Pagkatapos naming kumain, ako na ang naghugas ng mga pinggan, habang si nanay naman ay umalis lang sandali para mamalengke. Habang si Maurine naman nanonood ng Disney Channel.
Nakaupo lang si Clyde sa mesang naroon, naiilang naman akong kumilos, gosh! sino ba naman ang makakapag-focus, eh—feel ko nakatitig ito sa likod ko, shocks!! Ani ng baliw kong isip.
"Sir, hindi po ba kayo papasok ngayon?", tanong ko rito.
"Nope!" agad na sagot nito.
"Sir, baka magha-halfday nalang po siguro ako, mahinang usal ko rito.
"Magday-off kana lang muna ngayon, at alam mo naman siguro kong anong pakay ko, kaya ako nagtagal rito sa inyo."seryosong wika nito sa akin.
Napatuwid naman ako ng tayo, muntik ko ng makalimutan, Oo nga pala ang kwintas ni Maurine. Mabilis na pinunasan ko ang sariling kamay sa soot kong damit, at nagmamadaling pumanhik sa taas.
"Wait, be careful!" si Sir na sumigaw pa. Ayiee! Kinikilig akooo!! Concern ang peg!!
Pumasok agad ako sa loob ng kwarto, hinanap ko ito sa ilalim ng kama, pero wala, sa sahig, pero wala rin, sa mga drawer ko, but still wala parin. Then sa kama, sa may ulunan ni Maurine.
At sumigla ang anyo ko ng makita ito, nagmamadali ko itong kinuha mula roon, at mabilis na bumaba ng hagdanan.
Lumapit ako kay Clyde at ibinigay ang kwintas rito. Tila naman napatulala ito ng makita ang kwintas, iniabot ko ito rito at kinuha naman nito iyon, at pinakatitigan.
Napansin ko ang lumukob na kalungkutan sa mukha nito, napalunok ito, at maya-maya ay tumayo ito. Narinig ko ang sunod-sunod nitong buntong hininga.
Lumapit ito kay Maurine at tumabi ito ng upo rito, napapangiti ako ng tipid ng makita ang dalawa. Kinandong nito si Maurine, mukha namang nasorpresa ang bata sa ginawa ng ama.
Hindi ko tuloy napansin ang pagtulo ng aking mga luha, nagmamadali ko itong pinahid at umalis muna roon, at muli ay pumunta sa kusina para ipagaptuloy ang paghuhugas ng pinggan.
Masaya ako dahil sa wakas makakasama narin ni Maurine ang ama nito, ngunit hindi ko rin maiwasang malungkot, dahil mawawala na ito sa poder ko.
Napamahal narin kasi si Maurine sa akin. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay tinungo ko na ang maliit naming sala kung saan ang dalawa ay masayang nagtatawanan.
Napansin naman ng mga ito ang aking presinsiya, nakita ko ang kwintas na suot-soot ni Maurine. Napalingon sa akin ang bata at masiglang lumapit sa akin.
"Titamommy, nakita ni Sir?!" balita nito sa akin, na bakas sa mukha ang kasiyahan nito. Nagtataka naman akong napatingin kay Clyde, wala akong mabasa na anonmang ekspresyon sa mukha nito, kundi kasiyahan.
Pero nagtataka lang ako, dahil hindi pa nito inaamin kay Maurine na siya talaga ang ama nito. "Wow! Talaga baby, nag-thank you ka ba kay sir Clyde?!" masayang tanong ko rin rito.
"Opo!"tugon nito na ang mga mata ay nakatitig lang sa akin. Tumitig din ako rito.
"Sige na, maligo kana, papaliguan na kita, saad ko dito. Niyakap lang ako nito bigla. Matagal itong bumitaw sa akin ng yakap, kaya naisipan ko nalang itong kargahin patungo sa banyo.
Sumenyas lang ako kay Clyde na paliguan ko lang muna si Maurine. Ng makarating kami sa banyo, nagtataka ako ng maradaman ko ang pagyugyog ng balikat nito. Naantig naman ang damdamin ko at mabilis ang kilos na pinapaharap ko ito sa akin.
"Hey! Baby are you okay?" wika ko at iniangat ko ang tingin nito sa akin, umiiyak pala ito, hilam sa luha ang mga mata. Mahigpit na niyakap ko ito ng muli na namang rumaragasa ang mga luha nito.
"Mom"—sigok nito. Hinagod ko ang likod nito at ikinulong ko ang mukha nito sa aking mga palad.
"Look at me baby, anong problema, hindi malulutas ni titamommy kung iiyak ka lang, please you can tell me." Samo ko rito at pinahiran ko ang mga luha nito sa mata at pisngi gamit ang aking palad.
"I'm—just—happy titamommy!" Nauutal nitong tugon.
"Of course you have to be happy, imagine nakasama mo si daddy mo".
Masayang saad ko rito, muli ay yumakap ito sa akin at pagkatapos ay nagpasyahan ko na rin itong paliguan.Pagkatapos ko itong paliguan, binalot ko agad ng towel ang katawan nito at kinarga papunta sa aking kwarto, natagpuan naming nakatanaw si sir Clyde sa t.v. pero ramdam kong wala ang atensyon nito doon.
Hindi man lang kami nito tinapunan ng tingin, meaning ay malalim nga ang iniisip nito. Kinalabit ako ni Maurine at bumulong sa akin.
"Is there something bothering my dad titamommy!" bulong nito sa akin.
"Don't worry baby, may iniisip lang iyon sa trabaho." sagot ko at hinalikan ko ito sa pisngi, at inamoy-amoy ko pa ito.
"Bango ng baby ko,!" nanggigigil kong saad rito.
"Titamommy, stop that! Nakikiliti po ako! Titamommy!" Malakas na tili nito, at pinaupo ko ito sa aking kama ng makarating na kami sa silid ko.
Binihisan ko na ito ng binili kong summer jumpsuit, eksakto dahil summer na summer na rin ngayon, nilagyan ko ng pulbo ang likod nito at leeg, at tinali ko ang buhok nito like braid pigtails.
Pagkatapos ko itong bihisan ay nagmamadali itong bumaba, alam kong uhaw ito sa pagmamahal sa ama, hindi ko alam kong totoo bang sinasabi nitong anak nga ito ni sir Clyde, kailangan ng DNA test para talaga malaman na.
Kinuha ko ang aking towel at bumaba na rin, maliligo narin ako. Mabilis na tinungo ko ulit ang banyo, masaya ako ng madaanan ko ang dalawa na nagkukulitan.
Napansin ko ang pag-angat ng tingin ni Clyde sa akin. Ngumiti ako rito, simpleng tango lang ang sagot nito sa akin. Hindi na ako napansin ni Maurine dahil nakatalikod ito sa akin.
"Ms. Guevarra!" tawag ni Clyde sa akin,bago pa man ako tuluyang makapasok sa banyo.
"Po!" sagot ko naman at napalingon rito.
"Aalis tayo, make it fast!" utos nito sa akin.
"Opo sir!" ako, at nagmamadaling pumasok sa banyo at naligo.
After 20mns. natapos rin ako, at sa pagmamadali ko, halos takbuhin ko ang hagdanan. At napansin kong may tinatawagan si Clyde sa cellphone nito.
At pumasok na ako sa loob ng kwarto para magbihis. Medyo na-aware ako sa damit na dapat kong suotin, pumunta ako sa aking cabinet at nanghalukay doon.
Pinili ko ang formal dress na kulay peach, sling bag na peach rin at binagayan ko ito ng kitten heels sandals na kulay peach rin, hindi kasi ako mahilig sa stilletos dahil napakahaba ng heels nito, at ganon rin ang pumps.
Muli ay hinarap ko ang mukha sa salamin, at tinali ko ang buhok sa two braided style na lagi kong ginagawa sa buhok ko. Naglagay lang ako ng kunting lipstick. At nagpasya na rin akong bumaba.
Pagbaba ko, ay nalaglag ang panga ko ng makita si Clyde na nakatopless na naman, holly cow!! Mamasa-masa pa ang buhok nito, at may nakita akong paper bag na sa tingin ko ay iyon itong itinawag nito kanina.
At napansin naman ako nito, ngumiti lang itong muli na nakakaloko, at naiiling na kinuha nito ang paper bag at pumasok sa loob ng banyo. Napalunok na naman ako at huminga ng malalim.
"Wow titamommy, your so pretty today!""puri ni Maurine sa akin na ikinangiti ko.
"Thank you baby!" sagot ko rito.
"Welcome mommy! Tugon nito at muli ay hinarap nito ang tv.
Lumapit na lamang ako rito at tumabi ng upo.Napaka-gwapo ni Clyde sa soot nitong
White polo, na ang brand nito ay Lacoste, at sa pantalon nito. Kahit ganon pa man, hindi parin maitatago sa soot nito ang matikas nitong pustura.Iniwas ko agad ang tingin rito ng mapa-angat ang tingin nito, hindi ko alam pero bigla na naman akong kinakabahan. Shocks!
"Let's go guys!" agaw pansin nito sa amin, pero ang totoo, lihim ko itong tinitingnan sa gilid ng aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Boss (Under Major Editing)
RomanceClyde Cuevas story. Naranasan mo na bang magkagusto sa amo mo na masungit? Tunghayan ang kwento ng pag-ibig, na nagsasabing kayang mabago ng pag-ibig ang isang taong masungit.