Tinulak ko si Baal para maalis ang pagkakayakap nya sa akin.
"Ano bang problema mo!" Galit kong tanong ko sa kanya.
"W-wala," sagot niya habang humawak sa kanyang batok.
Tumingin lang lalo siya na para bang sobrang saya ng mukha niya. Tsk! Marunong palang matuwa ang hari ng mga diablo.
"Napagod ka ba sa pagsundo mo sa mga kaluluwa?" Nag-aalala niyang tanong.
"Hindi, ilang taon ko naring ginagawa ito." Sagot kong walang emosyon.
"Kumain ka na ba?" Tanong nya muli.
"Fuck! Ano bang problema mo?! Nakakairita na!" Gigil kong sigaw.
Nakarinig ako ng isang galit na ungol. Lumingon ako sa gilid at nandoon sila Wrath at Greed.
"Wala kang respeto." Sabi ni Greed.
Napangiti ako sa kanya. "Uso ba dito ang salitang yan?" Pang-uuyam ko sa kanya.
"Yv, ano ang nangyayari ba sayo?" Tanong ni Wrath.
"Wala nagiging makatotohanan lang ako sa sarili ko na demonyo na rin ako! At di dapat magka emosyon o umasa pang makakaalisako sa lugar na to! Alam nyo yun? Nakakasuklam ang lugar na to! Lalo na ang mga naririto! Lalo na yang pinuno nyong nababaluw na!" Pagsisigaw kong sinabi.
Nagulat ako ng umigkas ang kamay ni Greed pasampal sa aking pisngi. Agad akong napaluha. Wala pang nananakit sa akin mula noong nagkamalay ako sa pagiging anghel.
"Putang! Greed! Bakit mo sinktan ang anak ko!?" Galit na hiyaw ni Baal na nagpayanig sa buong impyerno.
Teka ano nga daw ulit? Anak? Sino ang anak niya? Ako? Paano nangyari yun? Marahan akong lumingon sa kanya. At nakita ko ang mga mata niyang nagbabaga sa galit.
"A-anak?" Tanong ko.
"Kayong lahat lumabas kayo!" Utos niya.
"Teka-"reklamo ko. Ngunit dagli ring naputol.
" labas." Madiing sabi niya.
Mabilis na lumabas ang dalawa, ngunit ako palingon-lingon pa kay Baal. Nakatingin lang siya sa akin. Ako naman ay lumabas ngunit sumandal muna ako sa pinto ng silid.
Mayamaya ay naulinigan kong may kausap na si Baal at nagsisigawan sila.
"Bakit mo sinabi!?" Malakas na boses na tanong nito.
"Di ko napigilan," malumanay na sagot ni Baal.
"Alam mong di nya pwedeng malaman" lalo siyang magrerebelde sa kalangitan.
"Ano pa ba ang dapat Miguel? Di nga ba pinatapon nyo sya rito?" Mapang-uyam na tanong niya.
"Baal, alam mo ang tunay na mga dahilan." Sagot ni Miguel.
"Oo, yun ay ang una, anak ko siya kay Catherine na isa sa mga manggagamot na anghel, pangalawa ang pagbibigay buhay sa lalaking nararapat ng namatay. At di lang iyon, nasalinan nya pa ito ng di sinasadyang pagka-imortal. Ngayon, walang kinabibilangang lahi ang lalaking iyon. Di sya tatanda gaya natin, di sya mamamatay. Nasa kanya ang desisyon kung dito sya sa impyerno kakampi o sa inyo." Pag-iisa isa niya ng dahilan.
Natakpan ko ang aking bibig. Ganon pala ang nagawa ko. Isang sumpa. Napapaluha ako sa isiping lahat ng nasa paligid ng lalaking iyon ay mamamatay at tatanda ngunit siya, maiiwan at manantili sa edad niya. Muli akong napatigil sa pag-iisip. Nagsalita muli si Miguel.
"Ngunit ang pinaka importante sa lahat, ang propisiya." Saad niya.
"Ang tinutukoy ba roon ay siya?" Tanong ni Baal.
"Mananatiling lihim ang lahat." Sagot ni Miguel.
"Miguel, alam mong nasa kaharian kita ngayon." Nagbabantang sabi niya.
"Baal, kailan ka ba nanalo sa akin?" Makatotohanang sabi ni Miguel.
"Mayabang kang anghel!" Sigaw ni Baal.
"Dating kaibigan, alam mong sa simula palang ay sa lahi mo magmumula ang sinasabi sa propisiya. Nang binuksan mo ang aklat ng katotohanan ng araw na iyon, ikaw agad ang unang tinutukoy roon. Ngayon magtatanong ka pa sa akin?" May sarkasmo sa kanyang tinig.
Lumipas ang ilang minuto ay nanatiling tahimik ang silid.
Marahan din akong naglakad papalayo.Ama ko ang pinuno ng impyerno. Paano nangyari yun? Paano? Babalik ako mamaya upang itanong sa kaniya personal ang bagay na iyon.
Sa ngayon may importante akong pupuntahan.
So ano na guys? Katuloy-tuloy ba? Anyways pasensya na sa aking pagsusulat.
YOU ARE READING
She Is Death
De TodoSaving that ends with punishment, the punishment that becomes pleasure. But will it ends by death?