Naririnig mo na naman ang nga bulong
Na simula pa nung bata ka
Sinubukan mo nang ikulong
Kahit natatakot ka...Natatakot kang mas lumakas sila
Kaya sinubukan mong maging kaaya-aya,
Ginawa ang lahat para mawala
Ang mga bulong na ayaw kang makawala...Hanggang panaho'y pinapatanda ka,
Natutunan mong magpanggap na masaya,
Ikinukubli sa iyong mga ngiti
Ang pait ng buhay pati pighati.Ngunit sa iyong pagpapanggap,
Puso at isip ang tumatanggap
Sa lahat ng masakit at masalimoot
Na negatibong tila ikaw ay tinatakot...Pinipiga...
Pinupunit...
Pinipilipit...
Pira-piraso na...
Wasak ka na...
Pero dahil nasanay ka
Sa pagpapanggap na ayos ka
Halos di mo na kilala
Kung tunay ngang ikaw pa ba
Yang namumuhay sa katauhang
Pinilit mong buoin para
Ikubli ang kadiliman
Na ginugunita...
Sino ka na ba?Mahal...
Paki-usap...
Bumalik ka na...
Huwag kang magpalamon sa
Dilim na pilit kang hinihila...
Mahal...
Halika na...
Paki-usap...
Bigyan mong muli
Ng pagkakataon
Ang sarili mo para
Itapon ang maskara...Magpakatotoo ka, mahal...
Tama na ang pagpapanggap...
Pagkat ikaw ay matatanggap
Kahit na wasak at paubos ka na...Mahal...
Yakapin mo ako
At yayakapin kita pabalik...
Mahigpit na mahigpit...
Para hindi ka na makawala...
Para ikaw ay muling maging masaya...
YOU ARE READING
Words and Heart at Work
PoetryUntold repressed feelings... They're all kept in the heart and only words crafted through poetry can express the secrets hidden in it.