Maaga akong gumising, alas singko pa lang ay gising na ako, naligo muna ako bago bumaba para magluto, pagkatapos ay tinungo ko na ang kusina para makapagluto na, hindi naman mahirap sa kanin, dahil rice cooker ang gamit namin. Mabilis ang bawat kilos ko, nagtimpla muna ako nang kape bago nagluto nang ulam. Itlog at beefloaf ang niluto kong ulam, napasulyap akong muli sa orasang nakasabit sa dingding alas sais medya na, hindi ko man lang napansin ang oras. Hindi naman nagtagal ay natapos na rin ako sa pagluluto, inayos ko na ang mesa at dumulog na para mag-agahan. Sakto namang bumaba si nanay. Nagtataka itong napatingin sa akin. "Ang aga mo naman yata anak. Takang tanong nito. "Maaga po kasi akong nagising nay. Sagot ko naman dito. Lumapit si nanay sa gawi ko at dumiretso sa lalagyan nang mga kape para magtimpla. "Nakatulog ka ba nang maayos anak. Kapagkuwan ay tanong nito sa akin. Napalingon naman ako dito at pilit na ngumiti para hindi mahalata ang biglang pagbundol nang pangamba sa aking puso, naalala ko kasing bigla ang nangyari kahapon. Ipinilig ko ang sariling ulo at hinarap muli ang pagkain. "Okay lang naman nay. Pagkatapos ay sagot ko dito. Matapos kong kumain ay tumayo na ako para hugasan ang pinggang pinagkainan, nagsepilyo na ako at mabilis ang kilos na humalik sa pisngi ni nanay. " Bihis na ako nay. Paalam ko dito at isang tango lang ang naging tugon nito sa akin.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kwarto ay napasandal ako sa sariling pinto at pumikit at nagpakawala nang marahas na hininga. Dinilat ko ang aking mata at tinungo ang nakahanger na uniform at sinoot ito. Humarap ako sa sariling salamin at sinuklay ang mahaba kong buhok, itinali ko ito at naglagay nang light make-up sa mukha. Inayos ko ang sariling uniform, pinasadahan ko ito nang aking palad at umikot-ikot sa salamin. 5'4 lang ang height ko, so kailangan kong magsoot nang 3inches na office shoes. Hanggang hita lang ang kulay darkblue kong miniskirts. Nang una naiilang akong magsoot nang ganito, pero kalaunan ay nasanay nalang rin naman ako. Walang problema hindi naman ako makikitaan dahil may cycling akong soot. Kinuha ko ang aking bag at isinukbit sa balikat. Bumaba na ako para magpaalam kay nanay. Nadatnan ko ito na inaayos ang baonan ko. Lumapit ako dito at muli ay humalik sa pisngi nito. Ibinigay nito ang aking baonan at nakangiting inabot ko ito dito. "Ingat ka. Si nanay. "Opo nay! Sagot ko dito at mabilis na tumalikod para umalis.8:45am...
Mula sa sinakyan kong taxi ay mabilis na bumaba ako, nagmamadaling umibis ako doon, lakad takbo na yata ang ginawa ko, na platan kasi ang taxing sinakyan ko kanina. Gosh!! Ang aga ko kaninang gumising bakit naman kasi na platan, late na tuloy ako nito. Binati ako nang guard pero hindi na ako nag-abala pang ngumiti dito, ang isip ko ngayon ay nasa masungit kong boss. Lagot ako nito pagma-lalate ako, may tatapusin pa naman ako ngayon. Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa aking table, hinihingal pa akong napaupo doon at nagmamadaling ini-on ang sariling computer. " Why are you late girl?! si Mia na nakakunot ang noo. " Na platan iyong sinakyan kong kotse, andiyan na ba si Mr. Sungit? Hinihingal paring tanong ko dito, si Clara na ang sumagot sa tanong kong iyon. "Well, actually girl, wala pa naman si Sir". Lihim akong nagpasalamat sa nalaman at hinarap ang kailangan ko nang tapusin. Hindi naman nagtagal ay natapos ko na rin ito sa wakas, I let out a heavy sigh at napasandal sa aking swivel chair, hinilot-hilot ko pa ang aking leeg. Hanggang sa mag-breaktime hindi parin dumarating si Sir Clyde, excited pa naman akong ibigay dito ang natapos ko nang mga files na pinapa edit nito. Bagkus ay inihatid ko nalang ito sa office nito. Inilapag ko ito sa table nito. Inayos kong muli ang mga kunting kalat sa opisina nito, inayos ko ang swivel chair, nagwalis nang kunti, at inarrange ang mga kalat na mga magazines. Pagkatapos ay lumabas na ako doon. Bumalik ako sa aking mesa at hinarap muli ang mga files na kailangang e-save.
Kasalukuyan akong nag-aabang nang taxi nang may isang matandang babae na lumapit sa akin, may dala itong napaka cute na batang babae, her pinkish cheeks looks so adorable, she's so pretty, her eyes looks so familiar.
"Ineng, pwede ba kitang matanong? Tanong ni lola sa akin. "Sige po, ano po iyon lola?, Si sir niyo ba andiyan?, Nagtatakang kunot-noong napatitig ako sa matanda, "Po!??, kilala niyo po ang masungit naming boss??, " Ang totoo niyan Ineng, hindi ko rin kilala, ang ina nitong batang ito ang naging kaibigan ko, sagot nito sa akin. Hindi ko alam kong maniniwala ba ako o hindi, but I keep trying to listen. " Lola nasaan na po ang mommy niya?, sabi ko sabay turo sa batang mukhang iiyak na yata. Maagap naman akong lumapit dito at inalo ito. "I'm sorry baby, may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan? Lumuluha itong tumitig sa akin at nagsalita. " She's dead. Gimbal ako sa narinig, naaawang napayakap ako sa bata. 'Hush—wag kanang umiiyak, tita Joy is here. Alo ko dito. Mabilis naman itong napatitig sa akin at nagwika. " Can I call you titamommy instead??, wow ha, english speaking teh??, nosebleed ako ah, mapapasubo ako nito."O—okay lang, pilit ngiting sabi ko dito at pinisil ang dalawang pisngi nito, nanggigigil kasi ako dito. Haharapin ko na sana ang matandang kasama nito nang wala na ito doon. Nagtatakang napatingin ako sa paligid pero wala talaga ang matanda. "Baby girl, napansin mo ba iyong matandang kasama mo? Tanong ko dito. " I don't know where is she titamommy, sinamahan lang naman ako non dito, "I was looking for my daddy! His name is Clyde Cuevas. Napalunok ako sa sinabi nito, at muli itong pinakatitigan, " Who told you that baby girl?, tanong ko uli dito, " "Before my mom died, she told me the real name of my dad. "I have proof, look at this and try to open it. Gosh!! naku naman tagalog kana pls baby girl, naku naman ano ba talagang nangyari sa buhay ko. Totoo ba itong nalaman kong may anak itong si sir Clyde.??. Kinuha ko ang iniabot nitong kwentas sa akin at binuksan ang pendant nito na hugis puso. Tumambad sa akin ang larawan nang isang babae, at ang mukha ni Sir Clyde. Napatingin ako ulit sa bata at kamukhang-kamukha ito nang mommy nito. But her eyes reminds me of his dad, Sir Clyde Cuevas.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)
RomantiekClyde Cuevas story. Naranasan mo na bang magkagusto sa amo mo na masungit? Tunghayan ang kwento ng pag-ibig, na nagsasabing kayang mabago ng pag-ibig ang isang taong masungit.