Tapos na ang ating Yugto

3 1 0
                                    

Ubos na ang panggatong para palakasin ang apoy
Tapos na rin ang puso sa kanyang panaghoy
Wala nang natitirang abo ng ating kahapon
Hindi na rin ikaw ang naiisip tueing dapithapon
At tuwing umuulan kapag lumalamig ang panahon.

Wala nang ikaw
(sa buhay ko)
Wala nang tayo
(sa puso ko)
Ang natitira na lang ay ako.

At ako ay naririto
Hindi na nalilito
Sa walang kahulugang ngiti mo,
Hindi na naglalagablab ang puso
Tuwing kinakausap mo.

Kaya ko na ang sarili ko,
Kaya na rin ng puso ko
Na buksan muli ang pinto
Para sa bagong yugto
Ng damdaming darating sa buhay ko.

Words and Heart at WorkWhere stories live. Discover now