Umuwi ka na, Mahal

3 1 0
                                    

Nag-aantay na ang buwan
Sa paglubog ng araw sa kanluran.
Nag-aantay na ang kalangitan
Sa paghahari naman ng buwan.
Nag-aantay na ang mga tao
Sa pagtatapos ng buong araw na trabaho.

Papalubog na ang araw...
Pasara na ang entablado (ng buhay mo)
sa araw na ito...
Umuwi ka na mahal ko,
Tanggalin ang maskarang sinuot mo.
Umuwi ka na...
Dahil isa ka ring tao,
Hindi makina.

Umuwi ka na...
Dahil mahal,
Ginawa mo ngayon ang tama
Sa abot ng iyong makakaya.

Words and Heart at WorkWhere stories live. Discover now