Kabanata 9

362 23 8
                                    

Parang nabunutan ako ng tinik, I've never thought na ganon ka simple lang ang mangyayari sa dalawa. Nandito parin kami ngayon sa opisina.

Masayang nagkukwentuhan ang dalawa, masaya ako kay Maurine, sayang nga lang hindi namin nadala ang neckclace nito, iyon kasi ang patunay namin. Napasulyap ako sa aking relong pambisig. Alas onse na pala. Nag-excuse muna ako sa dalawa, "Excuse me, Sir ahm-break na po kasi, gusto ko lang tanungin si Maurine kong gutom na po ba siya. Lumapit naman sa akin ang bata at humawak sa aking braso. "Opo mommy, how about you sir, would you like to join us? Preskong tanong lang nito sa ama. Lihim tuloy akong naaaliw sa dalawang ito.

Napansin ko ang mapaglarong ngiti ni Sir Clyde, tumaas ang sulok nang labi nito at tumango. "Well, let's go, my treat, nakangiting saad nito sa bata, agad namang napayakap dito si Maurine at tumalon-talon pa. "Yeheey! mom, do you hear that? "Yes baby, nakangiti kong sagot rito, hindi parin ako makapaniwalang, si Maurine lang pala ang magpapangiti sa masungit kong boss, napasulyap ako kay Sir Clyde at nahuli ko itong nakatitig lang sa akin, nailang tuloy ako sa titig nito, naghatid tuloy ito ng kakaibang kiliti sa pagkatao ko. Maghunos dili ka Joy, wag ka assumming!! Imposible iyang iniisip mo, kaya dapat wag kang assumera. Sita naman ng isip ko, napasimangot tuloy ako.

Nauna na ang dalawang lumabas, I turn off my computer saka lumabas ng opisina. Pagkalabas ko, napansin ko ang mga nagtatanong na tingin ni Mia at Clara, gosh muntik ko ng makalimutan, sumenyas lang ako sa dalawa dahil maiiwan ako kung makikipagkwentuhan pa ako sa mga ito.

Pinukol lang ako ng dalawa nang nanunudyong tingin, na tinugunan ko naman ng irap. Nagmamadaling sumunod ako sa dalawa, mukhang nakalimutan yata ng mga ito na nandito pa ako. Napanguso tuloy akong lumapit sa mga ito.

"Mom, what took you so long,? Si Maurine. "May dinaanan lang ako baby, saad ko rito. "Sir, I want some fries and spaghetti for take-out. Demand agad nito sa ama, nakikinig lang ako sa dalawa, gustuhin ko mang suwayin si Maurine, pero hindi ko nalang ginawa.

Naisip ko rin kasing anak rin naman niya ito, lubus-lubusin nalang namin ni Maurine. Lahat nang tingin ay napapansin kong nakapako sa amin, batid ko ang mga bulong-bulungan ng iba, "Sinong anak iyon?, "Bakit kasama pa si Joy?, "Sus, alam niyo namang sekretarya yan ni Sir noh, natural kasama talaga niya. "Wait guys, look that kid, di ba iyon ang kasama ni Joy kanina?? Aba! Oo nga noh!! Imbes na patulan ang mga ito, pinili ko nalang na balewalain dahil mag-aaksaya lang ako ng oras ko.

Nagmamadaling lumapit ako sa dalawa, halata na komportable ang mga ito sa isat-isa. Hanggang sa isinakay kami ni Clyde sa magara nitong kotse. Nasa frontseat kami habang nakaupo si Maurine sa kandungan ko. Nakikinig lang ako sa usapan ng mga ito.

Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa isang fastfood na nirequest ni Maurine. Excited itong lumabas ng kotse, ang isang braso ko ay hawak nito, ganon din kay Clyde, para tuloy kaming happy family. Binati kami ng mga crew pagdating sa Jollibee.

"Hello mam/sir, welcome to Jollibee!!
Tumakbo agad si Maurine sa loob at dali-daling umupo sa may bakanteng upuan. "What do you want? Gulat man pero hindi ko ipinahalata sa boss ko. Masyado lang kasing malapit ito sa akin, ang mga labi nito ay malapit lang sa may punong tainga ko. "Anything sir. Tipid kong sagot rito.

Pag-alis ni Sir Clyde ay napasapo agad ako sa aking dibdib, ang lakas lang kasi ng kabog ng puso ko. "Are you okay titamommy!!? May pag-aalalang tanong nito sa akin. "Of course baby, I'm fine!

Nakangiti kong sambit. "Okay po, but I'm happy right now! Dad, treat us here. Saad nito at pumalakpak pa. Hinaplos ko ang buhok nito at pinisil ang baba nito. "Take your time with your dad, nakangisi kong tugon rito. "I will titamommy! Thank you so much po! "Youre welcome baby.

Hindi naman nagtagal ay naupo na si Clyde sa tabi nito, na ipinagpasalamat ko naman, baka marinig pa nito ang walang pakundangang kaba ng aking puso. Mababakas sa mukha nito ang pagkagiliw kay Maurine. Pasulyap-sulyap rin ito sa akin. Na lubos ko namang ikinailang. Kasalukuyan naming hinihintay ang aming order.

Makalipas ang ilang sandali, ang nakangiting crew na may dalang tray ang lumapit sa amin. "Here's your order mam/sir!! Inilapag nito isa-isa ang mga pagkain. "Yeheeey!! Hiyaw ni Maurine, napatingin naman ako kay Clyde, ngumisi ito sa akin na muli ay ikinagulat ko naman. Sir naman! Sana ganyan ka nalang lage, so handsome!! Tili ng isip ko. Ngumiti nalang ako rito pero ang totoo, medyo kinikilig ako.

Ikaw ba naman ang ngisihan ng gwapong nilalang, OMG!! grabe! Makalaglag panty! Gosh!!. Nilantakan agad ni Maurine ang spaghetti nito, napangiti ako sa mukha nito, kinuha ko ang tissue at pinunasan ang gilid ng labi nito, at sa may baba nito. "Is she really your daughter?? Kapagkuwan ay tanong ni Clyde sa akin.

Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong hininga at tumitig rito, "Sir, maniniwala ba kayo kong sasabihin ko sa inyong hindi ko siya anak??!

Kunot noong napatitig ito sa akin, saka uminom sa pineapple juice nito,
"What do you mean, I thought she really yours! Seryosong saad nito. Napayuko ako at muli ay nagpaka- wala ng malalalim na hininga. Akmang magsasalita na sana ako ng magsalita si Maurine. "Titamommy, can I eat this? Tanong nito sa fries na hawak nito. "Of course baby! Go on. Saad ko rito at muli ay napatingin ako kay Clyde. At ngumiti ng tipid rito. Tango lang ang naging tugon nito sa akin, at hinarap ko nalang ang pagkain.

"So let's go back to the topic, wika ni Clyde sa gitna ng katahimikan. Until Maurine finish eating, umangat ang mukha ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Seryoso parin ang aura nito, naiilang na naman tuloy ako. Napansin ko rin ang mga customer na babae na patingin-tingin sa amin. Lalo na sa boss ko.

Sino ba naman ang hindi mapatingin, eh artistahin ang kasama namin. Tsk! Nang mapadako ang tingin ng mga ito sa akin, hindi ko mapigilang itirik ang mata, duh!! Napairap naman ang mga ito sa akin.

"Hey! Just don't mind them, puna sa akin ni Clyde, napalunok naman ako at napayuko. "Sorry sir, hindi ko lang kasi matiis, saad ko naman rito. Napailing na lamang ito sa inasal ko.

"Who are the parents of this child?! Mahina nitong tanong sa akin. "Ipapakilala kita sir, kung iyon ay ihahatid mo kami pauwi. Diretsang tugon ko rito. Muli ay kumunot ang noo nito. "Alright, sige ihahatid ko kayo. Akala ko talaga anak mo siya! Wika nito na hindi parin talaga makapaniwala, napangiti na lamang ako rito.

Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon