin ang maamo nitong mukha. Napakaganda siguro nang mommy nito. Bigla tuloy ako nakaramdam nang inggit. Naiiling na lamang ako at sinubukang ipikit ang sariling mga mata, ngunit mailap yata ang antok sa akin. Muli ay bumangon ako, bumaba ako at pumunta nang kusina, feel ko ring nauuhaw yata ako, tinungo ko ang ref, at kumuha nang malamig na tubig. Inilapag ko ito sa mesa at umupo ako sa upuan. Hindi ko talaga alam kong papaano ko e-introduce si Maurine sa ama nito. Tiyak akong magugulat ko ang boss ko nito. Nagpakawala ako nang malalim na hininga at muli ay uminom ako nang tubig mula sa aking baso.
At hanggang sa nagpasya narin akong bumalik sa taas para matulog, maaga pa naman kami bukas ni Maurine, sana lang papasukin kami nang guard bahala na nga siguro si batman.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)
RomanceClyde Cuevas story. Naranasan mo na bang magkagusto sa amo mo na masungit? Tunghayan ang kwento ng pag-ibig, na nagsasabing kayang mabago ng pag-ibig ang isang taong masungit.