Bloodren

5 0 0
                                    

Dried meadow in Nebraska.

Sa inis ko kay Baal nagtungo ako sa mundo ng mga tao. Doon ako magmumukmok. Sa isang malawak na bakanteng lote ako napadpad. Nag-upo ako sa damuhan at yumuko. Niyakap ko ang aking sarili at nag-isip. Bakit nga ba tinulungan ko ang lalaking iyon? Bakit dahil lang doon ay itatapon nila ako sa impyerno? Bakit si Miguel, sumuway siya sa utos Niya? Di parin siya naipatapon. Dahil lang ba sa ipinagtanggol nya ang sangkatauhan sa pagkalipon? Nang araw na yun bumaba siya para ang mga tao ay  bigyan nang isa panglGg pagkakataon.
Bakit ako? Ganon din naman ang ginawa ko ah. Isinalba ko ang lalaking iyon dahil mukhang kailangan niya ng isa pang pagkakataon. Ngunit wala itinapon Niya ako rito. Ano nga naman ang isa kumpara sa buong mundo? Di na ba ako mapapatawad? Ganon ba kalaki ang kasalanan ko?
Natigil  ang aking pagmumukmok, nang may isang pares ng paa na tumapat sa akin. Napatingala ako at napaawang ang bibig. Si Miguel! Nakatunghay siya sa akin at may bahagyang ngiti mula sa kanyang labi.

Lumakad siya patungo sa aking tabi at umupo. Lumingon siya sa akin saka ngumiti.

"Catharina, naniniwala ka pa ba sa Kanya? May mga bagay kasing di pwedeng isiwalat. Gaya mo, may mga bagay na di mo maiintindihan sa ngayon ngunit kapag nalaman mo ang katotohanan. Mawawala na yang mga katanungan mo sa iyong isipan, ngunit di lahat nang katotohanan ay makakabuti." Malumanay niyang sabi.

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. At nginitian nya lang ako. Gusto ko sanang ngumiti rin ngunit bakit ba hindi patas ang buhay? Pag sya pwedeng magrebelde, pag ako hindi?

"Catharina, wag ka ngang sumimangot dyan. Alam ko ang tanong mo para sa akin, ngunit mananatiling nakatikom ang aking bibig para diyan." Tumikhim siya at tumanaw sa malayo.

"Bakit ka pa nandirito?" Simple kong tanong.

Tumuro siya sa gawing kaliwa ko. Sinundan ko ng tingin ang kanyang kamay. Nakita ko na parang may nag-aapoy sa gawing iyon. Wala sa sariling inihakbang ko ang aking paa. Muli akong lumingon para tanungin sana si Miguel ngunit wala na siya. Pinili ko nalang lumipad patungo kung saan naroroon ang apoy.

Napamulagat ako sa aking nakita. Ang lalaking iyon! Siya! Ngunit mas may edad na siya ngayon di na tulad ng dating parang kawawain. Nagpalit ako ng anyo upang mapalapit kung saan siya naroroon.

"Puta pre! Tapusin mo na yan!" Sigaw ng nasa harapan.

"Helios!"

"Helios!"

"Helios!'

Nakakabinging sigawan sa paligid.
Walang anu-ano ay nakarinig ako nang binaling buto. At lalong naghiyawan ang mga taong nanonood. Mayamaya ay nagbigayan na ng mga pera ang mga ito. Naiiling ang mga natalo. At nakangisi ang mga nanalo.

Naubos ang mga tao sa paligid. Ngunit nanatiling nakatayo sa paanan ng lalaking walang buhay si Helios. Tulala ito at walang emosyon. Nakatitig lang siyang parang isang ilusyon ang nakikita niya. Mayamaya pa ay pumatak ang luha niya. At binuhat ang bangkay ng kanyang katunggali. At naglakad patungo sa direksyon ko. Halatang nagulat siya dahil naroon ako.

"Ikaw!" Buksan mo ang pick-up truck na yan!" Utos niya sa akin.

Ako naman si tanga binuksan ko nga. Ipinasok nya ang katawan sa likuran.
"Ikaw!babae, pumasok ka na!" Utos niya.

Itinuro ko ang aking sarili. "Ako?" Tanong ko.

"May iba pa ba dito bukod sayo, sa akin at sa bangkay!?" Pasigaw nyang tanong.

Oo nga naman. Nagkibit balikat ako at sumunod sa utos niya.  Nang malapit na kami sa City ay huminto kami sa isang shop. Sarado ito ngunit isang katukan lang niya ay bumukas na ito agad.

Inuluwa ng pinto ang isang lalaki. Ngumiti ito at pinatuloy siya. Aba! Nakalimutan ako. Di bale na makabalik na nga ako sa anyo ko.
Pumasok ako sa loob ng store. May kaluluwa pa akong kukunin. Dapat kanina pa lumabas ang kaluluwa niya sa kanyang katawan. Nakakapagtaka.

Nakita ko ang nagngangalang Helios na binabali ulit ang leeg ng lalaking patay. Gusto ko syang pigilan ngunit mayamaya ay naubo ito. Nabuhay?
Nang dumilat naman ito ay ay nakahanda na ang lalaking isa upang ito ay patinginin sa kwintas.

"Mario, makinig ka, uuwi ka at lalayo ka at ang iyong pamilya sa lugar na ito." Sabi nito.

Paulit-ulit ito. At mayamaya ay tumayo na ang dating bangkay at lumabas ng pinto. Ano yun?

"Helios! Palagi nalang ha!" May bahid ng asar ang lalaki.

"Jay naman, alam mong matagal ko ng inalis sa utak ko ang makapatay. Kailangan lang natin ng madaliang pera para sa mga binubuhay natin." Pangangatwiran nito.

"Oo na." Naiiling nitong sabi.

"Saka mula nung-" napatigil sa pagsasalita si Helios. "Nak ng putsa! may babae akong kasama at ipapahypnotize ko sana sayo nakalimutan ko na!" Sigaw niya sabay labas ng pinto.

Mayamaya pa ay pumasok ito muli.
"Wala na siya roon! Gago!" Gigil niyang sabi.

"Nak ka ng tokwa! Lagot tayo!" Sigaw nung Jay.

Ako naman ay napagpasyahan ko na magpahinga na muna. Habang pabalik ako sa aking silid ay iniisip ko ang sinabi ni Miguel. Lahat ng bagay ay may dahilan. Ano yung dahilan para itapon ako rito.

💞salamat sa pagbabasa💞

She Is DeathWhere stories live. Discover now