Pagod

7 2 0
                                    

Tuwing lumalagapak
Pagkat pagod na ang pakpak,
Minsan di na ako tumitingala
Pagkat tila wala nang pag-asa...

Ayoko na...
Hanggang bulong na lang ba
ang pagsabi na
Susuko na?

Ayoko na...
Pero pagod lang talaga
Kaya lalaban pa.

Hahawiin ang buhok na tinatago ang mukha,
Papawiin ang bawat sugat na nadama,
Pipiliin na mabuhay pa
Kahit isang araw pa.

Hindi man kaya ng pakpak
Na muling maglayag,
Hinay-hinay akong babangon
Hanggang sa huli'y makaalpas
Sa kawalang ginawa akong bihag.

Words and Heart at WorkWhere stories live. Discover now