Death

12 0 0
                                    

St. Mary's Hospital
Children's ward
2:30pm

Ilang minuto nalang ang hinihintay ko para sa susunduin kong kaluluwa rito. Nakikita kong naghihirap na ang kalooban nya. Ang magaganda nyang mata ay puno na ng lungkot. Habang nakatunghay sa nasa tabi niya. Tinapik ko ang kanyang balikat. Unti- unti siyang lumingon sa akin. Napaawang ang kanyang walang kulay na labi.

"Oras ko na ba, iha?" May takot na tanong niya.

Tumango lamang ako. At inilahad ang aking kamay.

"Ngunit paano ang aking apo?" Nag-aalala niyang tanong, habang nakalingon sa batang nakaratay sa higaan.

Tiningnan ko lang siya, ngunit alam kong walang buhay ang mata kong pinipilit niyang magkasimpatya sa kanya. Para saan ang simpatya? Lahat naman ng tao dumadating ang oras ng kamatayan. Simpatya pa ba? Di kailangan yun, di kailangan ng awa. Walang magagawa yun. Muli kong inilahad ang kamay ko at inaya siya.

Inabot nya ito at unti-unti ko na siyang inakay paalis dito. Lumakad kami patungo sa liwanag. Huwag ninyong isiping ang daanang ito ay patungo sa kalangitan. Dito palang magsisimula ang paglalakbay nya sa paghuhukom. Dito palang siya titimbangin kung saan sya nararapat mapunta.

Napukaw ang aking pag-iisip nang muli siyang nagsalita. "Paano si Snow, bata pa siya?ano na ang pwedeng mangyari sa kanya? Wala na siyang aasahan kundi ako." Nag-aalala siyang maigi sa kanyang apo.

"Ang pag-aalala sa kanya ay walang saysay. Wala na kayong magagawa kundi tanggapin. Ang buhay ay may katapusan parati." Walang emosyon kong sagot.

"Nais ko sanang bantayan mo siya at sa oras ng kanyang kamatayan ay sunduin mo ko upang siya ay aking masamahan." Nagmamakaawa niyang hiling.

"Matutupad." Simple kong sagot. Upang tumahimik na sya.

Nakangiti siyang naglakad sa daan. Kumapit pa siya ng mahigpit sa akin.
Sa dulo ay hinayaan ko na syang magpatuloy. Kumaway pa siya sa akin. Gusto ko siyang bigyan ng isang ngiti ngunit aking pinigil, di maaaring magpakita ng kahinaan.

Inisip ko ang aking kwarto at nang makauwi na ako. Tama kayo nakakateleport talaga ako. Pumikit ako panandali at pagmulat ko ay naririto na ako sa aking silid.

"Huy! Tarina! Ang tagal mo!" Galit na sita ng boses na nasa likuran ko. Syempre sino pa ba sya, kundi si Natasha.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"May ipapakilala nga ako sayong baby boy na sobrang sarap."  malambing na sabi niya.

"Ayoko." Madiin kong sabi.

"Ang kill joy mo!" Inis niyang sabi.

Si Natasha ang isa sa malapit sa akin dito sa impyerno. Isa siyang "demon of lust". Mapang-akit at  nakukuha nito ang anumang gusto niya, gamit ang alindog niya.

"Magtigil ka na Nat," saway ni Klea.

"Gusto ko lang kase siyang sumaya," pangangatwiran nito.

"Ang ayaw wag pilitin. Iba sya sa atin."
Muling pigil ni Klea kay Natasha.

Si Klea ay isa namang "demon of pride". Kaya ganyan siya, ngunit malapit siya sa akin. Kapag inalok ka niya ng isang bagay o tulong tanggapin mo na agad. Di sya magdadalawang salita para pilitin ka.

"Aheem," singit ni Zeus.

Lumingon kaming lahat sa kanya.

"Catharina, tawag ka ni Baal." Iyon lang ang kanyang sinabi at nilayasan na nya kami. Sabagay mas maige na yun kaysa sa mapikon na naman siya sa akin.

Zeus is a "demon of greed". Madalas syang wala dahil nandun sya sa mundo kung saan nag pupugad ang mga ganid at uhaw sa katungkulan at kapangyarihan.



She Is DeathWhere stories live. Discover now