Pagod na ako
Pagod na ako at nais ko nang magpahinga
Huwag ka sanang magtataka
Kung wala na ang ningning sa aking mga mata,
Kung wala na ang ngiti sa labi,
Tuwing tayo ay magkikita.Hindi ako hihingi ng paumanhin
O kahit anong uri ng dispensa.
Hindi ako hihingi ng tawad
Pagkat ako'y pagod na.
Hindi ako hihingi ng tawad
Dahil una sa lahat
Hindi ako ang nagkasala.Ang tanging mali ko lang na nagawa
Ay ang magpakatanga
Sa pag-intindi at sa pagpapakumbaba,
sa paulit-ulit na pagsasabing
Kaya ko pa kahit buwis buhay na
Kahit ang akin lamang paghinga.Pagod na ako twina.
Paki-usap.
Hayaan mo na akong...Magpahinga.
YOU ARE READING
Words and Heart at Work
PoetryUntold repressed feelings... They're all kept in the heart and only words crafted through poetry can express the secrets hidden in it.