Nakita ko ang pakay ko sa lugar na ito. Tiningnan ko siya mula sa malayo. Naghahanda na naman siya sa pakikipaglaban. Naghubad siya ng damit niya at tanging abuhing shorts ang natira. Nakikipagnegosasyon pa ang mga manonood. Nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha lalo na ang mata niyang parang yelo sa lamig. Umupo ako sa gilid at ganon narin ang ginawa ng iba. Pumasok siya sa ring gayundin ang kalaban niya. Mataman akong nakatingin sa nagsisimula nilang hand to hand combat. Sa una ay nananalo ang kalaban niya. Pero sa ngisi ni Helios alam mong may iba itong balak. Agad na umigkas ang kamay nito at agad na natumba ang kalaban. Pinagsisipa niya ito at pinilipit ang kamay nito. Agad na napahiyaw ang kalaban niya ng pagsuko. Idineklara na si Helios na panalo,ngunit ang kalaban pala niya ay may dalang kutsilyo at sinaksak siya sa leeg. Nawala ako sa tamang huwisyo at agad akong nagteleport sa loob ng ring at dinaluhan siya. Nagulat ang mga manonood kaya isang paraan lang ang naisip ko. Pinatigil ko ang oras. Mabilisang nagteleport sa silid ng trono ni Baal.Nagulat ka siya ng bigla akong sumulpot habang kandong si Helios.
"Death! Ano yan!?" Galit nyang tanong sa akin.
"Kung ama nga kita. Burahin mo ang mga isipan ng nasa arena ngayon na!" Pasigaw kong utos.
Agad naman siyang nawala.
Binunot ko ang kutsilyong nakatarak sa leeg ni Helios. Lalong sumirit ang dugo niya na halos kumakalat na sa buong sahig. Pinatigil ko ang pagdurugo.
Di ba imortal na sya. Gagaling siya ng sarili niya."Anong nangyare?" Tanong ni Baal na kakabalik lang.
"Sinaksak sya ng talikuran." Sagot ko ng di tumitingin kay Baal.
"Dadalhin ko lang siya sa aking silid." Paalam ko."Hindi maaari!" Agad niyang sabi.
"Bakit!" Inis kong sabi.
"Di ako papayag na ang nag-iisa kong anak ay may lalaking kasama sa silid niya! Ipalapa ko yan sa mga alaga kong buwitre!" Yamot niyang sabi.
"Sige, ama, saan ko siya dadalhin?" Tanong ko sa kanya.
Tulala lang siya sa akin. At parang binuhusan ng suka ang mukha niya. Ano bang mali sa sinabi ko?
"Baal?" Untag ko sakanya.
"Hmm?" Sagot niya.
"Sabi ko saan ko siya pagpapahingahin?" Ulit ko.
"Gusto ko yung tinawag mo sa akin kanina" nakangisi niyang sabi.
"Ano? Ah! Baal saan ko siya dadalhin?" Muli kong tanong.
"Hindi yung isa." Sabi niya.
Kumunot ang aking noo, ano ba tinawag ko sa kanya kanina? Parang tanga, baal o pinuno lang naman ang parati kong tawag sa kanya. Bigla kong natutop ang aking bibig. Ama. Oo nga, yun nga. Ano ba nasa utak ko bat ko natawag siyang ama.
"A-am-ama" pautal kong sabi.
"Anak," nakangiti niyang sabi, nangilid ang luha sa mata niya.
"Ama, demonyo ka wala ka dapat emosyon." Pabiro kong sabi dahil naluluha narin ako.
"Natural dati naman akong ang-" bigla siyang tumigil sa pagsasalita. "Sa kabilang silid nalang mo siya ilagak. Para malaman ko kung may ginagawa kayong milagro." Sabi niya. Idiniin niya talaga ang salitang milagro.
Nagteleport nalang ako sa silid kung saan nya sinabi. Inihiga ko siya. Mayamaya pa ay dumating na si Greed at pinalabas ako upang palitang ito ng damit. Naghintay lang ako hanggang lumabas ito.
Tinitigan ko nalang siya sa kanyang pagkakatulog. Hanggang nakatulog narin ako.
So kaya pa bang pagtyagaan ang pagbabasa? Salamat😘
YOU ARE READING
She Is Death
RandomSaving that ends with punishment, the punishment that becomes pleasure. But will it ends by death?