Lust

5 0 0
                                    

Akala ko pagdating ko sa aking silid ay pwede na akong mapahinga. Ngunit mali ako, naririto sa silid ko si Natasha. Sarap ng hilata sa kama ko, at nakangisi sa akin.

"Ano na naman balak mo?" Nakataas kilay kong tanong.

"Party!" Sigaw niya.

"Lika na Pride nandito na si Death." Pag-aaya niya.

"Pride talaga? Klea ang itawag mo sabi sa akin, di yan pakiusap utos yan naiintindihan mo Lust!" Galit na namang sabi ni Pride/Klea.

"Oo na, Klea my loves" malambing na sabi ni Natasha.

"Mandiri ka nga sa kasweetan mo!" Saway ni Klea.

"Pwede ba umalis na tayo? Klea? Natasha?" Pag-aaya ko para lang manahimik na ang dalawa.

Ngiting-ngiti si Natasha na lumapit sa akin hila si Klea. "Tara na!" Tuwa niyang aya. At nagteleport kami sa mundo ng mga tao.

"Wait! Sabi mo party? Bat dito sa mundo?" Naguguluhan kong tanong.

"Bakit saan ba akala mo nagpaparty ang mga demonyo?" Napapantastikuhang tanong ni Natasha sa akin.

"Catharina dito kadalasan sa lupa nagkakalat ng kamunduhan ang mga demonyo. Kaya dito kami madalas, dahil nandito ang mga tinutuksong magkamali." Pagpapaliwanag ni Klea.

Tumangutango nalang ako. At naglakad papasok sa bar.

"Catharina palitan mo ang damit mo, ay ako na pala ang magpapalit nyan." Pumitik lamang siya at napalitan ang damit ko. Kung anong balot ko kaninakabaliktaran na ngayon. Maiksing paldang maong at labas pusod na pang-itaas na hapit sa katawan ko.

"Ayan better!" Nakangisi nilang  sabi. Grabe sabay pa talaga.

Naglakad na kami papasok. Agad naman kaming pinapasok sa bar.  Pagpasok palang namin ay may mga kalalakihan ng nakatingin sa amin.
Ang ngiti ni Natasha ay nakakaloko.

"Maglalaro tayo ngayon," deklara niya.

"Game!" Sigaw ni Klea.

Naglakad ako patungo sa upuang bakante. Kumaway naman si Natasha sa waiter. Umorder sya para sa amin.

"Game na!" Sigaw ni Natasha.

Pagkasabi nya nun ay lahat halos ng mga tao sa paligid namin ay naglampungan na. May naghahalikan. May naghihipuan. Ang iba ay umuungol na. Ang isa nga sa bandang likuran ni Natasha ay hinuhubaran na ng kapareha niya.

"Natasha! Aba nakakadiri!" Sabi ko.

"Ayan ang kapangyarihan ko." Pagmamalaking sagot niya.

Napamaang ako ng biglang may humula sa akin at tangka akong halikan. Kaagad na itinulak ni Klea ang lalaki.

"Natasha tigilan mo muna!" Utos ni Klea.

"Fuck! Puta! Di pwedeng mawala sa sarili si Yvri." Nag-aalalang sambit ni Natasha.

"Kaya nga itigil mo muna ang laro." Sagot ni Klea.

"Eto na nga kase!" Pumitik siya at nagsihinto ang mga tao sa kalaswaan nilang pinaggagagawa.

"Anong bawal akong mawala sa sarili?" Nagtataka kong tanong.

"Kase, kapag nawalan ka ng control sa kapangyarihan mo, lahat ng taong naririto ay mawawalan ng buhay." Paliwanag ni Natasha.

"Habang si Natasha, ay kayang ipagawa sa lahat ng tao ang mga pinaka-wild na pwede nitong magawa. Lalo na sa kama." Pairap na paliwanag ni Klea.

"Eh kesa naman sayo! Lahat nag-aaway dahil sa Pride.. Make love not war." Sabi pa ni Natasha.

"Love? Baka AIDS!" Sagot ni Klea.

Nagpasya nalang ako na umupo. Nagmasid sa paligid. Habang ang dalawa ay tumatagay na ng alak. Inorderan nila ako ng punch. Eto lang daw ang bagay sa akin.

💞Wahhh mare!

Konting eksplinasyon.

Natasha and Lust are the same
As well as Klea and Pride.
Gets? Gets? Aww!

She Is DeathWhere stories live. Discover now