chain

4 0 0
                                    

Helios POV

Pumunta ako sa bar para mag-unwind at sumipat narin ng babae. Madali lang naman yun para sa akin. Titigan ko nga lang bumibigay na kindatan ko pa kaya? Wag na baka himatayin na.

Pagpasok ko ay may mga nakangiti na agad sa aking mga babae. Kaso ni isa sa kanila wala akong type. Mayamaya pa ay nagkakagulo ang mga tao rito nagtatalo ng kung anu-ano. Nag-iingay. Di ako apektado at ang ilan isa na roon ang grupo ng tatlong babae. Tumatawa ang dalawa samantalang ang isa ay mukhang naiingayan na. Teka! Yung babaeng yun sya yung witness sa ginawa kong pagpatay kuno dun sa kalaban ko. Imbes na uminom ako ay nag-upo ako sa isang gilid kung saan tanaw na tanaw ko siya. Lagi lang syang blangko ang mukha. Mayamaya pa ay may lumapit na lalaki sa kanila. Kaagad nagtiim ang panga ko at nanlisik ang mata ko.
Pag nilapitan nya sya makakasapak ako.

Buti nalang at yung kasama nya ang nilapitan nito. Mukha nga lang minamalas yung lalaki, dahil parang walang balak yung babaeng pansinin siya ng maayos. Kaya mayamaya pa ay lumakad na ito paalis. Muntik nga lang magkaroon ng komosyon dahil may tatlong babaeng lumapit sa kanila. At ilang minuto ang lumipas ay kumaripas na ng alis ang mga ito. Ano kayang ginawa nung dalawa? Muli akong napatingin sa babaeng may itim na itim na hanggang baba ng balikat na buhok, at kutis na morena. Napapangiti ako, para kase syang anghel na nagiging mabangis pag may mali kang nagawa. Akala mo tupa yung pala tigre ganon. Ilang sandali pa ay tumayo na siya, nilingon ko ang gawi ng kasama niya ngunit wala na ito. Inabangan ko nalang siyang mapadaan sa gawi ko, upang makausap.

Pagtapat nga niya at ayun ako na si parang ewan, hinila ko siya at tinakpan ang bibig. Lumabas kami ng bar at isinakay ko sya sa pick up truck na dala ko. Nakatitig syang masama sa akin, parang tatakasan na ako ng hininga sa kanyang tingin. Pinilit kong ngumiti, at sinimulan ko na ang pagmamaneho paalis.

Nanatiling tahimik kami, nakatingin lamang siya sa labas ng bintana. Wala sa loob kong napatikhim ako. Lumingon naman siya sa akin na para bang nagtatanong kung ano ang problema ko, sagutin ko kaya siyang "ikaw"...hahaha..di na baka sapakin ako.

" saan mo ba ko dadalhin?" Tanong niya. Nakakapanindig balahibo ang tono niyang napakalamig.

"Kakausapin ka lang, malapit na tayo." Sagot kong parang kinakabahan.

Tango lang ang sinagot niya. Bakit parang iba siya sa kasama ko nung nakaraan? Mas nakakakilabot ang isang ito. Ipinarke ko ang sasakyan sa isang bakanteng lote. Bumaba ako at ganon din ang ginawa niya. Wala siyang kyeme, naglakad sya sa isang patag na lupa at walang pakundangan na umupo doon.

"Magsalita ka na." Sabi niya.

"Ahhh, kase nakita mo ang lahat, nais ko lang naman sanang wag mo na ipagsabi sa iba ang mga nakita mo, para di ko narin ipabura ang memorya mo." Sabi ko sa kanya.

"Bakit di mo nalang ipabura?" Seryoso niyang tanong.

Napapalunok ako sa tanong nyang iyon. "Ayoko kaseng mabura ang  memorya mo, tungkol sa una nating pagkikita." Pabulong kong paliwanag.

"Pangalawa." Sagot niya.

Nagtaka naman ako kaya nasabi ko nalang ay, "hmmm?" Nakatinging taning ko.

"Wala." Sabi niya.

"Maghahating gabi na halika ihahatid na kita sa bahay nyo." Nakangiti kong alok.

"Kung ako sayo di ko yan sasabihin." Seryoso niyang sabi.

"Bakit?" Taka kong tanong.

"Tara na isabay mo nalang ako dyan sa may sakayan." Aya niya.

"A-ahhmm ano nga ba ang pangalan mo?" Tanong ko.

Tinitigan niya ako ng matagal ngunit wala parin siyang sagot.

"Oo nga pala, ako si Helios, at ikaw si?"

"Kamatayan." Tipid na sagot ngunit nag-iwan sa akin ng makakapangilabot na impact. Parang totoo ang sinabi niya, di ko magawang tumawa. Napagpasyahan ko nalang na sa bus station ko nalang siya ihahatid. Susundan ko nalang ang bus hanggang makababa siya para masigurado kong ligtas sya makakauwi.

Umabot ang bus sa terminal nito ngunit walang siya na lumabas. Nasaan na si Kam? Kam short for kamatayan. Wala na akong nagawa kundi umuwi.

Kaway readers. Tingin nyo katuloy-tuloy pa ba?

She Is DeathWhere stories live. Discover now