Trono ng bathala ng kadiliman.
Agad akong pinagbuksan ng mga bantay sa silid ni Baal. Kaya deretso lang akong pumasok. At nakita ko siyang nakapangalumbaba sa kanyang upuan. Parang napakalungkot ng kanyang pagkakatulala. Kaya't minabuti ko nang siya ay untagin sa kanyang pagmumunimuni.
"Pinatawag nyo daw ako kamahalan?" Panimula kong bati sabay yukod. Siya kase ang namumuno rito sa impyerno.
"Nais ko lang malaman kung nagagawa mo ba ang iyong trabaho ng mabuti." Saad niya.
"Kamahalang Baal,may nakita po ba kayong pagkakamali ko?" May pang-uuyam kong tanong.
"Wala naman ang totoo natutuwa ako sa ipinapakita mong trabaho. Ngunit ang nakakapagtaka sa akin ay dalawang bagay. Una, di ka nakikipagsaya sa mga pagtitipon, di ka ba masaya?" Tanong niya.
"Di po ako interesado sa mga pagtitipon, mas nais kong mag-isa sa aking silid." Sagot ko.
"Sa langit ba walang kasayahan?" Sabay ngisi sa akin. "Napakawalang buhay naman." Lalong lumawak ang nakakayamot nyang ngiti.
"Mawalang galang na po. May kasayahan sa langit. Ngunit malayo sa kasayahang nandirito." Nayayamot ko na ring saad.
"Hahahahahahahahaha! Pinapaalala ko sayo, dapat ay masaya ka na rito dahil itinapon ka na ng kalangitan dito. At simple lang naman ang dahilan, binigyan mo ng buhay ang isang taong dapat nang mamatay." Tumatawa niyang sabi.
Tumalikod ako, nararamdaman ko na ang masamang aurang lumalabas sa katauhan ko at ayoko nito. Lumakad na ko palayo.
"Hep! Di pa ko tapos Catharina!" May galit sa kanyang tinig.
Muli akong lumingon sa kanya. "Ano pa po iyon kamahalan?" pilit kong ngiti.
"Pangalawa, iniisip ko lang, bakit sa lahat ng naririto at nasasakupan ko ikaw lang ang ninanais kong makita, napapansin mo ba?" Nang-aasar nyang sabi.
"Dahil ako lang ang anghel dati?" Patanong ko ring sagot.
"Mali! Hahahahahaha! Si Callix ay isa ring anghel na itinapon rito." Pagsasaad niya.
"Ikaw nakakaalam ng sagot sa tanong mo, ngayon ako ay aalis na. Sa ayaw mo man at sa gusto." Pagpapaalam ko sa kanya di ko na kayang kumalma.
"Saglit, nabasa mo ba ang aklat ng katotohanan?" Tanong niya.
"Pinagbabawal iyon." Iritado kong sagot.
"Mabuting anghel, mali pala mabuting ipinatapong anghel!" Pang-uuyam niya.
"Baal! Aalis na ko!" Gigil kong paalam.
"Pikon! West ang itawag mo sa akin, luma na ang pangalang Baal." Nakangisi niyang sabi.
Tumango lang ako at naglakad palabas sa kanyang trono.
Nakakainis!
💞sana na enjoy nyo💞
@BloodyYoru
YOU ARE READING
She Is Death
RastgeleSaving that ends with punishment, the punishment that becomes pleasure. But will it ends by death?