Tinawag ng maarteng babae si Maurine, napalingon ako rito then to Maurine, napansin ko ang pagkunot ng noo ng bata rito sabay simangot. Pinakatitigan nito ang babaeng katabi ng ama.
Lumipat ang tingin nito sa akin, her eyes asking something on me, but I just nooded at her. Umirap lang ito sa babae, which is not a proper way.
"Maurine!" Saway ng ama nito dito.
Bagkus ay napa-crossed arms lang ito, at tumikwas ang isang kilay, she's so adorable by her actions, pero alam kung mali, pero hinayaan ko na lamang ito.
"I don't like her daddy!" Diretsang sabi nito sa ama, napasinghap kami halos lahat sa sinabi nito.
"Baby, don't say that!" Malumanay kong saway rito.
"I'm just stating the fact mommy." Sagot nito sa akin at tinanggal ang pagcocrossed ng mga braso nito at napayuko na nakanguso.
"I'm amazed iha, nagagawa mo siyang sawayin nang hindi nahihirapan, looks like na matagal na kayong nagkakilala ng apo ko." Ani nang magandang Ginang sa akin, na may ngiti sa mga labi.
"She's the one who take good care of me lola, she's nice, loving and caring, she treat me like her own." Masiglang saad ng bata sa magandang abuela nito.
Gulat ang rumehistro sa mukha ng Ginang at napalingon ito sa aking gawi, bakas sa mukha nito na hindi makapaniwala. Gayon din ang gwapong Ginoo na ama ni Clyde.
"Clyde, why you didn't told us about this?" tanong ng ama ni Clyde.
"Nawala sa isip ko dad, I'll apologize about that." Sagot nito sa ama, kapagkuwan ay sumulyap sa akin.
Iniiwas ko agad ang tingin ko rito, bigla akong kinabahan doon. Naisip ko nalang na aliwin ang sarili sa aking cellphone.
Nang biglang tumunog ito, its Rio who are texting, sumulyap ako rito, at nahuli ko itong kumindat at ngumiti ng pagkatamis-tamis sa akin.
Rio: Just relax, don't mind that gurl
Me: Tnx 😅 I will.
Rio: Good! 😘😘
Napangiti ako sa text ni Rio, sumulyap ako ritong muli, napangisi lang ito sa akin. Alam kong nagulat rin ito sa balitang may anak na si Clyde.
Kanina pa kasi nalaman ni Rio na may anak na si Clyde, hindi ko na sasaysayin pa ang mga iba pang pangyayari, naaalala ko pa kanina ng ipakilala nito iyon sa may mini-stage.
Lahat nang nandoong bisita ay napapasinghap, all girls were shock, especially sa mga secrets admirer ni Clyde. Mga bulungan rin na hindi na nakapagtatakang hindi mawawala.
Sa tingin ko mukhang welcome party ayon na rin sa sinabi ni Leonard sakin kung hindi ako nagkakamali.
Maurine turn her gazed at me. She waved at me and smiled while throwing me some flying kiss. How sweet my little Maurine!
Natutuwang napatingin sa akin ang mag-asawang Cuevas. Gustuhin ko mang tumingin sa gawi ni Clyde, but I choosed not to look again.
Nararamdaman ko pa hanggang ngayon ang pagsikdo ng aking puso. Gosh!
Hindi naman kami nagtagal sa bahay ng mga parents ni Sir Clyde. Tulog na si Maurine ng pauwi na kami papunta sa condo kuno ni Clyde.
Pinili kong maupo sa backseat para maging maayos ang pagkakahiga ni Maurine. Pansin ko ang pasulyap-sulyap na tingin ni Clyde sa may salamin ng kotse.
Lihim naman akong naiilang doon. Sus! si Maurine ang tinitingnan niya hoi! Hindi ikaw. Assumming teh??
Napasimangot naman ako ng wala sa sarili. At muli ay napasulyap sa salaming nasa harapan ng kotse ni Sir Clyde. At nagtama ang aming tingin.
Parang may biglang kiliti akong naramdaman sa aking dibdib. Ghad Joy! Wag ka ngang engot! Duh!!
Mabilis na iniwas ko ang tingin sa salamin, iniiwasan ko tuloy na mapatingin sa salamin. Shucks Joy!!
Itinoon ko nalang ang tingin sa natutulog na si Maurine. Then I heard Clyde's stereo click, then a love song musics played.
🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵
Kahit ikaw ay magalit
Sayo lang lalapit
Sayo lang aawitKahit na ikaw ay nagbago na
Iibigin pa rin kita
Kahit ayaw mo naTatakbo tatalon
Isisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang panaginip lahat ng itoO, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na wag ka nang lumihis
Tayo'y mag-usap, teka lang, ika'y huminto
Wag mo kong iwan, aayusin natin toAng daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?Lapit nang lapit, ako'y lalapit
Layo nang layo, ba't ka lumalayo
Labo nang labo ika'y malabo
Malabo, tayo'y malaboBumalik, at muli ka ring aalis
Tatakbo ka ng mabilis
Yayakapin nang mahigpit
Ang hirap pag di mo alam ang iyong pupuntahan
Kung ako ba ay pagbibigyan
O nalilito lang kung saanLihim akong napapakanta sa aking isipan at tinapik-tapik ang natutulog na bata sa aking kandungan. I caressed her brown curly hair.
Maya-maya ay naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan ni Clyde. At saka ko lang napansin na nakarating na pala kami sa condo nito.
Nauna na itong bumaba sa amin at umikot at pumunta sa gawi namin ni Maurine para buhatin ang natutulog na bata.
Dahan-dahan na man akong umusod palapit sa pintuan ng kotse. Clyde went inside, at maingat na kinuha nito si Maurine sa akin.
"Follow me!" Utos nito sa akin.
At tahimik lang akong sumunod rito. Namangha ako sa laki ng condo nito. Pwedeng pagdausan ng children's party.
Pagpasok pa lang na min napansin ko ang malawak na garahe nito. At may napansin rin akong matandang babae na sa tantiya ko ay kasama ni Clyde rito.
Yumuko ito at bumati ng mapahinto kami sa tapat nito. Gayun rin ang ginawa ko rito. Samantalang tango lang ang naging tugon ni Clyde rito.
"Aling Delia, pakisamahan po si Ms. Guevarra sa kanyang magiging silid."
Utos ni Clyde rito, hindi ko inaasahan iyon. Akala ko kasi ay iuuwi na ako nito.
Pero hindi ko rin siya masisisi dahil sa tingin ko ay dumidilim na rin na man at mahirap na. Bigla ko tuloy naaalala ang nangyari sa akin non.
Pinagpapawisan tuloy ako bigla nang malapot, na hindi na man nakaligtas sa mga mata ni Aling Delia. Napasulyap ako rito at pilit na ngumiti.
"Okay ka lang ba iha?" Batid ko ang nag-aalala nitong tanong sa akin.
Mula sa aking bulsa ay kinuha ko roon ang aking kulay pink na panyo at pinunas sa aking noo at leeg.
"O—opo!" Sa wakas ay sagot ko rito. Pero pansin ko pa rin ang pagdadalawang-isip nito sa sinasabi ko.
At iginiya na ako nito sa kwartong tutulugan ko. Sumunod lang ako rito. Ni hindi ko nga gaanong napansin ang pinagsasabi nito tungkol kay Clyde dahil ukopado ang isip ko sa nangyari sa akin noon.
Papaano na lang kaya kung balikan ako ng mga iyon? Ani ng aking isipan.
Humugot ako nang malalim na hininga. Kasabay ng pagkuyom ng aking kamao.
I'm afraid! Sana nga hindi na iyon mauulit pa.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)
RomanceClyde Cuevas story. Naranasan mo na bang magkagusto sa amo mo na masungit? Tunghayan ang kwento ng pag-ibig, na nagsasabing kayang mabago ng pag-ibig ang isang taong masungit.